Scene 23
Settings:Tahanan ni Kapitan Tiago
(Nag-aayos si Padre Irene sa silid ni Kapitan Tiago ng...)
Kapitan Tiago: Ba....si...lio...
(Agad naman siyang lalapitan ng padre at...)
Padre Irene: Kapitan Tiago may kailangan ba kayo?
Kapitan Tiago: S-si.. B-basilio asan s-siya....?
Padre Irene: Ah... Eh...
Kapitan Tiago: A-asan s-siya?
Padre Irene: Nahuli siya at nakulong.
(Dahil dito ay hinabol ni Kapitan Tiago ang kanyang hininga kinabahan naman si Padre Irene kaya sumigaw siya ng tulong, ngunit huli na ang lahat lagi binawian na ng buhay ang kapitan.)
Scene 24
Settings:Kumbento
(Ilang hakbang na lamang ay malapit na sina Hermana Bali at Juli kay Padre Camorra ng...)
Juli: Ah Hermana Bali wag na lang po kaya tayong tumuloy, tara na ho. (Aalis na sana si Juli ng higitin siya pabalik ni Hermana Bali)
Hermana Bali: Anong wag na? Andito na tayo atsaka kanina pa naghihintay ang padre. Ayan na nga oh! (Ituturo niya si padre Camorra na tila nananalangin sa isang tabi)
Juli: Pero ayoko na po talagang tumuloy (Hindi pa din maakalis si Juli dahil hinihigit siya ng Hermana)
Hermana Bali: Ano ba Juli! Akala ko ba gusto mong makalaya si Basilio?
(Narinig ng padre ang kanilang ingay , tumayo ito at lumapit sa kanila...)
Juli: Pero ano po kas---
Padre Camorra: Ano ang kailangan niyo?
Hermana Bali: (Mabibigla at mapapaharap sa padre...) Padre! Andyan pala kayo. (Magmamano) May kailangan lang daw po sa inyong sabihin si Huli. (Nagtatago si Huli sa likod ng Hermana.) Juli! Halika nga dito at magmano ka kay Padre Camorra.
(Nagmano si Juli sa padre papakawalan na sana niya ang kamay ng padre ng bigla siyang hinigit ng padre at hinigpitan ang hawak sa kamay nito. Nagulat naman ang dalaga sa ginawa ng pari kaya agad niyang hinigit ang kanyang kamay at nagtago ng muli sa likuran ng Hermana.)
Hermana Bali: Ah padre maiwan ko na muna kayo upang kayo ay makapag-usap. (Aalis na sana siya ng higitin siya ni Juli.)
Juli: H-hermana wag niyo po akong iiwan dito. (Sambit nito habang hinihila ang damit ng Hermana)
Hermana Bali: Sige na Juli mag-uusap lang naman kayo. Nasa labas lamang ako, wag kang mag-alala. (Tinanggal ang pagkakahawak ni Juli sa damit niya at dali-dali umalis.)
Juli: Hermana Bali!!! (Mapapaharap siya sa padre at tutungo)
(Lalapitan siya ng padre hahawakan siya sa magkabilang balikat at...)
Padre Camorra: Alam ko ang pakay mo Juli nais mong makalaya si Basilio tama ba? Sige tutulungan kita ngunit alam mong may kapalit ang lahat ng bagay (Nakatungo lang si Juli habang sinasabi ito ng pari)
(Hahaplusin ng pari ang dalaga sa pisnge kaya naman umiwas ang dalaga dito)
Juli: T-tulungan n-nyo po akong makalaya si Basilio (sambit ng dalaga habang nayuko at tila ba ay nanginginig sa takot)
(Muli siyang lalapitan ng pari at sa pagkakataong ito ay niyakap na siya nito ng mahigpit, sinubukan namang magpumiglas ni Juli ngunit sadyang malakas ang pari. Inaamoy-amoy na ng pari ang kanyang leeg at tila ba'y ginagawaran ito ng maliliit na halik. Napa-iyak na si Juli dahil dito kaya't inipon niya ang buo niyang lakas at itinulak ang pari. Ng makalayo siya dito ay dali-dali siyang tumakbo at umakyat patungo sa itaas ng simbahan, nakita niyang nakasunod na sa kanya si Padre Camorra kaya ng nakarating siya ng kampaneryo at walang pagaalinlangang siyang tumalon mula sa bintana.)
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo Script {Tagalog}
RandomIpeplay po sana namin to kaso nagkulang kami sa time so isheshare ko na lang po ulit sa inyo itong script na to. May mga ideas po akong idinagdag dito lalo na dun sa mga lovebirds hahaha pero halos ganun pa din naman yung flow nung story. Sorry fo...