"B-bakit mo ako dinala dito" nagtatakang tanong ni Paige kay Aidan.Hawak din nito ng mahigpit ang kanyang kamay simula ng pumasok sila roon.Akala niya'y gaya ng nakasanayan ay ihahatid siya nito pauwi.Nagulat siya ng lumihis ito ng daan at hilahin siya nito sa isang fine dinning restaurant.
Sa halip na sagutin ay tumawag ito ng waiter.Inabutan sila nito ng menu.Pinaubaya niya dito ang pag-order.Kalmado ang mukha nito at bakas ang sigla roon.
"Ano ba'ng meron bakit tayo nandito?"
"Hintayin muna natin ang pagkain bago ang lahat." pambibitin nito.
She grimaced at him.Wala siyang maisip na pakay nito kung bakit siya nito dinala sa lugar na iyon.Nakakahiya pa dahil suot nila ang kanilang school uniform.
Dumating ang kanilang pagkain.Hindi niya iyon magawang galawin.Tinanaw niya ito na nagsimulang tumusok ng sirloin steak.
"Kumain ka na."
"Hindi ako kakain hangga't hindi mo sinasabi sa'kin ang dahilan kung bakit tayo nandito."
Binaba nito ang tinidor.Their eyes met.
"I like you Paige.” kaswal na anas nito.
"A-ano?" nabitin sa pagbukas ang bibig niya.
“I know it's too early to admit it.But I'm sure to what I felt for you.” tuwid ang tingin nito sakanyang mga mata. “What I felt for you was more than what you thought.I care for you deeply.Lagi mong ginugulo ang isip ko.Sa tuwing pipikit ako ikaw ang nakikita ko.I felt crazy all the time Paige.” may pwersang napailing ito at hinawakan ang ulo na animo'y doon humuhugot ng lakas. "I can't get over you.Alam kong mahihirapan kang paniwalaan, pero totoong gusto kita."
"Matatanggap ko kung hindi ka pa handa sa ngayon.Ang gusto ko lang mangyari ay kalimutan mo ng tuluyan si Ethan.Hangga't maaari iwasan mo na ang baggitin ang pangalan niya dahil nasasaktan ako sa tuwing ipinapalagay mong ako siya.Gusto kong gumawa ng sariling pangalan sa puso mo.Ayoko na din na magtratuhan tayo bilang magkapatid.Gusto kong makita mo ako bilang isang boyfriend material.Napakatanga ko dahil inalok pa kita ng ganoong set up gayong ako naman pala ang unang bibigay sa’ting dalawa.Mabilis kung tutuusin.Pero hindi na ako magtataka.Dahil hindi ka mahirap mahalin Paige.You’re very beautiful.Kung una pa lang naging malapit na ako sa’yo hindi malabong mahulog din agad ang loob ko sa’yo.”
She breath in and out.Hindi lubusang mafunction ng kanyang utak ang mga sinasabi nito.
"B-biglaan naman yata?Huwag mong sabihing nakalimutan mo na ang girlfriend mo? Hindi pa naman tayo masyadong matagal na nagkakasama para maging sigurado ka sa bagay na 'yan.Hindi kaya nararamdaman mo lang ‘yan dahil sa lagi tayo ang magkasama? Siguradong oras na malayo tayo sa isa’isa mawawala na din ‘yang nararamdaman mo.Naguguluhan ka lang." kung hindi niya dadalasan ang paghinga ay malamang na kapusin siya ng hangin."Hindi ba't sinabi mo na hindi ka pa handang magmahal sa ngayon?"
"I made a mistake when I said that.Totoong hindi ka mahirap mahalin Paige.Dahil sa'yo kung bakit mabilis akong nakamove-on.I'm really sure.I'm infatuated with you.Isinakripisyo ko ang pagiging summa cum laude ko para sa'yo.Kung sana una pa lang sinabi mo na sa'kin na hirap ka sa mga subjects mo dapat noon pa lang tinulungan na kita sa pag-aaral mo.Hindi mo ba napansin kung bakit ginawa ko ang mga bagay na 'yon?Kung bakit hindi ako nagdalawang isip?"
Kung nagsisinungaling man ito ng mga oras na iyon ay ano naman ang makukuha nito kung sakali?Pero nahihirapan siyang paniwalaan ito.Ilang linggo pa lamang silang nagkakasama dahil sa kunwariang pagiging magkasintahan nila.At hindi siya naniniwala na sa maiksing panahon ay mamahalin mo na ang isang tao.Lalo na sa sitwasyon nila.Pareho silang nasaktan dulot ng mga taong minahal."Hindi ka naman mahirap mahalin." Singit ng isang parte ng isip niya.Hindi kaya iyon naman talaga ang dahilan? Nagalak siya ng kaunti sa nalaman.
"Pero hindi pa ako handa Aidan.Alam mo naman sigurong------"
"Handa akong maghintay.Ipangako mo lang sa'kin na aalisin mo na sa sistema mo si Ethan." Sa tono nito parang dapat mong sundin ang utos nito.Kung hindi’y waring may nagbabadyang hindi maganda.
“Alam mo kung ano ang naging kahapon ko.Ang naging panloloko ng kapatid mo.Ang gabing halos magmukha akong tanga dahil sakanya! Testigo ka sa lahat ng iyon.Paano kung saktan mo din ako katulad ng ginawa niya?.Ayoko ng umiyak at maiwanan."
"Kung gano'n iniisip mong wala akong pinagka-iba sakanya?" nasa tono nito ang pagkadismaya.
“Ano ang inaasahan mong nasasaloob ko? Sa pakikitungo mo sa’kin noon hindi ko inisip na ikaw ang matatakbuhan ko.Na hahantong tayo sa puntong magiging malapit tayo sa isa’t isa at…at magugustuhan mo ako.”
“Walang imposible Paige.Hindi ba pwedeng kalimutan mo na kung ano man tayo sa nakaraan? Maaari bang isipin mo na lang kung ano tayo sa ngayon? Gusto kong bumawi sa’yo.Nararamdaman mo na hindi ba? Malaki na ang pinagbago ko.At alam kong ikaw ang rason n’on.”
“I’m still afraid.” Paninindigan niya.
"Alright." huminga ito ng malalim. "I promise------." Matagal bago ito muling nagsalita. "Hindi kita sasaktan."
May seguridad na gagawin nito ang sinabi.Maigi niyang binasa ang exspresyon nito.Nararamdaman niya ang pagiging totoo nito.Ngunit binabalutan siya ng makapal na pangamba dahil sa naging karanasan.Sinabi nito noon na ayaw nitong magbitiw ng pangako dahil natatakot itong masaktan siya sakaling hindi nito maisakatuparan ang binitawang salita.Ngunit ngayong ito pa mismo ang nangako sakanya na hindi siya nito sasaktan.Sa kagandahang asal na pinakita nito sa kanya nararamdaman niyang genuine ito.She knows he’s a steadfast kind of man.Malayo ang pag-uugali nito kay Ethan na mababaw mag-isip.
Gusto niyang matakasan ang bangungot ng nakaraan.Si Aidan nga marahil ang paraan upang mabura iyon sa isip niya.Wala din namang mangyayari kung ibuburo niya sa sarili ang pagmamahal kay Ethan.Mas lalo lamang siyang magdurusa.Karapat dapat naman siguro si Aidan para sa tiwala niya.Sakanya na din naman nanggaling na di hamak na mas responsable ito kay Ethan.Tanda niya pa ang binitawang kataga----Darating ang araw na si Aidan na ang kanyang mahal.
Tumayo siya at umikot sa upuan nito.Niyapos niya ito.Naestatwa ito mula sa pagkakaupo.
"Sisirain ko ang sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako maniniwala sa anumang pangako.Pagkakatiwalaan kita Aidan.To be fair with you, I promise to forget your brother.Hindi ko na babanggitin pa ang pangalan niya at lahat ng mga bagay na may kinalaman sakanya ay iiwasan ko na ding ungkatin.Tulungan mo akong tuluyan siyang mawala sa sistema ko.” kumalas siya dito. “Huwag mo lang akong sasaktan.”
Unti-unting naglaho ang ngiting nakaguhit sa mukha nito.Marahil ay dahil sa pagiging sirang plaka niya.She just only want to make it sure! Mahirap na ang masaktan at maiwanan.
"I-I promise." hindi niya ikinabahala ang pagkaka-utal nito. "Gagawin ko ang lahat makalimutan mo lang si Ethan." naging matigas ng tinig nito sa huli.
Tama ba ang mangako siya kay Paige? Hindi kasama sa naisip ni Aidan na paraan upang mailayo ang loob ni Paige kay Ethan ang mangako dito nang bagay na alam niya namang hindi niya magagampanan.Pawang kasinungalingan ang ginawa niyang paglalahad dito ng damdamin.Saksi siya sa paghihinagpis nito ng hindi tuparin ni Ethan ang pangako nito dito.He’s a great dullard! Hindi na dapat siya nangako dito! Ayaw niyang makapanakit ng babae ngunit sa huli’y baka iyon ang sapitin sakanya ni Paige.
He felt her huge determination nang sabihin nitong gusto nitong maging patas sakanya.Na kakalimutan na nitong tuluyan si Ethan.Habang siya’y nagpupursige upang mailayo ang loob nito kay Ethan dahil sa iyon ang plano niya.May parte ng kanyang sarili ang nahabag sa tiwalang binigay nito.Huwag naman sanang hilingin ng panahon ngunit kung sakaling magkabukuhan ay tiyak na kamumuhian siya ni Paige.
Hinawakan niya ang magkabilang sentido.Nasa Teresa siya at nakaupo sa isa sa mga wooden chair na permenenteng nakalagay doon.Ngayon niya lang lubusang naiisip ang mga ginawa.Napakalupit niya.Hindi siya dapat nagpadalos-dalos sa mga naging desisyon niya matapos ang naging pag-uusap nila ni Ethan.Malamang na nakabuo siya ng mas mabuting plano.Kung saan hindi niya masasaktan si Paige.
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)(EDITING)
RomanceBinilin ni Ethan sa noo'y labing pitong taong gulang na si Paige na siya ang dapat na maging boyfriend nito kapag tumuntong na ito ng eighteen. Wala naman iyong kaso sa dalaga dahil gaya ni Ethan ay may gusto din siya dito. Everything was planned bu...