El Filibusterismo

44.1K 251 120
                                    

Scene 1

Settings:Ilog

Patakbong tumakas sina Elias at Ibarra sa San Diego,hinahabol na sila ng mga gwardiya sibil.Mabuti na lamang at nakahanda na ang kanilang bangka....*play suspense sound effects*

Elias: Crisostomo hinahabol na tayo ng mga guwardiya sibil ,kayo na lang ang mamangka at tatalon ako. Ililigaw ko sila. Sige na ginoo.

(Tatalon na sana si Elias ng hawakan siya ni Ibarra sa kanyang balikat at...)

Ibarra: Huwag na kayong umalis, lumaban na lamang tayo.

Elias: Hindi tayo mananalo sa kanila sapagkat wala tayong sandata.Magkita na lamang tayo sa Noche Boena sa libingan ng inyong mga ninuno. Mauna na kayo ginoo paalam.

(At tumalon na nga siya sa ilog. Tiningnan pang muli ni Ibarra si Elias ngunit wala na siya nagawa kaya nagsagwan na lamang siya papalayo. Dinig na dinig ni Ibarra ang tunog ng mga bala ngunit hindi siya natinag at nagpatuloy na lamang sa pagsasagwan.Sa kabilang banda naman...)

Scene 2

Settings:Gubat

Basilio: Inay!!!! (Sigaw ng isang bata habang hagkan ang kanyang ina.Iyak lamang siya ng iyak hanggang sa may dumating na isang lalaking tila naliligo na sa kanyang sariling dugo at halos pagapang na ng lumapit sa kanya.)

Elias: S-sino ang b-babaeng iyan?

Basilio: Siya po si Sisa.... Nanay ko. (Tugon nito habang umiiyak.)

Elias: Makinig kang mabuti sa akin. (Namimilipit na siya sa sakit ng kanyang sugat) Sunugin mo ang mga bangkay namin ng iyong ina. Kung walang dadarating na sinuman ay hukayin mo ang mga ginto na ibinaon ko. Ariin mong iyo ang mga iyon at gamitin mo sa pag-aaral. (Hingal na hingal na sambit ni Elias.Bago malagutan ng hininga si Elias ay tiningnan niya ang papalubog na araw at...) Mamamatay akong hindi man lang makikita ang bukang-liwayway sa mahal kong bayan. Kayong mga nakasaksi nito,batiin niyo siya at huwag sanang kalimutan kaming mga namatay at nagtanggol sa Inang-bayan. (Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagkawala rin ng buhay ni Elias.

-----

Hello ^.^ sa mga nag-ask po ng soft copy nito, email nyo po ako. ^.^

Email niyo na lang po ako sa gmail ko asa bio ko po yung link . EMAIL PO KASI SA NGAYON PO HINDI KO NA PO NABABASA/NAKIKITA YUNG MGA COMMENTS AT PM NYO DITO. AGAIN SA EMAIL PO KAYO AT MAGPAKILALA or else I WILL NOT ENTERTAIN YOU.

So yun lang maraming salamat ^.^

El Filibusterismo Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon