Tumayo ito at iniwan ang librong binabasa sa mesa ng sala.Iniwasan niya ang matalim nitong tingin nang dumaan ito sa harap niya.Tuloy tuloy itong umakyat.
“Pagpasenyahan mo na si Aidan ha.Sanay ka na naman siguro sa ugali ng batang iyon.Miski naman sa'min ay ganyan siya kasungit.'Wag kang mabahala sakanya.” ani Cecilia nang bumalik at binaba sakanyang harap ang platito na may lamang ilang piraso ng choco tart. “Tikman mo ‘to Paige.Masarap ‘yan.Binili namin kahapon ng tito Juliano mo sa delisweets.” Tukoy nito sa isang sikat na pastry shop.
“Halata naman po.Thank you tita.”
Nabitin ang sanang pagkain niya nang makita ang nagmamadaling bumaba na si Ethan.Tumayo siya upang salubungin ito.
“Paige, mamaya na tayo mag-usap.May emergency kasi.No, I mean may importante lang akong kailangang puntahan.Umuwi ka na muna.Tatawag nalang ako kung nakauwi na ako.”
Sa bilis nito ay hindi na siya nakapagsalita.
“Pagkatapos mong kumain umuwi ka na.” Si Aidan na nasa bungad ng hagdan.Bumalik ito sa kaninang pwesto sa dulo ng sofa at muling kinuha ang libro.
“Alam mo ba kung bakit nagmamadali si Ethan?”
Hindi maiwasan na maalarma siya sa kilos na iyon ni Ethan.Iyon yata ang unang beses na inindian siya nito.Nitong mga nakaraang araw napansin na niya ang pagiging balisa nito sa hindi malamang dahilan.Nang magtangka siyang tanungin ito sinabi nitong masakit lang ang pakiramdam.Ngunit hindi siya kuntento doon.Nakapa niya ang dibdib.Bigla ang pagtulin ng pagpintig ng kanyang puso.Hindi niya alam kung ano ang dapat na isipin ng mga oras na iyon.
“Hindi ko alam.”
Maang siyang napatitig sa balewalang sagot ni Aidan.Naaaburidong tumayo siya.Bakit ba dito pa siya nagtanong? Wala naman siyang makukuhang matinong sagot mula dito.
“Tita, aalis na po ako.” Sigaw niya kay Cecilia na nasa kusina.
Nasa bungad na siya ng pinto ng maramdaman ang kamay na pumigil sa braso niya.
“Paige, bakit hindi ka muna magmeryenda?” Ani Cecilia.
“Nawalan na po ako ng gana.”
“Gusto mo bang sumama sa amin ni Aidan kumain sa labas?"
Nilingon niya ito. “No need tita.Uuwi nalang po ako.Umalis na din naman si Ethan.”
Namilog ang mata nito. “Umalis? Pero ang sabi niya kanina may mahalaga daw siyang sasabihin sa’yo kaya nga pinapunta ka niya dito.” Napailing-iling ito. “Ang batang iyon talaga.Hindi bale.Sumama ka nalang sa amin ni Aidan.Halika ka na.Huwag mo na akong tanggihan.” Wala na siyang nagawa ng hilahin siya nito pabalik.Nagpaalam ito na magbibihis.
Bumalik siya sa kaninang inuupuan.Nasalubong niya ang nagtatakang tingin ni Aidan.
“N-niyaya ako ng tita na kumain sa labas.” Defensive na pauna niya.
“Hindi ko tinatanong.”
“M-magbasa ka na ulit.” Utos niya dahil hindi pa din nito inaalis ang tingin sakanya.Nang muli niya itong tanawin ay nakatitig pa din ito sakanya.Naalarma siya. “Ano ba! Magbasa ka na sinabi!” pumihit siya patalikod.
“Ito yata ang unang beses na hindi ka niya inintindi.May kutob ka ba kung bakit?”
Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin dito na nasa babasahing hawak na ang mga mata.
“Bakit ganyan ang tanong mo? May alam ka ba kung bakit nagmamadali na umalis si Ethan?”
“I said it earlier.Hindi ko alam.”
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)(EDITING)
RomanceBinilin ni Ethan sa noo'y labing pitong taong gulang na si Paige na siya ang dapat na maging boyfriend nito kapag tumuntong na ito ng eighteen. Wala naman iyong kaso sa dalaga dahil gaya ni Ethan ay may gusto din siya dito. Everything was planned bu...