El Filibusterismo (Extended Scene/s)

27.1K 95 13
                                    

Scene 3

Settings:Sa isang napakagandang hardin

Payapa.Maganda at sadyang napaka aliwalas kulang pa ang mga salitang iyan kung ilalarawan ang lugar kung nasaan sina Ibarra at Maria Clara. Mayayabong ang mga bulalak,mga paro-parung para bang naglalaro dahil paikot-ikot ang mga ito.Tamihik din ang lugar maririnig mo lamang ang mga huni ng ibon na tila ba'y nakanta. Perpektong lugar at oras, yan ang nasa isip ng dalawa,silang dalawa lamang ang nandun. Malayo sa gulo...sa poot.....at sa lahat.

Ibarra: Kay tagal kong hinintay ang araw na ito Maria. Sa wakas tapos na ang lahat ng gulo,magsasama na tayo habang panahon. Sana hindi na tayo magkahiwalay kailanman.

Maria Clara: Kung ako man ay yan din ang hiling,ngunit alam nating dalawa na walang nagtatagal sa mundong ito. Lahat ng ito ay may katapusan, hindi permanente ang lahat Crisostomo. Hindi ko kayang sumang-ayon sayo sapagkat alam kong darating at darating din ang panahon na tayo'y magkakahiwalay. (Malungkot na tinig ni Maria na tila ba'y paiyak na)

Ibarra: Ano ang ibig mong sabihin?

Maria Clara: Crisostomo...(pabulong na sabi ni Maria) Kapag nawala ako malulungkot ka ba?(paiyak na rin ito)

Ibarra: Ayos ka lang ba? Bakit bigla ka na lang atang nalungkot? At ano ba naman yang mga tinatanong mo?

Maria Clara: Wala...Sagutin mo na lang ang tanong ko... Paki-usap. (Tila paos na ang tinig ni Maria)

Ibarra: Kailangan ko ba talagang sagutin yan? (Tango lamang ang tanging naisagot ni Maria)... Hayy hindi (Bahagyang mapapatingin sa kanya ang dalaga,makikita ang lungkot sa kanyang mga mata)...Hindi ako malulungkot sapagkat sa mga panahong iyon malamang ay wala na din na ako. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lamang kesa mabuhay sa mundong ito ng hindi ka naman kapiling.

Maria Clara: Wag! Wag mong gawin ang bagay na yan. Kayanin mong mabuhay ng wala ako Crisostomo, kahit gawin mo na lamang ito para sa akin.

Ibarra: Pero Mar--(hindi na natuloy ni Ibarra ang sasabihin ng takpan ni Maria ang kanyang labi gamit ang kanyang hintuturo at sinabing...)

Maria Clara: Sshhh!! Basta wag mong pababayaan ang sarili mo, patuloy kang mamuhay kahit wala na ako sa iyong tabi . Isa pa wag mong hahayaan na kainin ng galit ang iyong puso at isip matuto kang magpatawad kahit na mahirap. Ang galit ang siyang papatay sa pagkatao mo kaya't paki-usap Crisostomo pakinggan mo ako wag mong hayaan na galit ang maghari sa iyong puso. Dapat pagmamahal at pagmamalasakit ang namamayani dito (itinuro pa nito ang dibdib ni Crisostomo-kung nasaan ang puso) At-- (Mapapatigil siya sa kanyang sinasabi at saglit na pinagmasdan ang mukha ni Ibarra hinawakan din niya ang magkabilang pisngi ng binata) lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. (Ito ang huling binigkas ni Maria bago niya gawaran ng isang halik sa noo at mahigpit na yakap si Crisostomo.) Mag-iingat ka Crisostomo (kakalas sa yakap)

Ibarra: Hindi kita maintindihan? Ano bang ibig mong sabihin? Akala ko ba ay mahal mo ko pero bakit tila iiwan mo na ko?

Maria Clara: Mawawala ako pero di ang pagmamahal ko sayo. Lagi lang akong nandiyan sa puso mo, yan ang tatandaan mo. Mag-iingat ka lagi Crisostomo alagaan mo ang sarili mo ... paalam (tumayo na si Maria at naglakad papalayo...)

Ibarra: Teka sandali lang, saan ka pupunta?! Sandali! Mahal ko!! Maria!!!!

Scene 4

Settings: Silid ni Ibarra

Makikitang si Ibarra ay natutulog ngunit makikita mong may bumabagabag sa kanya dahil palinga-linga ang kanyang ulo,tila ba'y nagkakaroon siya ng isang masamang panaginip. Bigla siyang napabalikwas sa kanyang higaan at...

Ibarra: Maria!!!!!! Hah!!Panaginip lang pala yun. Dinadalaw nanaman ako ng mapait kong nakaraan,naghirap ako at nasaktan ng husto. At hindi ako makapapayag na mababaon lang ang lahat ng iyon sa limot. Maghihiganti ako, at sisiguraduhin kong malalasap ninyo ang sakit ng matraydor lalong-lalo na ng isang kaibigan. At wala na ang Crisostomo Ibarra na likas na may pagmamahal sa kanyang bayan,patay na ang binatang iyon.Humanda kayong lahat sapagkat isinilang na ang magtuturo sa inyo kung ano ang tunay na kahulugan ng salitang SAKIT. Magbabalik ako hindi bilang si Ibarra, kundi bilang Simoun at sisiguraduhin kong magbabayad kayong tumalikod sa akin. Pababagsakin kayong lahat ni Simoun.

El Filibusterismo Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon