Daniella Ann's POV
"Mendoza! Kunin mo yung earphones ko sa kotse ko. Oh eto susi." Utos sakin ni Dexter na tamad.
"Pwede bang manghiram ka na lang? O ikaw na lang kumuha!" Inis kong sabi. Tiningnan niya ako.
"Eto o kapatid mo?" Puta yan na naman. At dahil mahal ko ang kapatid ko, kinuha ko ang susi at tumungo sa kotse niya.
Hinanap ko ang earphones niya at walanjo, nagtatago sakin. Binuksan ko ang glove box at may nakita akong picture. Pic nina Dexter at Tonette. Naka peace sign si Tonette at naka tongue out naman si Dexter. Ang cute nila dito. Tinalikod ko ang pic at may nakita akong nakasulat 'We keep this love in a photograph <3' Yan napapa Ed Sheeran na tuloy ako. Hinanap ko ang earphones niya sa glove box at nagpakita din ang matagal ko ng hinahanap.
Lumabas ako ng kotse habang nag hu-hum ng photograph. Tiningnan ko ang relo ko. Whuut? 3 minutes na lang. Tumakbo ako papuntang classroom. Umupo ako at pumasok si Miss Macapagal. Orayt di ako late XD Sumunod naman ang isang babae na namukhaan ko. Bakit siya nandito???
Dexter's POV
Pumasok si Miss Macapagal at sumunod naman ang isang cute na babae.
"Okay class. Hindi ko alam kung ano bang meron dito sa school natin at palaging may transferees. This is ---" Naputol ang sinasabi ni Miss Macapagal nang magsalita yung babae.
"Hey guys! My name is Gabriella Denise M. Esguerra. I hope we could all be friends." Sabi niya with a smile. Tumingin siya sakin at lumawak ang smile niya.
"Mr. Sanchez, could you please get Ms. Esguerra a chair." Sabi ni Miss Macapagal. Sa lahat ako pa talaga ang inutusan? Bad trip nakakatamad. Tumayo ako at humanap ng upuan.
Bumalik ako sa classroom, dala ang upuan. Binigay ko dun sa transferee ang upuan at umupo na.
"Thank you Mr. Sanchez." Nag nod na lang ako kay Miss Macapagal. Pinausod naman ni Miss Macapagal yung katabi kong lalake at sinabi dun sa transferee na umupo sa tabi ko.
"Hi! Thank you nga pala sa upuan! Uhm...what's your na---" Pinutol ko siya.
"Dexter and you're welcome." Sabi ko at nakinig na kay Miss. Napasa na nga pala yung project namin. 95% Buti na lang nakulayan ni Mendoza.
Tumingin ako dun sa transferee. Nakikipag usap siya dun sa katabi niyang babae. Di ko namalayang nakatulala na pala ako.
"Huy! Matutunaw si Gabriella." Nag snap si Daniella at inalog alog ako. Umiling na ako.
"May gusto ka sakanya no?" Sabi niya na may nakakalokong ngiti.
"No way! I'm still stick to Tonette." Sabi ko. Umiling iling naman siya.
"Hayy Tonette na naman! Move on din dude!" Sabi niya.
"Mahirap! At ikaw? Moved on ka na ba kay Drake?" Sabi ko na nakataas ang kilay. Uh-oh. Wrong Dexter. Wrong. Sumeryoso ang kanyang mukha at tumahimik siya.
Di pa naman ako magaling mag sorry.Daniella's POV
"Mahirap! At ikaw? Moved on ka na ba kay Drake?" Sabi niya na nakataas ang kilay. Sumeryoso ang mukha ko. Sabi ng isip ko, oo. Pero sabi ng puso ko, hindi.
Pagkatapos ng isa pang subject, nag recess na kami. Naglakad na ako palabas ng makasalubong ko sina Mae, Alyssa at Amor.
"Bakit siya nandito?" Sabi ni Alyssa.
"Sino? Yung demonya na transferee?" Sabi ni Mae.
"Tch! Baka masipa ko yun!" Sabi naman ni Amor. Tumingin sila sakin, nagtataka kung bakit tahimik lang ako.
"May problema ba girl?" Tanong ni Mae. Umiling na lang ako at nagalakad papuntang canteen.
Dexter's POV
Papunta na akong canteen na may nabangga ako. Bago ko sabihin na 'Tumingin ka sa dinadaanan mo', inunahan niya na ako.
"Sorry!" Humarap siya sakin. "Dexter!" Sabi niya. May hawak siyang C2. Yelo na. Kinuha niya ang kanyang panyo, nalamigan siguro. Nakita ko may nakatahi na initials GD. GD???????
"Uhmm...sayo ba yan?" Tanong ko habang turo ang panyo. Malay mo sa kapatid niya o kung kanino pa.
"Ah, oo." Sabi niya at uminom ng C2.
GD? Gabriella Denise? Siya siguro ang nagbigay ng panyo.
"Uhmm...Gabrie--" Pinutol niya yung sasabihin ko. Bakit pa hindi niya kami pinapatapos?
"Parang pamilyar ka." Sabi niya habang nag iisip. Siya nga yung babaeng nagbigay sakin ng panyo.
"Naaalala mo ba yung lalakeng binigyan mo ng panyo dati? Yung umiiyak?" Sabi ko. Nag isip siya.
"Ah, oo! Yung brokenhearted na kuya!" Sabi niya habang nakasmile. Siya nga, siya nga yung hinahanap ko. Sa sobrang saya ko, nayakap ko siya.
"Salamat." Sabi ko. Pumula naman siya dahil nakayakap ako sakanya.
"Ay sorry." Sabi ko at tumawa. I found her.
--------------
A/N
Sorry sa short update guys! Short or medyo short, basta XD
![](https://img.wattpad.com/cover/56643176-288-k205421.jpg)
BINABASA MO ANG
Tris Dexter
Teen FictionSi Daniella Ann Mendoza: ang babaeng napaginipan ang isang lalake na di niya akalaing makikita at mame-meet niya sa personal. Si Tris Dexter.