Daniella Ann's POV
Naglalakad kami ni Dexter sa hallway. HHWW. Shet pinagtitinginan kami ng mga tao.
Ni-try ko kunin ang kamay ko at kumawala sa holding hands pero hinihigpitan to ni Dexter. Kinausap niya ang mga mata ko parang sinasabi 'Wag ka bumitaw.'
Nakaalis na din kami dun sa naraming tao, GIRLS, na nagtitinginan.
"San tayo pupunta?" Tanong ko. Kinuha ko ang kamay ko at pinunasan gamit ang panyo ko.
"Dun sa papaling pinupuntahan ni Tonette at Drake tuwing breaks." Nag ahh nalang ako at sumunod sakanya.
Umupo kami sa ilalim ng puno. Buti na lang, dinala ko yung snacks ko.
"Here they come." Bulung ni Dexter. Hinablot niya ang snacks ko. Whaaaat? Kung bumili kaya siya ng kanya? I tried to get my snacks pero masmatangkad siya sa akin.
Tumayo siya at tumayo din ako. Naghabulan kami.
"Dexter! Akin yan eh!" Sabi ko. Hinabol ko siya. Heh! Track and field player ang kaharap niya. Naabutan ko siya at sa hindi inaasahang mangyari, i tripped and land to Dexter. Napahiga naman si Dexter sa lapag. I'm above Dexter right now. Nagkatinginan kami. Shiiit! Kalma lang heart! Parang sasabog ka na eh! Sobrang pula ko ata ngayon.
"You're such a cute couple." Sabi ni Tonette. Tiningnan ko siya. Nakalimutan ko na ata na nandito sila eh.
Tumayo ako at pinagpag ang suot ko. Tumayo na din si Dexter. Hinablot ko ang snacks ko at tinago sa bag ko. Bumelat ako. Lumapit siya sa akin at kinurot ang pisngi ko.
"Ouch! Dexter!" Sabi ko habang kurot kurot pa niya ang pisngi ko.
"You're so cute! Come on, let's go." Tumigil na din siya sa pagkukurot ng pisngi ko at hinila na ako papunta sa stairs. Halfway up the stairs, tumigil siya at pinagmasdan si Tonette.
"Nagselos ba siya?" Tanong ko.
"I don't know. Mukhang masaya siya." Sagot ni Dexter. Nag sigh ako.
"Argh! Siguraduhin mong magseselos siya! Kasi masusuka na ako sa mga ginagawa natin." Sabi ko with the matching disgusted face. He smirked.
"Gusto mo din naman." Sabi niya at umakyat na.
"FYI! Hindi ko gusto tong mga nangyayari! Halos pataying na nga ako ng mga girls dito eh!" Sabi ko with a scowl. Tumawa na lang siya at dumeretso na sa classroom.
(Dissmissal)
"Hatid na kita." Sabi ni Dexter. Whuut?? Nooo baka makita ni mama at mapalayas pa ako.
"No! Baka makita ni mama to." Sabi ko. Tiningnan naman ako ni Mae.
"Girl! Sure ka bang hindi PA alam ni tita to? Kasi alam mo naman, may demonya kang pinsan." Sabi ni Mae. My eyes widened.
"Shit!" I muttered. "Sabay na kami nina Amor sa pag uwi." Dagdag ko. Si Mae ay sasabay kay Kyle. Iniwan niya yung kotse niya para lang makasabay kay Kyle. Si Alyssa naman kay Clyde.
"Gege! Bye Anielle!" Sabi ni Mae. Nag wave naman si Alyssa sakin at nag wave ako pabalik. Nag nod si Clyde at pumunta na sa kotse niya.
Humarap ako kay Dexter.
"Bye! Can't wait for next week." Sabi ko.
"Well, I'm planning for an extension." Sabi niya na may nakakalokong ngiti. Arghh!
"I hate you!" Sabi ko at nag cross arms.
"The more you hate, the more you love." Sabi naman ni Amor ng tumatawa. Binatukan ko siya.
"Aray! Bakit ba ang violent mo?" Tanong niya habang rubbing her head.
"Ikaw kasi! Try mo nga icontrol yung bunganga mo kahit konti." Sagot ko. "Joke! Labyu Amor!" Dagdag ko.
"Labyu din Anielle." Sabi naman niya at nagtawanan kami.
(Pagkadating sa bahay)
"Daniella Ann Mendoza!" Sigaw sakin ng mama ko. Argh! I knew it!
"Ma, may sinabi na naman ba si Gabriella sayo?" Tanong ko.
"May boyfriend ka na daw? Diba sabi ko 17? 16 ka palang!" Sigaw niya. Argh! Inexplain ko ang lahat kay mama, yung away, yung deal.
"Siguraduhin mong temporary lang yan! May tikim ka sakin!" Sabi ni mama.
"Oo nga po." Umakyat na ako at nagbihis.
"Ang cute couple nga po nila eh! Yung parang hindi acting lang." Narinig ko ang malakas na boses ni Amor. Bumaba ako.
"Hoy bruha! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Sleepover." Sagot niya. Tinaas ko ang kilay ko.
"Bakit?" Tanong ko. Tinuro niya yung bintana.
"Duh girl! Paglalakadin mo ko sa labas eh madilim na nga!" Sabi niya.
"Para saan pa ang pag aaral ng taekwondo?" Tanong ko, nakataas pa rin ang kilay.
"Baka di ko sila makaya no! Paano kung may kutsilyo? O baril? Tita oh! ayaw ako patulugin dito." Amor pouted. I groaned. Late na naman ako makakatulog nito.
-----------------
(A/N)
Napapadalas ata ang update ko guys. Medyo short tong update ko. I dunno kung sa chapter 30 or 30 plus ko na to tapusin.
BINABASA MO ANG
Tris Dexter
Teen FictionSi Daniella Ann Mendoza: ang babaeng napaginipan ang isang lalake na di niya akalaing makikita at mame-meet niya sa personal. Si Tris Dexter.
