El Filibusterismo

18K 42 1
                                    

Scene 17

Settings:Bahay ni Quirino

Simoun: Nasaan na ang siyam na libong piso na inutang mo?

Quiroga: La na kong pela senyol Semon. Mga opisyal, tiyente. Lahat sila utang akeyn pelo di bayad.

Simoun: Ngayon ko pa naman kailangan ng pera. Sige ganito na lang total kaibigan naman kita, gagawin kong anim na libong piso na lang ang utang mo kung papaya kang itago sa tindahan mo ang mga armas na dala ko.

Quiroga: Ako payag basta ako kita pela. Pelo baka huli tayo sundalo.

Simoun: Ssshhh... Kaya nga dapat wag kang maingay. Mamayang gabi na ang dating ng mga baril kaya dapat mag-ingat tayo.

Quiroga: Ako takot sa yong sabi. Melon ako balil pelo di ko hawak takot ako.

Simoun: Sige madali naman akong kausap, bayaran mo na lang ang utang mo ngayon.

Quiroga: Ako payag na, ako payag na pelo ikaw huwag damay akeyn.

Simoun: Yun naman pala eh, huwag kang mag-alala akong bahala sayo. (Tinapik pa nito ang balikat ng intsik)

Scene 18

Settings:Tanghalan

(Marami ng tao sa tanghalan ngunit hindi pa rin nagsisimula ang palabas kaya naman nagsimula ng magreklamo ang mga tao.)

Mga Tao: Ano ba yan ang tagal! /Kanina pa tayo dito pero di pa rin nagsisimula./Nakakainis naman/Sino pa bang hinihintay nila?

(Biglang tutunog ang ng orkestra ng martsa real darating ang Kapitan Heneral at uupo unahan. Nagsimula na ang palabas sa pagkanta ng isang dilag sinundan ito ni Pepay na nagsayaw. Makikita ni Isagani si Paulita na kasama si Juanito...)

Isagani: (Iiwas ng tingin sa dalawa at haharapan na lang sa mga nagtatanghal) Kasama nanaman ni Paulita iyang Juanito na yan di hamak na mas gwapo naman ako diyan.

(Habang nakatingin si Isagani sa mga nagtatanghal ay nakatingin si Paulita dito at...)

Paulita: Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata niyang si Isagani kung makatingin sa mga mananayaw. Nakakita lang ng kumekembot na babae ay titig na titig na.



El Filibusterismo Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon