Scene 13
Settings:Bahay ng Kapitan Heneral
(Naglalaro ng baraha sina Padre Irene, Padre Sibyla, Padre Camorra at ang Kapitan Heneral kasama rin dito ang ilan sa mga kawani)
Kapitan Heneral: (Tumawa) Sumasang-ayon talaga sa akin ang tadhana. Panalo nanaman ako hahaha
(At inilapag niya ang kanyang baraha. Biglang dadating si Simoun)
Kapitan Heneral: Ginoong Simoun nandyan ka pala, halika't samahan mo kami dito.
(Lumapit si Simoun at naupo na din. Isang guwardiya ang pupunta sa tabi ng Kapitan Heneral at sasaludo)
Kapitan Heneral: Ano ang kailangan mo?
Guwardiya: Humihingi po ng pahintulot ang mga kabataan na upang makapagpatayo ng paaralang may wikang Kastila.
Kapitan Heneral: Ganun ba? Sige makakaalis ka na salamat (Madadako ang tingin nito sa mga kasama) ano sa tingin ninyo? Mga padre? Ginoong Simoun?
Padre Sibyla: May ibang mga bagay pa tayo na dapat pagtuunan ng pansin. Isa pa ay hindi napapanahon ang kahilingan nila.
Simoun: Tama ang sinabi ni Padre Sibyla bukod dito ay nakikita kong masama ang layunin ng mga kabataang iyan.
Kawani: Pinamumunuan daw ng ilang kabataan na kilala sa lipunan ang nasabing kahilingan. Si Isagani na pamangkin ni Padre Florentino, ang isa naman ay si Basilio.
Kapitan Heneral: Itala ninyo ang mga pangalang iyan.
Kawani: Pero Heneral, ang mga binatang iyan ay sadyang walang laban. Makatarungan naman ang kanilang kahilingan, kung sila ay umabuso ay tsaka na lamang natin sila hulihin.
Padre Camorra: Ang mga indyo ay hindi nararapat matuto ng Kastila! Pagsisimulan lamang yan ng pag-aalsa.
Padre Florentino: Maganda naman ang suhestiyon ng mga kabataang iyan. Mas maganda rin sigurong tularan natin ang mga Heswita.
Padre Sibyla: Hindi! (Ibinagsak pa nito ang kamay sa lamesa) Mas maigi kung magpapransiskano sila o kahit na ano huwag lang maging Hewista.
(Nasa mainit na diskusyon na ang grupo ng tumayo ang Heneral at....)
Kapitan Heneral: Mga ginoo at padre ipagpaliban na lang natin bukas ang usapin ito sapagkat may mga bagay pa kong dapat ayusin (Aalis n asana ito ng...)
Kawani: Heneral ang anak na dalaga ni Kabesang Tales ay nagpunta rito, hinihiling niya na palayain na ang kanyang lolo.
Kapitan Heneral: Sundin ang kanyang kahilingan na palayain ang kanyang lolo. Ayoko namang maging masama sa akin ang tingin ng mga tao.
(Pagkatapos niya iyong sabihin ay nagtuloy na siya sa paglalakad)
Scene 14
Settings:Lansangan
(Habang naglalakad sina Isagani at Placido ay nakita nila si Paulita kasam ang kanyang tiyahing si Donya Victorina)
Isagani: Ang ganda talaga ni Paulita diba Placido?
Placido: Yun lang lagi niyang kasama ang tiyahin niyang ubod ng sungit
(Ng magtama ang mga paningin ni Isagani at Paulita ay nginitian siya ni Paulita)
Isagani: Tama ka! Hahahaha teka wala ka pa bang klase?
Placido: Wal--- Ay oo nga! Naku mahuhuli na ko sige ha mauna na ko. Magkita na lang tayo mamaya
(Pagkatapos nun ay tumakbo na si Placido)
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo Script {Tagalog}
RandomIpeplay po sana namin to kaso nagkulang kami sa time so isheshare ko na lang po ulit sa inyo itong script na to. May mga ideas po akong idinagdag dito lalo na dun sa mga lovebirds hahaha pero halos ganun pa din naman yung flow nung story. Sorry fo...