Scene 15
Settings:Sa silid aralan
(Sa klase ni Padre Millon ay may estudyanteng nakatulog na kaya ibinagsak niya ang makapal na libro sa kanyang lamesa. Nagising ang bata at napasigaw dahil dito ay nagtawanan ang mga kamag-aral nito, napakamot na lang ang bata ng batok dahil sa kahihiyan)
Padre Milon: Hindi pa nga kita natatanong tapos natutulog ka na agad? Hala! Sige sabihin mo sa akin kung ano ang iyong natutunan habang natutulog ka.
Estudyante: Ah...Yung... Ano...
Padre Milon: Ano?!
(Nakatungong pumasok ng silid si Placido ng...)
Padre Milon: Ikaw! (Turo niya kay Placido kaya mapapa-ayos ito ng tayo) Huli ka na sa klase, ano ang pangalan mo?
Placido: (Magkakamot ng batok) Ah... Placido po
(Titingin ang padre sa kanyang listahan)
Padre Milon: Sandali...Ah! Placido Penitente. Labing-limang araw ka na palang hindi pumapasok, baka naman gusto mo ng magbakasyon?
Placido: Labing-limang araw? Ngunit apat na araw lang akong hindi pumasok.
Padre Milon: Ang isang pagliban ay katumbas ng limang araw. Kung liliban ka pa ng isang beses ay mamarkahan na kita ng isang guhit.
Placido: Kung gayo'y dapat tanggalin ninyo ang marka sa aking pangalan sa pagliban ko ng klase ngayon.
Padre Milon: At bakit ko naman iyon gagawin?
Placido: Dahil hindi ko alam kung paano makakasagot ang isang bata sa inyong tinatanong kung nagliban siya ng klase. Ilagay niyo na ang lahat ng ekis sa pangalan ko dahil wala ng akong pakialam pa duon. Aanhin ko ang isang kaalaman kung ang pagkatao ko naman ang mawawala.
Padre Milon: Abat!!---
Placido: Inyo na ang klase niyo padre, sa akin naman ang karangalan ng pagiging Pilipino ko. Adios!
(Pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon ay umalis na siya sa silid na iyon)
Scene 16
Settings:Sa Opisina ni Ginoong Pasta
(Abala ngayon si ginoong Pasta maya-maya pa ay napansin niyang may isang binata ang nakatayo sa kanyang harapan.)
Ginoong Pasta: Oh! Isagani ikaw pala, maupo ka muna (naupo naman si Isagani) anong sadya mo?
Isagani: Nais po naming mga kabataan na tulungan niyo kaming mapapapayag si Don Custodio na makapagpatayo ng akademyang wikang Kastila.
Ginoong Pasta: Maganda naman ang inyong harangin ngunit ayokong mangialam sa mga ganyang usapin. Hangad ko ang pag-unlad sa ating bansa pero masyadong maselan ang aking kalagayan. Kailangan kong ingatan ang aking mga yaman.
Isagani: Wala po kaming intensyon na magipit kayo, kahit kaunti lang ang alam ko sa batas ay ipagpapalagay kona hindi masama ang pakikisama sa mga adhikain ng pamahalaan at sikaping maging maunlad ang bansa. Iisa lamang po an gating nais, magkakaiba lang ng pamamaraan.
Ginoong Pasta: Napahanga mo ako sa iyong sinabi, ngunit hindi pa rin nagbabago ang aking isip. Pasensya na pero di ko kayo matutulungan, mapanganib ang hakbang na inyong gagawin. Hayaan na lang natin ang pamahalaan na gumawa ng aksyon.
Isagani: (Tatayo) Ginoong Pasta kapag ako'y tumanda na at paglingon ko sa aking nakaraan ay puro kabutihan pansarili lamang ang makikita ko at hindi ako gumawa ng kahit isang kabutihan para sa bayan ay mahihiya ako. Ang bawat uban ko ang masisilbing tinik sa akin, mawalang-galang na po aalis na ko (Lumisan na siya duon)
Ginoong Pasta: Kaawa-awang binata... Kung lahat lang ay nag-iisip ng tulad niya ay (napabuntong-hininga). Kawawang Florentino.
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo Script {Tagalog}
RandomIpeplay po sana namin to kaso nagkulang kami sa time so isheshare ko na lang po ulit sa inyo itong script na to. May mga ideas po akong idinagdag dito lalo na dun sa mga lovebirds hahaha pero halos ganun pa din naman yung flow nung story. Sorry fo...