El Filibusterismo

16.4K 36 4
                                    

Scene 21

Settings:Paaralan

(Naglalakad si Basilio ng mapansin niya ang nagsisiuwiang mga kamag-aral kaya mapapatigil siya sa paglalakad at...)

Basilio: Bakit sila nagsisiuwian? Ano ba ang meron? Sandali! (Pagpigil niya sa isang kaklase) Ano ang nangyayari?

Estudyante: Hindi mo ba nabalitaan?

Basilio: Ang alin?

Estudyante: Ang planong paghihimagsik ng mga estudyante ay hindi natuloy. Mauna na ko sayo.

Basilio: Sige salamat. (Makikita siya ng kanyang propesor)

Propesor: Basilio! (Lalapit sa kanya si Basilio) Narinig mo na ba ang balita?

Basilio: Opo ngunit naguguluhan pa din ako. Ano ba talaga ang nangyari?

Propesor: Nagkaroon ng planong paghihimagsik ang mga kabataan at maraming estudyante ang nasangkot dito. Ang mabuti pa ay sunugin mo ang lahat ng iyong mga papeles. Mag-iingat ka Basilio.

Basilio: Salamat po at mag-iingat din po kayo.

(Naglalakad na si Basilio ng makasalubong niya ang kamag-aral na si Tadeo)

Tadeo: Basilio! Magandang balita ipapadala daw tayo sa kulungan! Wala nanamang pasok, mahaba-habang bakasyon ito.

Basilio: Parang ang saya mo pa ah.

Tadeo: Siyempre walang pasok, sige una na ko

(Aalis na sana si Basilio ng makita niya ang kaibigang si Isagani na may sinasabi sa ibang kamag-aral)

Isagani: Hindi na mahalaga kung sino man ang nagpadala ng paskin na iyon. Ang mahalaga ay sama-sama pa rin tayong lalaban para sa ika-uunlad ng Pilipinas!

Basilio: Kailangan ko na talaga maka-alis.

(Dali-dali na siyang umalis.)

Scene 22

Settings:Lansangan

(Papunta si Basilio sa tahanan ng kanyang kaibigang si Makaraig ng makasalubong niya na may kasamang mga guwardiya kaya nilapitan niya ito...)

Basilio: Makaraig!

(Lalayo muna sila sa mga guwardiya)

Makaraig: Basilio anong ginagawa mo dito? Maaari kang mapahamak sa bigla- bigla mong pagsugod.

Basilio: Gusto lamang sana kitang kausapin.

(Nilapitan sila ng mga guwardiya at...)

Guwardiya1: Indyo! Ano ang iyong pangalan?

Makaraig: Hi---

Basilio: Basilio po

(Napasapo na lang ng noo si Makaraig dahil alam niyang huhulihin din si Basilio)

Guwardiya2: Mabuti naman at di mo na kami pinahirapan pa. Dinadakip ka din naming Basilio

(Hahawakan na siya ng ibang guwardiya sa braso)

Basilio: Teka...Sandali po wala naman akong ginagawa ano ba ang naging kasalanan ko?

Guwardiya1: Tama na ang satsat sumama na lang kayo sa amin.

Basilio: Teka lang... Sandali...

(Nagpupumiglas pa din si Basilio ngunit hinila na siya ng mga guwardiya si Makaraig naman ay maayos na sumama)


El Filibusterismo Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon