Daniella's POV
Lumipas ang araw at wala paring ginagawa si Dexter sakin. Haaayyy! Buti naman!
"Bukas na yung birthday mo Anielle." Sabi ni Mae. Naglalakad kami papunta sa classroom namin.
"Oo nga no? I'm so excited!" Sarcastic kong sabi. Wala din namang special na nangyayari sa birthday ko eh. Lalo na at wala si papa.... Mag t-third birthday ko na wala si papa. Miss ko na siya.
"Dapat lang!" Sabi naman ni Alyssa habang nagtetext. Si Clyde siguro yun. Bakit di na lang kaya ligawan ni Clyde si Alyssa??
"Anielle! Sorry talaga! Bukas kasi darating si dad galing Saudi. Hindi kita masasamahan papunta sa bahay niyo." Amor flashed me an apologetic smile.
"Ok lang! Masmahalaga yung dad mo kaysa birthday ko." Pag hindi siya makakapunta sa bahay namin, okay lang naman. Kakain lang naman kami at mag momovie marathon bukas.
"Yieee! Thank you!" Sabay hug sakin. Nag iisip ako kung mag huhug ba ako pabalik o ano.
Bumitaw siya at pumasok na kami sa classroom.
(Dissmissal Time)
"Wohoo! Let's go shopping!" Sigaw ni Mae. Pumasok siya sa sasakyan at umupo driver's seat. Pumasok din ako at umupo sa passenger's seat.
Hindi daw makakasama si Alyssa dahil may date sila ni Clyde. Sa wakas at malakas ang loob ni Clyde na ayain sa date si Alyssa. Nagulat nga ako ng sabihin niya na oo kasi ineexpect ko na hi-hindi siya. Expect the unexpected nga naman.
Nag drive na si Mae papuntang mall. Pumasok kami sa iba't ibang stores at pinasukat niya naman ako ng iba't ibang damit. Kumain din kami sa isang buffet, treat niya. Ito na daw regalo niya sakin.
Nang matapos na kami, hinatid niya ako sa bahay.
"Arigatou Mae!" Sabi ko at lumabas na ng kotse. Nagwave siya sakin. Pumasok ako at nakita si Gabby na nanonood ng TV.
"Si mama?" Tumingin siya sakin.
"Nasa kusina, nagluluto ng hapunan." Sagot niya at nanood ulit ng TV. Tiningnan ko kung ano ang palabas. Titanic. I chuckled. Tumingin siya sakin.
"Nanonood ka pala niyan?" Tinaas ko ang kanang kilay ko habang naka smile. He just rolled his eyes at nanood. Pumasok ako sa kusina at nakita ko si mama na nagluluto.
"Hi ma!" Bati ko. Tumingin siya sakin at nagsmile.
"It's your birthday tomorrow!" Sabi niya na nakasmile. May naalala ako and sighed deeply.
"It's my third birthday without papa." Sumandal ako sa pader. Napatingin sakin si mama and sadness was seen in her eyes.
"Pag nandito siya, siguradong ang ingay ngayon. Nandito siya nagluluto ng paborito mong waffles. Nagsasayahan tayo, nagakakantahan. Pero--"
"Pero, wala siya dito." Napaharap ako kay Gabby na nagsalita. Malungkot ang mukha niya.
It's been 2 years ng mawala si papa. 14 years old ako noon. 12 years old si Gabby. Namatay si papa dahil sa aksidente nang nagdadrive siya. Simula non, si mama na ang naging papa namin. Kaya siya sobrang strict =_=
"Hayy! Birthday na birthday ko bukas, ganyan kayo. Wag na nga kayong malungkot!" Sabi ko, trying to cheer them up. They smiled then we group hugged. Naalala ko dati, yung mga malalakin braso ni papa ang nakayakap samin. Papa, we miss you...
------------------
(A/N)
Sorry sa short update guys T__T

BINABASA MO ANG
Tris Dexter
Teen FictionSi Daniella Ann Mendoza: ang babaeng napaginipan ang isang lalake na di niya akalaing makikita at mame-meet niya sa personal. Si Tris Dexter.