El Filibusterismo (Extended Scene)

11K 56 15
                                    

Scene 30

Settings: Sa Isang napakagandang hardin

(Nagising si Crisostomo/Simoun dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. At ng tuluyan na niyang mabuksan ang kanyang mga mata ay isang napakagandang paraiso ang sa kanya'y bumulaga. Agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga at sinuri ang lugar na tila di siya pamilyar, malalakad na sana siya ng makarinig siya ng isang pamilyar na tinig.)

??? : Crisostomo!!! (Nanigas si Crisostomo sa kanyang kinatatayuan at tila ayaw gumawa ng kahit na anong galaw. Nagmumula sa likod niya ang tinig ngunit batid niyang may kalayuan pa din ito sa kanyang kinatatayuan)

??? : Crisostomo!!! (At sa pangalawang pagkakataon na natawag ang kanyang pangalan ay lumingon na din siya sa wakas. Sa sandaling siya ay lumingon ay nakita niya ang kanyang sinisinta na si Maria Clara)

Maria Clara : Juan Crisostomo Ibarra! Aba at hindi mo man lang ba ako bibigyan ng pansin? (Hindi na naiintindihan ni Crisostomo ang sinasabi nito ni hindi niya namalayang nasa harapan na niya pala ito)

Maria Clara : Ah ganun? Hindi mo talaga ako kakausapin? Sige lilisanin ko lamang ang lugar na ito ng mag-isa.

(Maglalakad na sana palayo si Maria ng higitin ni Ibarra ang isa nitong kamay at agad na niyakap.)

Ibarra: Totoo ba talaga ito? Paki-usap sabihin mo sa akin na hindi ito isang magandang panaginip lamang. (Aniya habang yakap pa din ang kasintahan)

Maria: Hindi ito isang panaginip lamang Ibarra. Ito na ang katotohanan, magkasana na tayong muli at hindi na kailan man magkakahiwalay pa. (tugon ng dalaga at mahigpit ding ginantihan ng yakap si Ibarra. Ilang sandali din silang nasa ganong posisyon ng kumalas na si Ibarra-hawak pa din nito ang magkabilang braso ni Maria akmang may sasabihin ito ng sampalin siya ni Maria Clara)

Ibarra: A..nong?? Bakit? (halatang nagulat ang binata sa ginawang pagsampal sa kanya ng dalaga pruweba na dito ang medyo naka-awamg niyang labi. Hawak-hawak din niya ang pisnging sinampal ng kasintahan)

Maria: Bakit? Bakit mo hinayaang kainin ng galit ang buong pagkatao mo?

Ibarra: Nabulag ako mahal ko. Nais kong ipadama sa lipunan ang sakit na dinulot nito sa akin, akala ko'y... (malulungkot ang tinig nito) magiging masaya ako sa oras na nagawa ko ito. Ngunit hindi pala lalo lang akong nilugmok ng paghihiganting ito. Patawarin mo sana ako mahal ko, hindi ko alam ang aking iniisip noong mga panahong iyon. Pagpasen--

Maria: Ssshhh... Hindi ko sinasabi na humingi ka ng tawad sapagkat hindi naman ako galit sayo, nais ko lamang malaman kung bakit ka nagpadala sa galit na nararamadam mo. Pasensya na kung pinaalala ko pa sayo ang naging karanasan mo. Ngayong magkasama na tayo ay gagawa tayo ng mga panibagong ala-ala, mahal na mahal kita Crisostomo.

Ibarra: Kay tagal kong hinintay ang sandaling ito at sa wakas tapos na ang lahat ng kaguluhan. Naririto ka ng muli sa aking tabi mahal na mahal din kita Maria. *play romantic/love song preferable on the wings of love*

(Unti-unting nagkakalapit ang kanilang mga mukha. Papalapit ng papalapit, hanggang sa....)

???: Maria! Crisostomo! (Nagulat man sa nadinig na tinig ay nilingon na din nila ito. Ang nagmamay-ari pala ng tinig na iyon ay ang ama ni Crisostomo na si Don Rafael Ibarra)

Don Rafael: Crisostomo anak, tara na! Tinatawag na tayo (aniya kasabay ng pagturo sa itaas) sunod kayo ha?

Ibarra: Malapit na sana tsk (Dahil sa sinabi ni Crisostomo ay hinampas siya ni Maria sa balikat)

Maria: Naku nagawa pang magbiro tara na nga.

Ibarra: Sandali! (Ilalahad nito ang kanyang kamay agad namang kinuha iyon ni Maria) wag na wag kang bibitaw ha?

Maria: Hinding-hindi ako bibitaw anuman ang mangyari pangako sayo.

(Nilisan nila ang lugar na magkahawak ang kanilang mga kamay ay may ngiting nakapaskil sa kanilang mga mukha)

WAKAS...

-----
Hello ^.^ sa mga nag-ask po ng soft copy nito, email nyo po ako. ^.^

Email niyo na lang po ako sa gmail ko asa bio ko po yung link . EMAIL PO KASI SA NGAYON PO HINDI KO NA PO NABABASA/NAKIKITA YUNG MGA COMMENTS AT PM NYO DITO. AGAIN SA EMAIL PO KAYO AT MAGPAKILALA or else I WILL NOT ENTERTAIN YOU.

So yun lang maraming salamat ^.^

El Filibusterismo Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon