Daniella Ann's POV
Natapos din kami sa pagbibilang. Tiningnan ko ang relo ko. 3:50. Grabe ang dami nun!! Nag thank you si Miss Macapagal at umalis na kami.
Naglalakad na kami ngayon ni Angelica. Bumilis ang lakad niya. Sinundan ko naman siya, wait ang bilis niya. Lumiko siya tapos lumiko din ako pero empty na hallway lang ang nadatnan ko. Creepy! Bakit parang ako lang ang tao dito. Oh no! Baka multo dito at multuhin ako! No please!!! Birthday ko pa ngayon T__T
"Angelica!! Angelica!!" Tawag ko pero walang nasagot. Nasan na ang mga tao dito? Naglakad ako ng naglakad pero nadilim ng nadilim. What? Eh mag fo-four pa lang!
May narinig akong naglakad. Waaahhhh!! Noooooo! Napaupo ako at may tumulong luha mula sa mga mata ko. I'm weak at this.
"Crybaby!" Napansin ko ang boses na yun. Kyle?? Tumayo ako at pinahid ang luha ko.
"Ano nanaman bang pakulo to??!" Sigaw ko. This isn't funny. Biglang lumiwanag. Napatingin ako sa kisame. Nakabukas ang dalawang bilog na ilaw. Isang ilaw sa taas namin at isang ilaw sa likod ni Kyle.
Binigyan niya ako ng red rose at hinila ako palayo. Naglakad kami.
"Sorry, can't tell you!" Nag smile siya. "Btw, happy birthday!" Dagdag niya.
"Thanks." Sagot ko na naguguluhan parin sa nangyayari.
"Naguguluhan ka no? Just wait." Nakasmile niyang sabi. Okay, I'll just wait. If I can.
"Regalo ko?" Okay di na to biro! Siya ang isa sa mga galante kong kaibigan. Sigurado akong may regalo ako ^^
Napakamot siya sa batok niya. Umiwas siya ng tingin.
"Ahh...Kasi...Uhmm...nakalimutan ko na birthday mo ngayon eh!" Binatukan ko siya. Okay na walang regalo, wag lang kalimutan ang birthday ko.
"Aray! Joke lang! Kung mangbatok to! Bakit ko naman makakalimutan ang birthday ng taong nagaadvise sakin. Ohh!" Inabot niya ang isang paper bag. Bwahahaha! Sabi na nga ba eh!
Kinuha ko iyon at nagthank you. Naglakad ako habang binubuksan ang regalo ko nang dumilim ulit. Napatingin ako sa paligid. Wahhh! Ito nanaman!
"K-kyle??" Walang sumagot. Shet naman oh! Naglakad ako ng mabilis palayo dun sa tinagpuan namin ni Kyle, hoping na may makita na tao. Pero wala. Ito na namaaaan!
"Kyle!!" Sigaw ko. I felt a presence behind me. I'm so freakin' scared right now.
"Boo!" Nagulat ako at pinaghahampas ang tao sa likod ko.
"Wahh! Sino ka ha?!" Sigaw ko habang hinahampas parin siya. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Hoy! Teenager abuse ka na ha!" I recognized that voice. Hinampas ko siya ng malakas.
"Aray!!" Sigaw ni Clyde.
"Wag mo ko gulatin kung ayaw mong mahampas uli kita." Sabi ko naman habang naka-cross arms. Lumiwanag sa pwesto namin. Dalawang ilaw din. I recognize this place. Ibig sabihin malapit na ako sa gate! Pwede na ako makaalis!
"Okay di ma mauulit!" Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na ibig sabihin ay suko na siya.
"Ano ba nanaman to? Nasan si Kyle?" Tanong ko. He gave me a puzzled look.
"Si Kyle? Eh nasa bahay si Kyle eh." Sabi niya. What? Whaaat? Ano yun? Multo kausap ko? Nanlaki ang mata ko.
"Just Kidding! Nasan si Kyle? Secret." Hinampas ko uli siya. How dare him? Tinakot niya ako ng ganon!
"Tama naaaa! Oh!" Binigyan niya ako ng isang set ng Ferrero Chocolates. Napatingin ako sakanya.
"Grabe Clyde! Too much na yan!" Sabi ko pero kinuha parin ang chocolate. Ginulo niya ang buhok ko.
"Hindi galing sakin yan!" Sabi niya. Tatanungin ko na sana kung sino ang magbigay nito ng lumayo siya.
"Go straight." Sabi niya at namatay ang ilaw. Eto nanaman oh! Ayoko yang patay-patay na ilaw na yan! I went straight, just like what he said. Nakita ko na ang labas. Wohoooo! Papabas na ako! Naglakad ako papunta dun sa liwanag ng may parang human form na humarang sa liwanag. I stopped.
"S-sino ka?" Tanong ko. Kinakabahan na ako. Lumapit siya sakin at lumiwanag. Bumukas ulit ang dalawang ilaw na nakatapat sa pwesto namin.
"Oyy! Bakit mo ako iniwan kanina???" Tanong ko sakanya. Kainis! Nag smile lang siya.
"Happy Birthday ulit! Oh." Binigyan niya ako ng isang blue na balloon at isang red na balloon. Tinali ko iyon sa kaliwang kamay ko.
"Thanks. Wait! Ano bang nangyayari?!" Instead na sagutin niya iyon, nagsmile siya.
"Just wait." Hinila niya ang kamay ko papunta sa gate. Atlas! Liwanag! Nakita ko si Mae na nakasandal sa kotse niya.
She smiled when she saw me. Biglang may tumakip ng panyo sa mga mata ko.
"Wahh! Hoyy! Ano nanaman to? Bakit ako nakablind fold?" Tanong ko. Now I'm confused. Really confused.
"Just Relax! Leggo!" Iniguide niya ako paloob ng kotse. Nagdrive na siya at hindi ako mapakali sa inuupuan ko. What is happening??!!!
--------------------
(A/N)
Woooh!! I'll try to update another chapter. What is happening daw?
BINABASA MO ANG
Tris Dexter
Teen FictionSi Daniella Ann Mendoza: ang babaeng napaginipan ang isang lalake na di niya akalaing makikita at mame-meet niya sa personal. Si Tris Dexter.
