El Filibusterismo

25.5K 50 4
                                    

Scene 19

Settings:Bahay ni Kapitan Tiago

Simoun: Kumusta na si Kapitan Tiago?

Basilio: Mahina na ang kanyang katawan wala na rin siyang ganang kumain.

Simoun: Parang bansang Pilipinas habang tumatagal ay lalong humihina. Oo nga pala, naparito ako upang sabihin sayo na sa loob ng isang oras ay magsisimula na ang himagsikan. Mamili ka ang iyong kamatayan o ang iyong kinabukasan? San ka papanig? Sa mga mapang-api o sa bansang iyong kinagisnan?

Basilio: Hindi ko din alam, ano ba ang dapat kong gawin?

Simoun: Hahayaan kitang mag-isip ngunit dalian mo dahil tumatakbo ang iyong oras. Simple lang naman ang gagawin mo Bpamumunuan mo ang isang pangkat sa pagsalakay sa kumbento at pananatilihin mo ang kaligtasan ni Maria Clara maging ni Kapitan Tiago.

Basilio: Huli na ang lahat ginoo patay na si Maria Clara.

Simoun: P-patay na? Hindi! Hindi totoo yan! Bumalik ako para iligtas siya kaya hindi maaari iyan.

Basilio: (May iaabot na sulat babasahin naman agad ito ni Simoun) Ito ang kasulatan na naglalaman ng lahat, namatay siya ganap na ika-anim ng hapon.

Simoun: Hindi! Hindi maaari! Ni hindi niya nalamang buhay ako. Namatay siyang dala ang sakit at pagtitiis (Tatayo ito at lilisanin ang lugar na nakatulala sa kawalan)

Basilio: Kahabag-habag talaga ang nangyari sa kanya. Nagtiis siya para sa kanyang minamahal ngunit ito ang nagging kabayaran. Sadyang malupit sa kanila ang tadhana.

Scene 20

Settings:Sa May Dalampasigan

(Nadatnan ni Isagani si Donya Victorina at Paulita na naghihintay sa kanya. Hinigit naman agad ni Donya Victorina si isagani upang kausapin)

Donya Victorina: May balita ka na ba Isagani?

Isagani: Wala pa po akong naririnig tungkol sa asawa niyo.

Donya Victorina: Bweno balitaan mo na lamang ako kapag may nalaman ka na (sambit nito at agad na nagpaypay) Bakit kasi kailangan pang maghintay ng sampung taon para magkapagpakasal uli.

Isagani: Kasal?... At sino naman ang maswerteng ginoo? Hah! Malas kamo. (Bulong lamang niya ang huli nyang sinabi)

Donya Victorina: Ano kamo? May sinasabi ka ba?

Isagani: Ah wala po ang sabi ko ay ang swerte naman ng ginoong inyong mapapangasawa.

(Dahil dito ay mapapangiti ang donya.)

Donya Victorina: Maswerte nga siya sa akin.

(Napa-ubo pa si Isagani at pilit na itinatago ang kanyang tawa)

Isagani: (Bulong) Kawawang nilalang nawa'y gabayan siya ng Poong Maykapal. (Matatawa pa ito ng bahagya sa kanyang sinabi.)

Donya Victorina: Anong sabi mo?

(Sa isang tabi naman ay makikitang may ibinulong si Paulita sa kasama nilang alalay pagkatapos ay sadya niyang inihulog ang kanyang pamaypay kasabay nun ay ang pagtakbo niya papunta rito.)

Alalay: Ginoong Isagani! Ang pamaypay ni Paulita ay nahulog sa batuhan.

(Tumakbo na papunta rito si Isagani at nakita niya si Paulita na nakatayo doon.)

Paulita: Mabuti naman at naisipan mo pang makipag-kita sa akin. Kagabi lang ay parang hindi mo ako kilala at titig na titig ka pa sa mga babaeng nagtatanghal sa entablado.

Isagani: Hindi ko alam ang sinasabi mo.

Paulita: Ah ganun? Ang lagay ay ako pa ang mali? (Tinalikuran niya ang binata)

Isagani: (Lalapitan niya si Paulita at yayakapin mula sa likod) Paulita alam mo namang ang mga mata ko ay nakalaan lamang sayo. Hindi-hindi ako titingin ng iba. (Iniharap niya si Paulita sa kanya) Ang pagmamahal ko sayo ay gaya ng pagmamahal ko sa aking bayan. Hindi tuluyang mabubuo ang pagkatao ko kung hindi kita kapiling, pangarap namang maituturing kung ang aking bansang sinilangan ay malaya na sa kapahamakan.

Paulita: Hindi titingin sa iba? Eh kung makatingin ka nga dun sa mga babae kagabi akala mo yun na ang pinakamagandang nangyari sa mundo. (Lalakad ito palayo kay Iasagani) Alam mo dun ka na lang sa mga babae mo, mukha kasing lugmok na lugmok ka ng kasama ako.

Isagani: (Buntong hininga) Pero Paulita ikaw lang talaga ang babae sa buhay ko, paniwalaan mo naman ako.

Paulita: Heh! Wag mo kong kausapin, mainit pa din ang ulo ko sayo.

(May biglang dadaan na isang grupo ng magkakaibigan, kinausap ito ni Isagani at hiniram ang dala-dala nilang gitara. Pagkaraa'y inilunod niya ang kanyang kanang binti at ang kaliwa naman ay ang ginawa niyang pang-suporta sa gitara.)

Isagani: (Iistrum ang gitara-Ikaw lang ang aking mahal) Itanong mo sa akin kung sino'ng aking mahal. Itanong  mo sa akin sagot ko'y di magtatagal. (Mapapalingon sa kanya si Paulita) Ikaw lang ang aking mahal ang pag-ibig mo'y aking kailangan pag-ibig na walang hangganan ang aking tunay na nararamdaman. Isa lang ang damdamin ikaw lang ang aking mahal maniwala ka sana sa akin walang iba.

Paulita: (Lalapitan si Isagani at hahawakan sa magkabilang braso) Tumayo ka nga dyan.

(Tatayo naman si Isagani)

Paulita: Oo na, naniniwala na ako sayo.

Isagani: Talaga?! (Akmang yayakapin na ang dalaga ng...)

Paulita: Hep... Hep... Hep... ( Hooray XD A/N: Kung gusto niyo ng masaya lang lagyan niyo ng tugtog na hep hep hooray hahaha pero kung serious play kayo edi wag na hahaha) Yung sinabi mo kaninang mga pangarap mo. Isagani hindi mo man lang naisip na baka buhay mo ang maging kapalit ng mga kabayanihang ginagawa mo?!

Isagani: Kung gayo'y masaya akong mamamatay para sa bayan.

Paulita: At hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ko?

Isagani: Mahal kita Paulita at gusto ko na maging masaya ka kahit na ako'y wala na. Wag kang mag-alala mag-iingat ako para sayo (Hahawakan niya ito sa pisnge, saglit na magkakatitigan ang dalawa at magyayakapan ng mahigpit)


El Filibusterismo Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon