Chapter 7: Concern or Curious?

40 10 1
                                        

Dexter's POV

Hinanap ko si Drake. Napunta ako sa field ng school kung saan nakatayo si Tonette sa tabi nung puno. Tonette...ang ganda pa rin niya. Tiningnan niya ako at nag smile. Nag smile din ako sakanya.

"Drakey!" Sigaw niya habang naka smile. Tiningnan ko yung tao na medyo malayo sakin. Papunta siya kay Tonette.

"Tonette!" Nagsmile siya at linagpasan ako. Ouch! Akala ko ako yung tinitingnan niya kaya siya nag smile.

Nag hug sila at para akong ere dito. Di man lang ako napapansin. Umalis na ako bago ko pa masuntok si Drake. Badboy ako pero I can control myself.

I roam around at may nakita akong stairs na hindi ko pa nakikita. Nasa pinakasulok siya kaya walang makakapansin. Tumaas ako at binukasan yung pinto. Roof top pala to. Nakita kong may nakasulat sa sahig DANIELLA ANN'S PROPERTY. So hindi pala ako ang unang naka discover nito.

Umupo ako at nagpahangin. Di pa ako nakakamove on kay Tonette. Seeing her with another guy breaks my heart. Sobrang mahal ko si Tonette. Gusto mag move on nung isip ko pero di kaya ng puso ko....

May pumatak na parang maliit na butil ng tubig. Umuulan? Tumayo ako at bumaba. Pag baba ko, nakita ko sila, nakayakap sa isa't isa. Sana pala hindi na ako bumaba no? I walked past them. Pumasok ako ng classroom at umupo.

"Oy! Absent daw si Sir Science!" Sigaw nung maliit na babae.

"Wohooo!" Naghiyawan ang mga kaklase ko. Childish =_=

Umupo ako sa aking upuan at tiningnan ko yung katabi kong bakante. Nasan ba si Mendoza? Ang daya nun! May ipapagawa pa sana ako. Baka tumatakas lang yun?

"HA?!!" Sigaw ni Mae. Napatingin ang lahat sakanya pero nag smile lang siya.

"Wag kayo chismosa, pwede na kayo bumalik sa inyong mga ginagawa." Sabi niya, rolling her eyes. Nagseryoso naman ang mukha niya. Nacurious kung bakit sumigaw si Mae at nakinig sa usapan nila ng hindi pahalata.

"Oo, nasa bahay daw si Anielle. Muntik na masagasaan. Buti nandyan si Drake kung hindi, nasa hospital na siguro siya." Sabi nung may brace na si Alyssa. May binulong naman si Mae kay Alyssa. Nag nod nalang si Alyssa at lumabas. Sumunod si Mae. Dahil curiosity kills the cat, sumunod ako. Nakita ko silang lumiko. Lumiko din ako pero di ko na sila nakita. San yung mga yun? Naglakad ako at hinanap sila.

Mae's POV

"Wala na." Sabi ni Alyssa. Chismoso yun! Halata namang nag e-eavesdrop siya eh!

"Tara na!" Sumakay kami sa kotse ko at nag drive papunta sa bahay ni Anielle. Pinapasok naman kami ni tita.

"Kamusta na po siya?" Tanong ko.

"Okay lang naman siya. Teka bakit parang kulang kayo? Nasan si Amor?" Tanong ni tita.

"May competition po ng taekwondo sa Manila. " Sagot ko. Si Amor ang isa pa naming bestfriend. Siya ang pinaka athletic samin.

"Ahh..pasok kayo." Pinapasok kami ni tita. Umupo naman kami sa couch.

"Alam na po ba ito ni Gabby?" Tanong ko. Pag nalaman to ni Gabby, ma be-beast mode yun.

"Hindi pa. Siguradong magagalit yun. Alam mo naman na muntik na niya sugudin si Drake kahit 13 pa lang siya at 16 na si Drake." Sabi niya na parang kinakausap yung mga mata namin na wag sabihin ka Gabby.

Nag nod nalang ako at umakyat. Naiwan si Alyssa sa baba, kausap si tita. Binuksan ko yung pinto. Posters ng Naruto ang nakita ko sa pader niya. Hayy dati pa tong mga to. Siya na ata yung biggest otaku sa grupo namin. Hindi ata, siya na nga. Nakita ko yung mga Tokyo ghoul figurines niya. Yung mga pokéballs na nakadisplay. May mga attack on titan posters din siya. Yung kubre kama niya, yung sign nung Fairytail. Grabe! May t-shirt nga siyang "Proud to be an Otaku!!" At "Hate anime? You're dead" tapos may punch emoticon.
Tiningnan ko siya, natutulog siya. Gumalaw siya at dumilat.

"Anielle! Buti naman at okay ka na! Nag alala kami sayo! Pati nga si Dexter eh balak kaming sundan." Sabi ko. Umupo naman siya.

"Bakit naman kayo susundan ni Dexter?" Tanong niya.

"Aba malay ko dun! Siguro concern sayo." Nag wink ako at tumawa kasi naging red siya.

"Si Dexter concern? No way!" Sabi niya.

"Ayieeee! Siguro may gusto si Dexter sayo no?" Binato niya ako ng unan. Ouch! Nagulo ang buhok ko OMG!

"Concern or Curious?" Tanong ni Alyssa at umupo sa gilid ng kama.

"Curious yun! Diba Alyssa? Don't jump into conclusions kasi!" Sabi niya habang kumukuha pa ng unan.

"Bakit parang lumungkot ka naman?" Sabi ni Alyssa at nag apir kami.

"Malungkot? Di ah! Si Dexter concern sakin? Uhm...hindi yun mangyayari!! Lumayas na nga kayo dito!!" Binato niya kami ng unan.

"Opo madame. Pahinga ka at siguraduhin mong papasok ka bukas!" Sabi ko at nag wave. Nag wave din si Alyssa. Nakita kong humiga siya at yinakap yung unan.
Bumaba na kami at tumungo sa aming paaralan.
------------

Tris DexterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon