Scene 9
Settings: Tahanan nina Kabesang Tales
(Nag-aayos ng kanyang damit si Juli ng...)
Tandang Selo: Kailangan mo ba talagang gawin ito apo?
(Napatigil si Juli sa kanyang ginagawa at naupo...)
Juli: Wala na po kasi akong maisip na ibang paraan, naisangla ko na din po lahat ng alahas ko maliban na lang sa agnos na ibinigay ni Basilio pero kulang pa din iyon.
Tandang Selo: (Hahawakan niya ang apo sa balikat) Maghahanap ako ng ibang paraan upang mabutos natin ang tatay mo, huwag ka lamang magpaalila kay Hermana Penchang.
Juli: Huwag na po kayong mabahala dahil buo na rin po ang aking desisyon. Bukas...Sa araw ng pasko ako po'y magsisimula ng manilbihan.
Tandang Selo: Basta apo mag-iingat ka duon ha? Mahal na mahal kita (Ginawaran niya ang apo ng isang mahigpit na yakap.)
Scene 10
Settings:Sa Sementeryo
Basilio: (Nakatayo siya ngayon sa isang bunton ng mga bato) Inay... Kumusta ka na? (Umupo siya sa ilalim ng puno bago ipagpatuloy ang kanyang sasabihin) Nay ako po ito si Basilio...(Mahahalata dito ang pagpipigil ng luha) Sobra na akong nangungulila sa iyo inay, labintatlong taon na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay nadadama ko pa ba din ang sakit na dulot ng nakaraan.
(Natigilan siya ng may marinig siyang ingay, tila ba'y may tao pa sa lugar na iyon bukod sa kanya. Nagtago muna siya sa isang puno at...)
Basilio: Si ginoong Simoun iyon ah.... Teka... (Animu'y may inaalala si Basilio. Ng magsimula ng maghukay si Simoun ay...) Tama! Siya nga iyon! (Lumabas na si Basilio sa kanyang pinag-tataguan at nagpakita kay Simoun.)
Basilio: May maitutulong ba ako sa inyo ginoo?
(Nagulat pa si Simoun ng may magsalita sa kanyang likura kay naitutok niya ang kanyang rebolber dito.)
Basilio: Sa lugar na ito mismo tayo unang nagkita, labintatlong-taon na ang nakakalipas. Tinulungan niyo ako noon na ilibing ang aking ina naaalala niyo pa po ba?
Simoun: (Ikinasa ni Simoun ang kanyang rebolber at itinutok ng muli kay Basilio) Kung gayo'y nakikilala mo kung sino ako (Hahakbang ito ng pasulong at aatras naman si Basilio)
Basilio: Kayo po si ginoong Crisostomo Ibarra at ang alam ng marami ay patay na kayo.
Simoun: Alam mo bang maaari kang mapahamak dahil lang nalaman mo ang aking sikreto? Ang pagbunyag ng aking tunay na pagkatao ang sisira sa mga plano ko! At hindi ko hahayaan na mapunta na lang sa wala ang mga plinano ko!
Basilio: Parang sinasabi niyo na rin na nagkamali ako ng pagkakakilala sa inyo ginoo.
Simoun: (Ibababa na ni Simoun ang kanyang robelber) Ako nga ang tumulong sa iyo labintatlong-taon na ang nakakalipas, pumunta ako noon dito upang bigyang pahalaga ang isang kaibigan na nag-alay ng kanyang buhay para sa ating bansa. Ngayon ay ipagpapatuloy ko ang kanyang nasimulan ngunit ang mga kabataan ngayon ay sumosobra na, nagpapaalipin na lamang sila sa wikang hindi naman nila kinagisnan.
Basilio: Nagkakamali kayo ginoo kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay hindi tayo magagawang pakinggan ng pamahalaan. Ito rin ay isang daan upang tuluyan ng magka-isa ang mga Pilipino.
Simoun: Mali! Kailanman ay hindi nito mapapagbuklod ang mga Pilipino. Magiging dahilan lamang ito upang tuluyan ng talikuran ng mga Pilipino ang kanilang sariling wika.
Basilio: Hindi iyan mangyayari dahil mali ang inyong inaakala.
Simoun: Masyado na talagang nalason ng wikang iyan ang kaisipan ng mga kabataan ngayon. (Iiling pa ito at...) Hahayaan kitang mabuhay Basilio kahit na nakasalalay dito ang pagkasira ng aking mga plano. Sumama ka na lang sa akin Basilio, sabay nating tuparin ang aking mga plano laban sa mga mapang-api.
Basilio: Salamat na lang sa iyong alok ginoo ngunit may mga pangarap pa akong nais kong matupad. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral at maging ganap na doktor.
Simoun: Ha! Nagpapatawa ka ba? Kapag natapos ka sa iyong pag-aaral at nagging doctor, magiging masaya ba ang lipunan para sayo? Makukuha mo ba ang katarungan sa iyong ina at kapatid sa pamamagitan ng pagtupad mo sa iyong pangarap? (Tila nang-aasar ang tinig nito)
Basilio: At ano namang magagawa ko? Kahit na iharap ko sa hukuman ang kaso ng aking ina at kapatid ay wala pa ring magbabago. Hindi ko pa rin makakasama ang nanay at kapatid ko. Bakit maibabalik ba ng hustiyang iyan ang buhay ng aking pamilya? Hindi naman diba? Nakatitiyak din ako na kahit makita kong nahihirapan ang mga nang-api sa amin noon ay hindi pa rin ako lubusang magiging maligaya dahil mag-isa pa rin ako.
(Nakaramdam ng lungkot ng marinig iyon kay Basilio ngunit hindi niya ito pinahalata at...)
Simoun: Gumagabi na mabuti pa ay umuwi ka na sa inyo. Hindi ko hinihiling na itago mo ang tunay kong pagkatao, at kung magbago man isip mo sa pagtangi sa aking alok ay puntahan mo na lamang ako sa Escolta.
(Hindi na siya sinagot ni Basilio, umalis na lang ito sa lugar na iyon. Samantalang si Simoun naman ay naiwang mag-isa sa gubat.)
Simoun: Tama kaya ang ginawa ko? Bahala na nga, basta mamamatay ang mahihina at matitira ang malalakas. Malapit ng matupad ang aking plano, konting panahon na lang at magdudusa na din sila hahahaha (Tumawa ito na parang demonyo.)
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo Script {Tagalog}
RandomIpeplay po sana namin to kaso nagkulang kami sa time so isheshare ko na lang po ulit sa inyo itong script na to. May mga ideas po akong idinagdag dito lalo na dun sa mga lovebirds hahaha pero halos ganun pa din naman yung flow nung story. Sorry fo...