Chapter 2: The Deal

56 11 1
                                    

Daniella Ann's POV

(Lunch time)

"Huy girl ganda ng panaginip mo!" Sumubo siya ng fries.

"Parang nagkatotoo yung panaginip mo tungkol kay Tris Dex--"

"Call him TD" inunahan ko si Alyssa.

"Okaaay TD." Alyssa rolled her eyes at Kumain na siya ng cake.

BAM! Sound effect yan ng pinto ha? Hehe, imagine niyo na lang.

Tumingin kaming lahat sa pinto. Nakita namin si Dexter na masama ang tingin. Nakoo! Mukhang badtrip to!

"Who's Gabriel Mendoza's sister?" Naglibot siya ng tingin. Huy! Sister daw ni Gabriel Mendoza. Magpakita ka na! Teka, halaaaa! Si Gabby ba tinutukoy niya?

"What's your problem with my brother?"  Tumingin lahat sakin. Oopss, i dont want attention. Napapa-english tuloy ako. Tsaka ang cool ko diyan ah! Hehe.

Lumapit si Dexter sakin. "Come here" Hinila niya yung kamay ko palabas at papunta sa kotse niya. "Get in." Tiningnan ko siya. "Get in or i'll push you in." Sooo ayun sumunod nalang yung katawan ko kahit ayaw nung isip ko. Nagdrive siya papuntang...school ni Gabby.

"Ano bang problema mo sa kapatid ko?" Umikot pakanan yung sasakyan at biglang nagpreno. Napasubsob ako ng konti pero pag wala akong seatbelt, araay na lang. Lumabas siya at sinilip ako motioning me to get out. Lumabas naman ako at hinila parin niya ang kamay ko. Gigil na gigil siya habang hawak ang kamay ko. 

Ang sakit ng kamay ko -.-

Hinila niya ako papunta sa principal's office.

Pagbukas ng pinto nakita ko si Gabby nakaupo sa kanan at isang lalake na gwapo pero payat na nakaupo sa kaliwa.

"Ano po nangyari?" Umupo ako sa tabi ni Gabby. Umupo naman si Dexter sa tabi nung gwapong payat.

"Miss Mendoza, Mr. Mendoza just fought with Mr. Sanchez. Sabi ng kapatid mo,---"
Inunahan na ni Gabby si principal. 

"Sinabihan niya ng di maganda si Chelse!"

Hayst, ang babaw naman ng pinag-mulan ng away ._.

"Eh sa totoo naman!" Palaban ni Sanchez. Teka, ngayon ko lang narealize na Sanchez din siya so may possibility na magkapatid sila ni Dexter.

"Ano ba sinabi niya?" Tanong ko kay Gabby.

"Bobo na nga panget at clumsy pa. Di ganon si Chelse." Gustong gusto niya talaga si Chelse. Actually maganda si Chelse di nga lang matalino at clumsy siya, sobra. Baka nahurt lang talaga si Chelse at nagalit si Gabby.

"Ganon yun! Sabihin mo tanggapin niya yun! Hindi yung iiyak iyak pa sa tabi at magsusumbong sa bestfriend niya." Galit na galit na talaga tong kumag na to. Pinigilan ko na lang siya sumugod.

"Who started the fight?" Tanong ni Dexter.

"Siya!" Sigaw ni Gabby.

"Oh ikaw pala eh!" Napansin kong walang ni isang pasa si Gabby. Si Sanchez lang ang meron.

"Ang lakas naman ng loob mong makipagaway kung ikaw lang din naman ang makakatamo ng mga pasa. Tara na nga Gabby." Hinila ko na si Gabby palabas pero tumigil muna ako sandali sa pinto.

"Sorry po pero siya yung nauna at tinapos lang ng kapatid ko." Hinila ko na siya palabas. Alam ko na yung ugali nito. Pag pinagsalitaan ng masama ang mahahalaga sakanya, syempre dinedepensahan niya. Mataas lang ata ang pride ni Sanchez kaya niya sinimulan yung away. Ayaw niya mapagsalitaan. Feeling ko nga masmahalaga pa si Chelse kaysa sakin. Mas love niya si Chelse kaysa sakin=_=

Tris DexterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon