Scene 27
Settings:Lasangan
(Hindi na mapakali si Basilio.)
Basilio: Wag kang mag-alala Basilio. Maaayos din ang lahat (sambit nito sa sarili habang palakad-lakad pa din. Ng bigla niyang makita si Isagani, hindi ito nakatingin sa dinadaanan kung kaya't tila nagpantintero muna sila bago pa makapagsalita si Basilio...)
Basilio: Oh! Isagani, saan ka pupunta?
Isagani: Pupuntahan ko si Paulita Basilo sapagkat iba na siya bukas. Kailangan ko siyang maka-usap ngayon.
(Maglalakad nanaman sanang muli si Isagani ng hawakan siya ni Basilio sa magkabila nitong braso at...)
Basilio: Wag!!!! Ano wag ka ng tumuloy.
Isagani: Ngunit baka ito nan a ang maging huli kong pagkakataon upang maka-usap siya.
Basilio: Wag kang pupunta duon, makinig kang mabuti Isagani. May dinamitang sasabog sa lugar na iyon anumang oras mula ngayon. Kaya utang na loob wag mo na siyang puntahan pa.
Isagani: (Aalisin nito ang pagkakakapit sa kanya ni Basilio) Iba na siya bukas (At dali-daling tumakbo papunta sa bahay ni Kapitan Tiago)
Basilio: Binalaan na kita kaibigan sana ay nakinig ka na lang sa akin.
Scene 28
Settings:Tahanan ni Kapitan Tiago
(Dumagsa ang mga bisita sa tahanan ni Kapitan Tiago. Kasama na dito si ginoong Simou agad naman itong sinalubong ng donya.)
Donya Victorina: Ginoong Simoun! Mabuti na lamang at nakarating kayo, halika at samahan kami sa hapag kainan.
Simoun: Salamat na inyong mainit na pagtanggap donya Victorina ngunit ako'y hindi na magtatagal pa.
Donya Victorina: Ano? Hindi ako papayag na maka-alis ka agad. Halika na at samahan kami.
(Wala ng nagawa si Simoun kundi ang sundan ang donya sa hapag kainan dala ang kanyang lampara.Ng makarating sila dito ay...)
Kapitan Heneral: Ginoong Simoun! Halika at saluhan mo kami.
(Kumuha si Simoun ng isang kopita ng alak at itinaas ito sumunod naman sa kanya ang iba...)
Simoun: Ipagpatawad niyo ngunit kailangan ko na talagang umalis, tanggapin niyo na lamang itong lamapara na aking regalo.
(Inilapag na nito ang lampara sa lamesa...)
Donya Victorina: Ang ganda naman ng lamparang iyan. Maraming salamat ginoong Simoun, ngunit sigurado ka bang ayaw mo munang kumain kahit saglit lang?
Simoun: Salamat sa inyong alok ngunit may mahalaga lang talaga akong gagawin ngayon na hindi maaaring ipagpaliban pasensya na. Sige mauna na ko.
(Nilisan na ni Simoun ang lugar ng ilang saglit pa ay....)
Padre Irene: Sandali ano ito? (Tiningnan nila ang papel na nasa ilalim ng lampara at binasa) Mane Thecel Phares, Juan Crisostomo Ibarra.
Don Custodio: Masamang biro iyan!
Kapitan Heneral: Ano ba kayo, wag kayong mabahala dahil hindi naman siguro totoo iyan.
Padre Irene: Ngunit ito'y nanggaling sa isang tao na matagal ng patay. Tunay ngang masamang biro ito.
(Kinuha ni Padre Salvi ang sulat at binasa)
Padre Salvi: Sulat kamay ito ni Crisostomo hindi ako pwedeng magkamali.
Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin?
Kapitan Heneral: Wag niyo ng aalahanin iyan. Ituloy ang kasiyahan! Ah Padre Irene paki-taas naman ng mitsa nung lampara.
Padre Irene: Sige saglit lamang
(Itataas na sana niya ito ng kunin ito ni Isagani at mabilis na itinakbo...)
Padre Irene: Magnanakaw! (Hahabulin n asana nila ito ng makarinig sila ng isang malakas na pagsabog. Nagkagulo naman ang mga panauhin ng mangyari ito.)
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo Script {Tagalog}
RandomIpeplay po sana namin to kaso nagkulang kami sa time so isheshare ko na lang po ulit sa inyo itong script na to. May mga ideas po akong idinagdag dito lalo na dun sa mga lovebirds hahaha pero halos ganun pa din naman yung flow nung story. Sorry fo...