El Filibusterismo

16.7K 39 2
                                    

Scene 25

Settings:Simabahan

(Marami ang nagsipagdalo sa kasalang Paulita at Juanito. Kasalukuyan silang papalabas ng simbahan at sinasalubong sila ng mga tao sa pamamagitan ng pagsaboy ng mga bulaklak...)

Bisita: Mabuhay ang bagong kasal!

Lahat: Mabuhay!

(Lalapitan ni Simoun ang bagong kasal)

Simoun: Binabati ko kayong dalawa. Nawa'y mamuhay kayo ng matiwasay at payapa.

Paulita: Maraming salamat ginoo.

Juanito: Salamat po sa inyo. At asahan niyo pong magiging maayos ang aming pamumuhay.

Simoun: Ah Juanito maaari ko ba munang maka-usap si Paulita?

Juanito: Sige po ginoong Simoun, maiwan ko muna kayo.

(Iniwan na ni Juanito sina Padre Irene at Paulita)

Simoun: Hija siguro ka ba dyan sa pinasok mo?

Paulita: Siguradong-sigurado na po ako, kung si Isagani po ang iniisip niyo ay wag na kayong mabahala pa dahil hindi ko na siya mahal. Isa pa ay mas gaganda ang aking buhay kay Juanito, wala naman akong mapapala kay Isagani.

Simoun: Kung iyan ang sa tingin mo ay tama ay hindi na kita kukulitin pang muli. Basta lagi mo lang tatandaan na hindi isip ang nagtatakda kung sino ang dapat nating mahalin, kundi ang puso. At hindi lahat ng tao ay pinapalad na makita ang kanilang ka-pares sa buhay, yung taong magiging katuwang nila sa panghabang-buhay. Yung taong totoong mahal nila maswerte ka kung nahanap mo na agad yung taong magpupuno nun. At kapag nahanap mo na siya dapat hindi mo na siya papakawalan pa kasi yung mga ganung tao minsan lang dadaan sa buhay natin. Sige hija nawa'y naintindihan mo ang aking sinabi. Aalis na ko muli ay binabati kit ng maligayang kasal.

(Umalis na rin si Simoun pagkatapos niya iyong sabihin, naiwan naman si Paulita na nakatingin lang sa kawalan....)

Scene 26

Settings:Tahanan ni Simoun

(Inaayos ni Simoun ang kanyang mga gamit para sa kanyang plano ng...)

Basilio: Ginoong Simoun! Ginoong Simoun!

(Binuksan ni Simoun ang pintuan at tumambad sa kanya si Basilio)

Simoun: Basilio ano ang sadya mo? Maupo ka muna (Bumalik si Simoun sa kanyang ginagawa)

Basilio: Magpapasalamat lamang sana ako dahil pinaki-usapan ninyo ang Heneral na ako'y palayain.

Simoun: Walang anuman, iyon lang ba ang pinunta mo dito?

Basilio: Nais ko sanang sabihin sa inyo na pumapayag na ko sa gusto niyo

(Maguguluhan at mapapatingin sa kanya si Simoun)

Basilio: Naging masama akong kapatid at anak. Nakalimutan kong pinatay ang aking kapatid at pinahirapan ang aking ina. Pinarurusahan na ako ngayon ng Diyos, wala na kong nararamdaman kundi galit at paghihiganti. Sasama na po ako sa inyo ginoo.

(Natuwa si Simoun kaya inilabas niya ang lampara at ipinatong sa kanyang lamesa)

Basilio: Aanhin niyo ang lamparang iyan?

Simoun: Sandali lang

(Naglabas si Simoun ng isang bote na may ttak na nitrogliseria mapapatayo at mapapa-urong si Basilio ng makita ito)

Basilio: S-sandali... Dinamita iyan diba?

Simoun: Oo... Ngunit hindi ito bastang dinamita lang. Ito ay mga damdaming tinikis, mga kasawiang naimbak at mga pang-aapi. Ngayong gabi mapaparusahan ang mga makasalanan na matagal ng nagtatago sa katotohanan.

(Inilagay ni Simoun ang laman ng bote sa lampara at ipinagpatuloy niya ang pagsasalita.)

Simoun: Mamayang gabi magkakaroon ng kasiyahan. Ilalagay ko ang lamparang ito sa gitna ng handaan, magbibigay ito ng maningning na liwanag ngunit pagkaraan ng dalawampung minute ay ay unti-unti itong lalamlam. At kapag inayos ang mitsa nito ay BOOM! Sasabog ang bomba.

Basilio: Ano naman ang aking gagawin?

Simoun: Ganap na ikasiyam sasabog ang lampara at gusto kong ikaw ang mamuno sa mga artilyero. Dadalhin mo sila kay Quiroga dahil doon naka-imbak ang mga baril, kami naman si Kabesang Tales ay susubukang agawin ang tulay. Ang pagsabog ang magiging hudyat upang sila ay magtipon-tipon at sumugod. Magkakagulo ang at nanaisin na lang ng mga mamamayan na lumaban. Ang mga Indyo, Mestiso, Intsik, Kastila lahat sila ay masasawi. Mamamatay ang siyang mahihina at matitira ang siyang malalakas!

Basilio: Lahat? Kahit ang mga walang laban at mga inosente?

Simoun: Oo. LAHAT! Mula sa dugong dadanak ngayong gabi ay sisibol ang panibagong lahi. Isang bagong lipunan na hindi na muling maaapi.

Basilio: Ano namang sasabihin sa atin mundo pagkatapos nito?

Simoun: Papalakpak ang daigdig at tayong malalakas ay pupurihin. (Inabot ni Simoun ang isang rebolber kay Basilio) Oo nga pala mamaya ay hintayin mo ako sa tapat ng simbahan ng San Sebastian ganap na ikasampu ng gabi doon ko sasabihin sayo ang susunod mong gagawin. At kapag tumapat ang orasan sa ika-siyam ng gabi ay lumayo ka sa daang Anloague, mag-iinat ka Basilio.

Basilio: Magkita na lamang tayo mamaya ginoo mag-iingat din kayo

(At tuluyan na ngang umalis si Basilio)


El Filibusterismo Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon