Chapter 20: Sorry

23 8 2
                                        

Long chapter ahead (Long for me XD)

Daniella Ann's POV

Bumangon ako ng kay aga-aga at himala ata yon. Naligo at nag bihis na ako at bumaba.

"Good morning ma!" Bati ko. Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Gabby na nakaupo. Si ma naman ay nagluluto.

"Good morning birthday girl!" Sabi naman ni mama at binigyan ako ng pancake and waffles. Mmmmm...Yummy!!

"Morning ate." Tiningnan ako ni Gabby habang umiinom ng hot choco. Tiningnan ko siya. Hinihintay ko yung two words mula sakanya. Nang wala siyang sinabi, tinaas ko ang kilay ko.

"What?" Aba! Bahala ka nga diyan. He smiled.

"Happy Birthday." Ayun! Sinabi niya rin. I smiled back.

"Atlas! Regalo ko?" Inilahad ko ang kamay ko. Tinaas niya ang kilay niya. Then, shot me an apologetic smile.

"Sorry! I have no idea what to give you." I shot him a blank look. Yung Tokyo Ghoul Headphones!!!

"Yung Tokyo Ghoul headphones!"

"Tss! Mahal yun!" Sabi niya. Linagyan ko ng butter yung pancake ko. Sunod, syrup. Yummm!

"Kahit hindi headphones!" Sabi ko sabay subo yung pancake.

"Wala nga!" Sabi naman niya sabay lapag ng mug sa table. Hayy! Ok lang na wala siyang regalo, basta nandito siya at si mama.

"Yang pancakes at waffles na ang regalo ko sayo." Sabi naman ni mama. Umupo siya sa tabi ko. Tumingin ako sa relo ko. 6:30. Dahil birthday ko, papasok ako ng maaga.

Inubos ko na ang waffles ko at tumayo.

"Ma, alis na ako." Napatingin si mama sa orasan.

"Ang aga pa." Tumayo na din si Gabby.

"It's a miracle." Sabi ni Gabby habang natatawa. Hay nako! Bahala siya diyan! I kissed mama's cheek at umalis na. Sumunod naman si Gabby.

(At school)

"Happy Birthday Daniella!!" Bati sakin ni Amor. Bakit siya nandito?

"Thanks!! Bakit ka nga pala nandito? Susunduin mo yung dad mo diba?" Tanong ko.

"Ah, oo! Napadaan lang ako para batiin ka!" Biglang may nag beep na kotse. "Sorry hindi kita makakasama this day..Bye!!" Pumunta siya sa kotse at pumasok.

Naglakad ako at nakita ko si Clyde. Napansin niya naman ako at ngumiti. Nag wave ako habang papunta sakanya.

"Happy Birthday!" Bati niya sakin habang nakasmile.

"Thanks!! Regalo ko??" Biro ko. May kinuha siya mula sa bulsa niya at binigay sakin. Hala? Nagbibiro lang ako!

"Uyy! Nagbibiro lang ako! Pero, thank you!!" Yinakap ko siya. Hoy walang halong malisya to! Sinuot ko ang bigay niya. Isang charm bracelet. Nag ring ang phone niya at sinagot niya naman ito. Pagkatapos, linagay na niya sa bulsa at humarap sakin.

"Sorry Daniella! Nagka- emergency lang kasi. I need to go. See you tomorrow?" Mukhang troubled siya. Nag nod nalang ako at nagsmile.

"Thank you dito. Bye." Umalis na siya. Naglakad ako papunta sa locker ko. Hinanap ko yung susi nang magring ang phone ko.

"Hello?"

"Daniella!"

"O Alyssa??" Umubo siya.

Tris DexterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon