El Filibusterismo (WAKAS)

23.8K 57 5
                                    

Scene 29

Settings: Tahanan ni Padre Florentino

(Palakad-lakad ngayon si Simoun)

Simoun: Nagtagumpay ka Simoun. Dapat magsaya ka dahil nagtagumpay ka. (sambit niya habang pauli-uli pa din. Napatigil siya ng makita ang lason, hinakawan niya ito at...)

Simoun: Tapos na ang aking misyon dito (Inimon niya ang lason) Pa-dre!!! (Natumba ito ngunit agad naman siyang nakita ng padre)

Padre Florentino: Senyor Simoun! (Inakay niya ito at dinala sa kanyang silid pinahiga niya ito sa kanyang kama at kina-usap) Diyos ko! Sandali lang at tatawag ako ng doktor.

Simoun: W-wag na Padre alam kong mawawala na rin ako ng ilang saglit. Dadakpin nila ako mamayang alas-ocho buhay man o patay, ngunit di ako papayag na kunin nila ako ng buhay. (Nanghihina na ng husto si Simoun)

Padre Florentino: Diyos ko! Panginoon ko!

Simoun: Wag kayong mag-alala Padre. Nangyari na ang nangyari, gumagabi na at nais ko sanang sabihin sa inyo ang aking lihim.

Padre Florentino: Handa akong makinig Senyor Simoun.

Simoun: Totoo naman po padre na may Diyos na gumagabay sa atin hindi ba?

Padre Florentino: Oo ang Diyos ang tumutulong sa atin kapag tayo ay wala ng mapuntahan.

Simoun: Pa..padre... Tulungan niyo ako. Ayokong mamatay na may dalang kasamaan. Nais ko sanang magkumpisal.

Padre Florentino: Makikinig ako sayo.

Simoun: Pinlano ko po ang lahat dahil galit nag alit ako sa mundo noon. Bumalik ako upang maghiganti at balikan at lahat ng umapi sa akin.

Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos. Anak lagi mong tatandaan na ang buhay ay hindi laging masaya, minsan ay kailangan din nating makaranas ng sakit upang matuto hindi upang magpoot. Walang magagawa ang paghihiganti dahil ito ay magbubunga lamang ng panibagong kamalian.

Simoun: Hindi ko lang padre maintindihan kung bakit ako pa ang Kanyang pinaparusahan.

Padre Florentino: Hindi ka Niya pinaparusahan anak. Iyan ay isa lamang pagsubok sa iyong buhay na dapat mong lagpasan. Lahat ng bagay ay may dahilan, hindi mangyayari ang isang bagay kung wala kang matututunan mula dito. Alam Niyang nabulag ka lang ng labis na pagkagalit at poot kaya wala kang kasalanan. Kagustuhan din Niya na hindi matuloy ang iyong plano dahil alam Niyang mali ito.

Simoun: Maraming salamat Padre ngayon ay payapa na akong mamamatay (Pagkatapos nito ay unti-unting mawawalan ng malay si Simoun- binawian na siya ng buhay)

(Kinuha ng pari ang kayamanan ni Simoun at nagtungo sa Talampas at inihagis ang kayamanan)

Padre Florentino: Kung may taong nangangailangan na mas malinis na hangarin ay ipahihitulot ng Diyos na ika'y matagpuan. Samantala, diyan ka muna sa ilalim ng dagat kung saan hindi makakapaligid ang kasamaan. (Malulungkot ito) Ang kayamanan ang siyang nagiging lason sa lahat ng tao, ito ang nagpapabulag at nag-uudyok na gumawa sila ng kasalanan.

                      WAKAS....



El Filibusterismo Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon