Chapter 6: Drake

41 9 3
                                    

Drake's POV

"Daniella??" Tiningnan ko siya. Gumanda siya lalo at tumangkad ng konti. Umiwas siya ng tingin at dumeretso sa ice cream shop na malapit. Sinundan ko siya papasok sa ice cream shop.

"Isa pong chocolate ice cream." Di pa rin siya nagbabago, chocolate parin ang paborito niya.

"Isa pong cheese." Order ko.

"Bakit ka nangdito?" Tanong niya. Tiningnan ko ang mata niya, blank.

"Masama ba?" Tanong ko.

"Oo. Umalis ka na." Sabi niya na at nag shoo siya.

"Hindi mo ako pwede paalisin kasi hindi ikaw ang may ari." I smirked at kinuha na yung ice cream ko. Kinuha na din niya yung chocolate ice cream at padabog na umupo. Tsss...childish parin.

Umupo ako sa tapat niya.
"Sa dami ng upuan, bakit diyan." Parang sinasabi niya, sa dami ng babae, bakit ako? Lol! San napunta to? Tss nevermind. Nag scoop ako ng ice cream.

"Masama ba umupo sa tapat ng aking kaibigan?" Sumubo ako. She glared at me.

"We're not friends." Tumayo siya at lumabas ng ice cream shop. Di pa din siya nakakamove on sa nangyari huh?... Kasalanan ko naman talaga yun... Sinundan ko siya palabas. Nakita ko siyang naglalakad habang kumakain ng ice cream. Hindi niya napapansin ang papalapit na kotse. Shiiittt!!!!

"Daniella!" Sigaw ko pero hindi niya ako naririnig. Nabitawan ko ang ice cream ko at tumakbo papunta sa kanya. BEEP!!! Hinila ko siya papuntang sidewalk at yinakap. Ang bango niya.

"Pasensya na! Di kasi tumitingin sa dinadaanan girlfriend mo! Sabihin mo mag ingat palagi!" Sigaw nung driver.

"Kuya kayo na nga ang muntik na makabangga. Sa susunod mag ingat din kayo. At--" Naputol ang sinasabi ko ng biglang umandar yung kotse. Bastos to! Nagsasalita pa ako! Katabi mo si karma kuya! Tiningnan ko si Daniella, nakatulala siya. Ohh shit! May trauma nga pala to! Kailangan ko siya dalhin sa bahay para matawagan ang kanyang personal doctor.

Pinasok ko siya sa kotse ko at nag drive ako papunta sa bahay niya. Kasalanan ko naman to eh! I couldn't help but to blame myself for this.
--------------

"Okay na siya Drake, salamat nga pala." Hindi mawawala ang konting galit ni tita sa mga mata niya.

"Walang anuman po tita. Kasalanan ko din po naman." Napayuko ako.

"Drake, nakaraan na yun. Mabuti at ligtas siya ngayon." Tiningnan ako ni tita at nawala naman ang bakas ng galit sa mga mata niya.

Pumunta ako sa pinto
"Sige po tita, mauuna na po ako. Ako na lang po ang magsasabi sa teacher kung bakit siya excuse. Don't worry, I'll make an excuse."

"Salamat ulit Drake. Ingat ka." Nag nod nalang ako at umalis.

Basta kung ano mang mangyari, nandito ako Daniella. Nandito ako para protektahan ka. Pangako sayo.... Yan! Na LSS na tuloy ako! Bad trip naman oh! Nag drive na ako papuntang school.

(Classroom)
"Drakey! San ka galing?" Umupo siya sa tabi ko.

"Ahh...nagka-emergency lang." Sagot ko. Liningon ko si Tonette.

"Emergency?" Tumingin siya sakin with a curious look.

"Nevermind...may assignment ka ba?" Buti na gets niya na ayaw ko pag usapan yung emergency. Nag nod nalang ako.
-----------
(Lunch)
Dexter's POV
"Nakita niyo ba si Daniella?" Tanong ko dun sa maputing babae na palaging kasama ni Daniella.

"Hindi." Sagot niya. Tumingin naman ako dun sa may braces.

"Nope." Tsss...nasan na ba yun? May ipapagawa pa ako.

"Huy, nakita ko si Daniella kasama si Drake." Kumunot noo ko...Drake? Drake Rosales?

"Baka kasama niya si Anielle." Sabi nung may braces na si Alyssa.

"Baka nga." Sabi nung maputi. Mae ata pangalan.

"Drake? As in Drake Rosales?" Tanong ko. Napatingin siya sakin na parang akala niya na umalis ako.

"Oo...kilala mo?" Tanong ni Mae. I clenched my fist. Don't tell me he's cheating on Tonette? Di ko siya mapapatawad. Drake Rosales huh?
---------
A/N
Sorry for the late update guys! Sorry din pag medyo short!

Tris DexterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon