Pinapasok si Paige ni Cecilia.Gusto niyang makausap si Aidan kaya siya nagtungo sa bahay ng mga ito.Patuloy pa din siyang naiintriga sa babaeng nakadaupang palad nang nakaraang araw.Kung ano ba talaga ang koneksyon nito kay Aidan.
Hindi niya iyon nagawang maitanong kay Aidan kahapon.Wala silang imikan nang ihatid siya nito kaya nailang siyang isingit ang usapan na iyon.Sa malas ay hindi din sila sabay na umuwi.May pupuntahan pa daw kasi ito.
"Kumain ka na muna Paige." yaya ni Cecilia na abala sa paghahain sa lamesa.
"Thank you po tita.Kumain na po ako ng dinner.Nandiyan po si Aidan?"
"Gano'n ba.Nasa kwarto niya.Puntahan mo nalang at tapos na din naman iyong kumain.Lagi kasing 'yong nauuna sa amin."
"Sige po."
Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang masalubong ang pababang si Juliano.
"Nandito ka pala Paige."
"Gusto ko lang po sanang makausap si Aidan."
"Bueno'y kumain ka na ba?"
"Tapos na po." Nagbigay ito ng sensyas kaya tumuloy na siya sa pag-akyat.
Alam niya kung nasaan ang silid ni Aidan.Katabi iyon ng kwarto ni Ethan sa ikalawang palapag ng bahay.
"Pasok." atas ng taong nasa loob matapos ang dalawang katok niya.
Naglabas siya ng banat na ngiti.Nakaupo ito sa kama at nanunuod ng telebisyon.Kinipot niya ang bibig ng hindi ito nag-abalang lingunin siya.
"Mukhang hindi maganda ang mood mo.Sige na.Uuwi na lang ako."
Nagmamadaling tumayo ito.Hinabol siya sa balak na paglabas.Nagdiwang siya sakanyang isip.Sabi na nga ba at pipigilan siya nito.Hindi siya nito matitiis.
"Ba't ba ganyan ang iniisip mo? why are you here?"
Hinarap niya ito.
"Pwede ba umupo muna tayo?” request niya.
Niyakag siya nito sa kama.
“Pwede din ba?---- pakipatay muna ng tv?”
He finally showed his city square of teeth.
“Okay.” pinindot nito ang power off button mula sa remote. “Bakit ka pumunta dito?”
“Kaibigan mo ba talaga ang Audrey na iyon? Nagpakilala siya sa’kin na kaibigan mo pero sa kilos mo nang makita siya parang hindi ako naniniwala doon.”
Naging seryoso ang awra nito.Naglakad patungo sa saradong bintana.
“Kapatid siya ng ex girlfriend ko.”
Natutop niya ang bibig.Kung gano’n nagsinungaling sakanya ang babaeng iyon.
“Totoo bang pinakita mo sakanya ang picture ko kaya kilala niya ako?”
Saglit na nag-isip si Aidan.Hindi niya maaaring sabihin kay Paige na dahil kay Ethan kung kaya nakilala ito ni Audrey.
“Yes I did.Gusto kong patunayan sakanya na nakalimutan ko na ang kapatid niya.At ikaw na ang talagang mahal ko.Ang totoo, gusto niyang balikan ko ang ate niya.”
“May balak ba siyang guluhin tayo?” nasindak si Paige sa sarili niyang tanong.
“Wala kang dapat na ipag-alala.Alam ko namang titigilan na niya ako.” He faced her. “Hanggat nasa tabi mo ako walang mangyayaring hindi maganda.” may seguridad na sabi nito.
Tumayo ito.Tinungo ang antique cabinet na kaharap ng kama.Kinuha mula sa sketcher ang isang kulay pulang kaha.Napako ang tingin ni Paige sa sunod nitong ginawa.He kneeled in front of her while he hand her the box.
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)(EDITING)
RomanceBinilin ni Ethan sa noo'y labing pitong taong gulang na si Paige na siya ang dapat na maging boyfriend nito kapag tumuntong na ito ng eighteen. Wala naman iyong kaso sa dalaga dahil gaya ni Ethan ay may gusto din siya dito. Everything was planned bu...