El Filibusterismo

25.3K 75 8
                                    

Scene 7

Settings:Sa Bapor (Kubyerta)

Don Custodio: Ang buwis na--- (Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng makita niya si Simoun...)Oh! Ginoong Simoun buti naman at nandito ka na. Sayang lang at di mo nakita ang napakagandang tanawin kanina, saan ka ba nanggaling?

Simoun: Naglaka-lakad lamang ako at isa pa mas maganda parin ang isang lugar kung ito'y pinaglumaan na ng panahon kung saan marami ng alaala ang nakapalibot dito. Kesa sa isang magandang tanawin na hubad sa alamat.

Kapitan: Kung alamat lang din ang pag-uusapan ay dyan mayaman ang Ilog Pasig. Nandyan na ang alamat ng malapad na bato at ayon daw sa mga tao noon ay buhay ang batong ito. Ito ang sinasamba ng tao bago pa man dumating ang mga Kastila, ang sabi pa ay pinananahan ito ng espiritu kaya naman ang mga bangkang dumadaan malapit sa bato ay bigla na lang tumataob.

(Magpapatuloy pa sana ang kanilang kwentuhan tungkol sa mga alamat ng biglang nagsalita si Ben Zayb at tumingin sa Kapitan...)

Ben Zayb: Kapitan papasok na pala tayo sa lawa. Banda dito napatay ang pilibustero hindi ba? Sino nga yun? Guevarra o Ibarra? (Lahat naman sila ay mapapatingin sa kapitan maliban lang kay Simoun na tila natigilan at nanigas sa kanyang kinakakayuan. Makikitang tila hindi siya komportable sa kanyang kinatatayuan...)

Kapitan: Ibarra ang pangalan niya. Tingnan niyo ang lugar na iyon (May ituturong lugar ang kapitan...) Sabi ng mga guwardiya sibil ay hinahabol nila ang bangka ni Ibarra ng bigla itong tumalon at sa tuwing lalabas ang ulo nito at pinauulanan agad nila ng bala. Pagkatapos ay hindi na nila ito nakita ngunit nakita nila ang dugo na kumulay sa lawa, iyon ang nangyari labintatlong-taon na ang nakakalipas.

Donya Victorina: Hah! Dapat lang iyon sa kanya dahil isa siyang pilibustero. (Unti-unti namang nayuyukom ni Simoun ang kanyang palad sa narinig...) Manang-mana talaga siya sa kanyang ama na isa ding pilibustero (Dagdag pa ng donya habang kinukumpas ang kanyang abaniko. Napansin naman ni Padre Florentino ang tila tahimik na si Simoun kaya...)

Padre Florentino: Ginoong Simoun ayos lang ba kayo? Namumutla ka ata. (Duon na lamang natauhan si Simoun at nakita niyang ang lahat ng atensyon ay nasa kanya na sasagot na sana ito ng...)

Ben Zayb: Sandali... Wag mong sabihing nahihilo ka ginoong Simoun gayung dapat sanay ka na kasi isa kang manlalakbay. (Sambit nito na tila nang-aasar.)

Kapitan: Ang lawang ito ay higit na malaki at malawak sa lawa sa Suwisa sa lahat ng lawang pinagsama-sama sa buong Espanya at marami na rin akong kilalang manlalakbay na nahihilo dito.

Scene 8

Settings:Sa Tahanan ni Kabesang Tales

Juli: Ama! (Natigil si Tales sa kanyang ginagawa at nakita niya ang kanyang anak) May dumating na po bang sulat galling kay Basilio? (Mababakas sa boses nito ang pagkasabik)

Tales: Oo meron na anak, ito oh (Inabot na niya sa anak ang sulat)

Juli: (Mapangiti ito ng makita ang sulat niyakap pa niya ito ng ubob ng higpit. Ilang sandali pa ay nawala ang ngiti nito sa labi pagkuwa'y sinabi niya na...) Ama siguro masaya ang mag-aral sa Maynila at malamang masaya dun si Basilio. (Nagbuntong hininga pa siya matapos sabihin iyon.)

Tales: Gusto mo bang mag-aral din dun? (Hindi siya sinagot ng dalaga at sa halip ay tiningnan lamang siya nito.) Sige sa isang taon ay sa Maynila ka na din mag-aaral.

Juli: Talaga ama? (Niyakap niya ang kanyang ama) Salamat po!

Tales: Wala iyon anak basta pagbubutihin mo ang pag-aaral mo (Sagot naman nito habang hinihimas ang buhok ng anak.)

Juli: (Kakalas na sa yakap si Juni at...) Pangako po yan ama. Ah sige po babasahin ko muna itong sulat maiwan ko na muna kayo.

Tales: Sige anak (Nakangiting wika nito at ng maka-alis na si Juni ay mawala ang ngito sa labi nito at agad na mapabuntong-hininga masisilayan din ang malunkot nitong mukha)

Tandang Selo: Anong problema anak?

(Mapapalingon sa gawi ng ama si Kabesang Tales.)

Tales: Ang mga prayle ama. Itinaas nanaman nila ang upa sa pinagsasakahan kong lupa (Naiyukom na nito ang kanyang mga kamay.)

Tandang Selo: Kumalma ka anak, bayaran mo na lang ang halaga na hinihingi nila upang wala ng gulo.

Tales: Pero sumosobra na sila ama! Hindi ako makakapayag na makuha nila ang lupang ito. Akin lang ito, dugo at pawis ang ipinunuhan ko dito. Buhay ang inalay ko sa lupang ito kaya dapat buhay din ang kabayaran.

Tandang Selo: Ano ngayon ang nais mong mangyari?

Tales: Dadalhin ko ito sa korte, wala na kong pakialam kung maubos lahat ng maipon ko sa gagawin ko. Ang mahalaga ay maipag-laban ko ang aking karapatan sa lupa to.

(Biglang may darating na mga guwardiya!)

Guwardya Sibil1: Kabesang Tales!!

Tales: Ano po ang kailangan ninyo?

Guwardya Sibil2: Nasaan na ang dalawang daan na upa mo dito sa lupa.

Tales: Akin ang lupang ito kaya hindi ko kailangang magbayad.

Guwardya Sibil1: Ah ganun? Sige sumama ka na lang sa amin ng maayos kung ayaw mong masaktan

(Hinawakan na ng dalawang guwardiya si Tales ngunit nagpupumiglas ito...)

(Narinig ni Juli ang ingay kaya naman...)

Juli: Ano ba yung--- Ama!!! (Lalapit agad ito sa kanyang tatay)

Juli: Teka lang...Sandali!

(Hindi na siya pinakinggan ng mga ito at hinila na lang papalayo si Kabesang Tales)

Juli: Ama!!! (Mapapaupo na ito sa sahig habang sumusigaw ng ama, nakayakap naman sa kanya si Tandang Selo)



El Filibusterismo Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon