Chapter 3: First Week

48 10 4
                                    

Dexter's POV

It's 6:30 in the morning. Hinanap ko pa si Mendoza. Paniguradong late yun. Umupo muna ako sa bench ng may lumapit na babae.

"Hi Dexter! I'm Louisse! Sorry pala sa kahapon." She smiled. Ito yung babaeng tinanong kung pwede akong tawaging Tris. Only Tonette can call me Tris. Maputi siya, Maganda pero maarte.

"Ok lang." Ngumiti naman siya at akmang uupo sa tabi ko pero hinarangan ko ng kamay yung upuan. "And you may go." Tumawa yung babaeng nasa likod niya. Yung panget na nagpacute kahapon. Akala mo naman kung sino. 

Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Mendoza may kasamang dalawang babae. Tiningnan ko siya at tumingin din siya sakin. Pinalapit ko siya.

"Its 6:45. Bakit parang ang aga mo? Excited ka ba?" Tanong ko. Tinanong ko si Miss Macapagal at sabi palagi daw late tong si Mendoza.

"Hindi ah!" Tumingin siya sa kanan. Sabi na nga ba excited to.

"Palagi ka ng susunod sakin." Pinasunod ko siya sakin papuntang locker ko.

"Clean this. All" Binuksan ko yung locker ko na sobrang gulo. Scattered pens. Hindi maayos na pagkakalagay ang books. Melted chocolate. Maraming love letters. And all of them are trash. "Ha? Ayoko nga!"

Tiningnan ko siya. "Ito o kapatid mo?" Sinamaan niya ko ng tingin.

"Oo na!!!" Pumunta siya sa janitor's room at kumuha ng basahan.

"You have 20 minutes. Matagal na yun." Umalis na ako at tumungo sa cafeteria. Syempre planado yung messy locker. Gusto ko siyang inisin. Wala akong maisip na ipagawa sa kanya. Gusto ko rin siya inisin. Trip kong mang-inis ngayon. Napangisi ako sa naisip ko. Nakakatawa ang naiinis niyang mukha.

Bumili ako ng Coke at umupo sa pinakagilid na upuan. Pinagmasdan ko yung mga kaklase kong busy sa project. I have no problem with my project cause I'm done. Just need the coloring. 

Ngayon ko lang napansin, why would they give projects this early? What kind of school is this? Tch.

Nakita ko ang papalapit na babae at lalake sa counter. Dapat pala hindi nalang ako tumingin. Nakita ko sila na nagorder ng pagkain at drinks. Umupo sila sa table na medyo malapit sakin. 

Kinuha ko yung phone ko and pretended that i'm doing something. Tumingin tingin ako sakanila. Ang sweet nila. Nakakasuka-_- Once ganyan kami. And I'll make sure na magiging ganyan ulit kami.

Nagmadali akong tumayo at tumakbo papuntang classroom. I checked on my locker first at di pa rin tapos si Mendoza. Mukhang naiinis na siya dahil sa dami ng melted chocolates. Yan lang naman ang chocolates na bigay sakin ng mga fangirls ko sa dati kong school.

(Flashback)

Author's POV
"Girls! OMG!! Si Dexter nakita ko sa may gate nung bago niyang school! Ang cute talaga niya!" Sabi ng isang girl.

"Oo nga! May dala akong chocolates para sakanya! I'm sure magugustuhan niya to!" Sabi ng kulot na girl.

"May dala din akong chocolate! Ferrero pa to!" Sabi nung sobrang sobrang puti as in to the max na girl.

"May cupcakes naman akong dala! Masmasarap to!" Sabi nung girl with glasses.

"Tara! Punta tayo sa bago niyang school!" Yaya nung girl na pandak.
Sikat talaga si Dexter sa school nila. He's the jock, captain ng basketball team. He's the pop star, sobrang galing kumanta. Nakakainlove <3 He's the artist, madami siyang great ideas at magaling siya magsketch at color. He's the genius, pinakamatalino sa batch nila. He's the actor, sobrang galing mag-acting. Overall, PERFECT.

Nakadating sa school ni Dexter yung mga babae.

"Hi Dexter!" Sabay sabay nilang sabi at inabot yung mga regalo nila.

"Ahh, thanks!" Sabi ni Dexter. Napaisip siya kung saan ilalagay. Ahhh! Sa locker ko! Patutunawin ko at ipalilinis ko kay Mendoza! Isip niya.

(End)

Hirap pala maging 'perfect'. Ang daming desperadang makakuha ng atensyon mo. Minsan napapaisip ako. Kung wala akong katangiang ganto, magugustuhan kaya nila ako? Probably no. They only fell for my traits, not for the person who owns them.

Nilagpasan ko si Mendoza na inis na inis sa paglilinis. "Papatayin kita!" Sigaw niya sa akin. I just smiled at her. "Try." Sagot ko at naglakas palayo sa kanya. Bahala siyang maglinis at malate. 

Inisip ko ang sunod kong ipapagawa sa kanya. Pagsayawin ko kaya siya sa harap ng maraming tao? Nah, siguradong hindi iyon papayag. Baka nga ipabugbog na nga lang sa akin ang kapatid niya. Kita niyo namang ilang beses na isinugal ang kapatid niya.

"Dexter, hi." May lumapit sa aking babaeng ka edad ko lamang at nagbigay ng chocolate. Gusto ko sanang sabihin na ang mga lalake ang dapat na nagbibigay ng mga ganto, hindi sila, pero syempre hindi ko sinabi. May naisip kasi akong plano dito sa chocolate.

Umalis na ang babaeng kasing pula na ng kamatis ang mukha. Napangisi ako sa aking naisip. I walked towards my locker at nakitang naglilinis pa rin doon si Mendoza. Pinagtitinginan na siya.

Pinutol-putol ko ang chocolate. Binuksan ko ito at lumapit sa locker ko. "Tabi." Inusog ko siya ng konti at agad na binuhos ang pira-pirasong chocolate sa loob ng locker ko.

"Ano ba! Patapos na nga ako eh! Langya, ikaw maglinis niyan bahala ka." Akmang aalis na siya nang hilahin ko ang kanyang braso at bumulong.

"Ito o ang kapatid mo?" I expected the latter as an answer but it seems like she's a good sister kaya tinuloy niya ang paglilinis. Tiningnan ko siya ng seryoso. Ang dali niyang manipulahin. Ang dali niyang mauto. 

And I think that could be her greatest weakness. Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ako papayag. Pero pumayag siya pagkabanggit ko lamang sa kapatid niya. To be honest, I have no plans on hurting his brother. It was all a bluff, kumagat naman siya.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan? Umalis ka na, naiinis ako sa pagmumukha mo." Pagtataray niya. Ngumisi na lang ako at umalis tulad ng kanyang sinabi. Pansin ko lang, madalas akong ngumingisi ngayong araw ha.

I think I know why.

Seeing her annoyed face. I think the first week would be fun with her being my slave.

----------

Tris DexterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon