El Filibusterismo

45.4K 111 51
                                    

Scene 5

Settings:Sa Bapor (Kubyerta)

Makikita sa bapor ang hindi pantay na pagtingin sa mga mamayan. Sapagkat ito ay nahahati sa dalawang bahagi- ang ilalim at ang ibabaw. Makikita sa ibaba ang mga Indio, mga Chino at mga Mestizo na pawisang nagsisiksikan kasama ng mga baul at kalakal. Sa bandang itaas naman ay makikitang prenteng nakaupo ang ilang prayle at iba pang may sinasabi sa lipunan.

Donya Victorina: Jusmiyo! Ang kupad kupad ng takbo ng bapor na ito (reklamo ng donya habang ikinukumpas ang kanyang abaniko matapos niya rin itong sabihin ay lumapit siya sa kapitan at sinabing...)

Donya Victorina: Kapitan wala na bang itutulin ang bapor na ito? Kebagal-bagal! Ah! Ang mga salot sa lipunang ito! Mga Indyong wala namang lugar sa pamayanang ito, nakakasira lamang sila ng paligid. Mga basura lamang sila na kakalat-kalat sa daan (Tinig ng donya habang kinukumpas ang kanyang abaniko ng tila walang pumapansin sa kanya ay natigil sa pag-imik at nanahimik na lang sa isang tabi. Hanggang sa...)

Ben Zayb: (Nakahawak ang isang kamay sa kanyang baba; tila nag-iisip siya) Mga ginoo at donya naisip ko lamang na mas kailangan nating bigyang pagpapahalaga ang pag-aaral ang siyensya dahil ang mga eksperto o mga nakapag-aral ng siyensya ang magbibigay ng pag-unlad sa ating pamayanan.

Padre Camorra: Tumahimik ka Ben Zayb! Hindi na kailangang magpunta sa eskwelahan upang magtuto ng siyensya. Sapat na ang karanasan ng mga mamamayan upang mapaganda ang Ilog Pasig.

Ben Zayb: Nguni---

(Ang kaninang tahimik lang na si Padre Salvi ay nakisingit na rin sa usapan.)

Padre Salvi: Alam mo ba ang kung ano ang kakayahan ng mga sinasabi mong dalubhasa sa agham? (Sasagutin na sana siya ni Ben Zayb ngunit inunahan na niya itong magsalita)...Para sabihin ko sa iyo mga wala doing yang alam. Tingnan mo na lamang ang tulay ng Obras Del Puerte, ang sabi ng mga bihasa sa Agham ay may kahinaan at sadyang mapanganib. Ngunit tingnan mo hanggang ngayon ay andyan pa din ang tulay. Hindi ito natitinag ng baha man o lindol. (mapapatungo na lang sa hiya si Ben Zayb dahil alam niyang may punto ang mga kausap niyang pari.)

Padre Camorra: Sang-ayon ako sa iminungkahi ni Padre Salvi, isa pa wala na rin atang maayos na ilog sa kapuluang ito. Ito ang isa sa mga pinoproblema ng ating pamayanan ngayon.

Ben Zayb: Kung gayo'y kailangan nating makaisip ng solusyon upang maisantabi na ang lumalalang suliranin na ito.

Donya Victorina: Ano namang solusyon ang dapat nating gawin?

(Bago pa man may makapagsalita sa isa sa mga grupo ay sumulpot na lang biglang si Simoun-isang mag-aalahas.)

Simoun: Ang solusyon ay napakadali, hindi ko nga lang mawari kung bakit walang sinuman ang nakaisip nito.

(Napatingin kay Simoun ang grupo maging si Donya Victorina ay nagulat sa presensiya nito, napataas ito ng kilay at...)

Donya Victorina: Ano naman ang nais mong ipahiwatig ginoo? (Mataray na tanong ng donya habang nakataas pa din ang kanyang isang kilay, kasabay nito ay ang pagkumpas sa kanyang abaniko)

El Filibusterismo Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon