CHAPTER 9

2.5K 72 9
                                    

"Si Ethan? U-uuwi?" hindi makapaniwalang tanong ni Paige ng gabing tumawag si Aidan sakanilang bahay.

"Yes.He will be back tomorrow." matagal niya na ding hindi naririnig ang malayelo nitong boses maliban nalang sa mga oras na iyon.

"Thanks Lord!" masayang sasal niya.Isang linggo na mula ng gabing maglaho ito sakanyang party.Marahil ay nahimasmasan na ito.Siguro din ay magbabalik na ito sakanya.O di kaya’y babawiin nito ang mga kalokohang sinabi.At ibubulgar sakanya ang tunay na dahilan kung bakit siya nito basta na lamang ipinagtabuyan.Maging siya’y nagulat sa sarili kung bakit ganoon kapositibo ang naging takbo ng pag-iisip niya.Hindi niya dapat ikasiya ang pagbabalik ni Ethan.Niloko at pinaasa siya nito.Sa kabila niyon ay nananatili ang tiwala niya dito.Wala naman sigurong masama kung maging positibo ang pananaw niya.

"Thank you sa good news Aidan.Pupunta ako diyan bukas.Ipaghahanda ko siya ng pagkain."

"Paige.Nakalimutan mo na ba kung ano ang ginawa niya sa’yo para maging ganyan ang reaksyon mo? Na parang walang nangyari? I said forget him.Ginagawa mo ba ang sinabi ko sa’yo?”

Hindi niya ito nasagot.

“Tayo ang alam na magkasintahan ng mga magulang natin at hindi kayo ni Ethan.Huwag mo naman sanan iyong kalimutan." he revealed the displeasure on his tone.

"Paano kung balikan niya ako at bawiin niya lahat ng mga kalokohang sinabi niya? Ano ang sasabihin natin sakanila?"

"I'm sure he will not." puno ng kumpyansang wika nito.

"Pero Aidan......" there was a hint of grief on her pitch.

Narinig niya ang makailang ulit na pagbuga nito ng hangin. "Tanggapin mo na kasi.May iba na siyang mahal.Walang mangyayari kung patuloy kang aasa!" He said in highly voice.

Ipinagwalang bahala niya iyon.Naiintindihan niyang inaalala lamang nito ang kahahantungan ng napagkasunduan.Iniisip nito ang mga magulang nila.

"Hinahanda ko lang naman ang sarili ko." pagpapakumbaba niya.

"You're not Paige.Alam mo ba kung ano'ng tawag sa ginagawa mo? Pinaparusahan mo lang ang sarili mo.Accept it Paige.Hindi ka na mahal ni Ethan.Makinig kang mabuti.I'm here, okay? I'm here to help you.Kaya sana naman tulungan mo din ang sarili mo."

"P-pero paano nga kung balikan niya ako bukas?Na babawiin niya ang lahat ng sinabi niya?Na tutuparin na niya ang pangako niya?" pagpupumilit niya.Wala man ito sakanyang harapan batid niyang sobra itong nakukunsumi sakanya.

"Hindi kita pipilitin na maniwala.Ikaw na mismo ang sumaksi bukas na tama ang mga sinasabi ko."

"I'm sorry for being bullheaded." kapagkuwan ay wika niya.

"It's okay.I understand.You're just awfully inlove with my brother."

"Ano'ng oras siya darating?"

"Mga alas nuebe siguro nandito na siya."

"Okay.Thank you.Bye." at binaba na niya ang linya.

Nahinto sa bungad ng kusina si Paige nang marinig ang mga taong nag-uusap roon.Alas otso trenta siya nagpunta sa bahay nila Aidan mas maaga sa sinabi nitong oras.

"Okay lang ako ma.Huwag ka ng mag-alala sa'kin.Uuwi din naman ako paminsan-minsan.Gusto ko lang maging independent this time."

"Mag-iingat ka roon ha.Bakit ba kasi kailangan mo pang huminto sa pag-aaral?Wala naman kamong problema?"

"Ma, alam ninyo naman una pa lang na hindi ang tipo ko ang magsusunog ng kilay para mag-aral.Tamad talaga ako at tanggap ko 'yon.Ayokong masayang ang pera ninyo sa tuition na ibabayad ninyo.Gusto ko lang ipahinga ang utak ko.Next year papasok naman uli ako.”

Hindi siya nakatiis at nagpakita sa mga ito mula sa pader na pinagtaguan.

"Paige..." si Ethan na unang nakapansin sakanya dahil nakaharap ito sa direksyon niya.

May bitbit itong dalawang may kalakihang bag.Sa mga narinig alam na niyang lilisanin nito ang bahay.Bigla ang paninikip ng kanyang dibdib.

Nagpalipat lipat ang tingin sakanila ni Cecilia.Siya na puno ng kapanglawan habang si Ethan na nabitin ang pagbuka ng bibig.  "Oh Ija, nandito ka na pala." anito nang mapansin ang kumosyon sa pagitan nila. "Doon kayo sala at nang makapag-usap kayo." niyakag sila nito.

Tumakbo siya palabas nang sila na lamang ni Ethan ang naiwan.Sumunod ito.

"I'm sorry Paige."

Sorry? Nabibingi na siya.Kung hindi pangako ay puro paghingi naman ng tawad ang naririnig niya.

"Akala ko babawiin mo lahat ng mga kalokohang sinabi mo.Pero ano'ng ibig sabihin ng mga bag na dala mo?Bakit ka magpapakalayo?Si Hannah? Ang babaeng iyon ba ang dahilan?"

Simula ng sabihin sakanya ni Aidan ang pangalan ng babaeng pinagpalit sakanya ni Ethan ay hindi na iyon nawala sa isip niya.Waring nakatatak na ang pangalan nito sakanyang utak.

"Siya ang babaeng gusto ko."

Pinagsusuntok niya ito sa dibdib ng hindi manlang ito magdalawang isip sa ipinahayag.

"Hayop ka! Ang lakas ng loob mong sabihin sa'kin ‘yan na para bang gusto mo talaga akong masaktan!"

"Maayos ba ang pakikitungo sa'yo ni Aidan?" usal nito sa gitna ng mga braso niyang malakas na humahampas sa dibdib nito.

"Pagkatapos mong sabihing hindi mo na ako mahal may gana ka pang tanungin kung paano ako tratuhin ng kapatid mo? Bakit? kung sasabihin ko bang hindi maganda ang pakikitungo niya sa'kin babawiin mo ba lahat ng mga sinabi mo? Hindi din naman di'ba? Aalis ka pa din at iiwan mo pa din ako!  I hate you Ethan!"

"P-Paige....Paige....Tumigil ka na." Dinakma nito ang mga braso niya at pinag-isa ang mga iyon.Nanlalambot na siya kung kaya't hindi na siya nakahuma ng yakapin siya nito. "Kung posible man.Babalikan kita.Just give me time."

Kumawala siya dito.Pinalipad niya ang kamay sa pisngi nito.Pagkatapos nitong ipamukha sakanya na may iba na itong mahal ay may lakas ng loob pa itong magsabi na bigyan niya ito ng oras dahil posibleng balikan siya nito? He's an all in all conniver!

"Inuubos mo ba talaga ang pasensya ko? Akala mo ba maniniwala pa ko sa'yo?Mas mabuting huwag ka nang bumalik Ethan.Di hamak na mas repsonsable sa'yo si Aidan.At naniniwala akong darating ang araw na siya na ang mahal ko!" Tinalikuran niya ito at nagtuloy pauwi sakanila.

 ______

Nag-iwas ng tingin si Paige nang magtagpo ang mga mata nila ni Aidan.Kanina pa ito nasa kanilang bahay at hinihintay siya upang sabay silang pumasok.

"Bakit hindi ka pa nakabihis?Hindi ka ba papasok?"

Tumango siya. Tumayo ito at lumapit sakanya.

"Dahil ba yan sa naging pag-uusap ninyo ni Ethan kahapon?"

"Gano'n na nga."

Napailing ito.

"Hihintayin kita.Pumasok ka."

"Ayoko nga!" pagmamatigas niya.

"Isa Paige! Sigurado akong hindi mo gugustuhing makita akong magalit.Kaya sumunod ka na."

Nadala siya sa awtoridad sa tinig nito.Nagdadabog na umakyat siya upang maligo.

The Promise (COMPLETED)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon