CHAPTER 17

2.4K 51 2
                                    

Hindi mabura ang ngiti ni Paige dahil sa komedyanteng tito ni Aidan.Kung anu-ano ang kalokohang kwinento nito sakanya tungkol sa kabataan nito.Kasama na roon ang mga kapilyuhan nito noong nag-aaral ng highschool hanggang magkolehiyo.Humingi ito ng pasensya  dahil sa pagiging makulit nito.Masyado lang daw itong masaya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may ipinakilala ng nobya si Aidan.Maging ang mga tiyahin at iba pang kamag-anak ni Aidan gaya ng ilang pinsan at pamangkin ay malugod din ang pagtanggap sakanya.Nagagalak siya na masyado siyang welcome sa pamilya.

Tumambad sakanya ang manipis na kutson sa gilid ng katamtamang sukat ng kama matapos niyang pumasok sa silid na pinahiram sakanila ng lola ni Aidan.Kanina nang ipakita iyon sakanila ay sabay silang napangisi ni Aidan.Talagang naninigurado ang lola nito na matutulog sila ng magkahiwalay.

"Sa totoo lang, gusto kong tabi tayo matulog.Pero pinangunahan na ako ng lola." nakita niya mula sa bungad ng pinto ang nakaekis ang mga paa at kamay na binata.Nagpaalam siya sa mga kamag-anak nito na mauunang magpahinga.Alas dose na din naman kasi ng gabi.Hindi niya akalain na susunod ito sakanya.

"Masyadong sigurista ang lola Millie mo Aidan." she giggled.

Sinara nito ang pinto.Dahan-dahan itong humakbang palapit sakanya na may nanunudyong tingin.

"Pwede naman tayong magtabi.Nasa atin pa din naman ang desisyon." sinadya nitong gawing mapang-akit ang boses.

"T-tumigil ka nga.Mamaya mapagalitan pa tayo." nag-unahan sa pagtakbo ang kanyang dibdib dahil sa nanunuksong tingin nito.Hindi niya yata alam ang magiging reaksyon kung muli ay maglapat ang kanilang mga labi.Naku naman! Bakit iyon ba agad ang nasa isip niya?

"Gusto mo din pala ha." pagpapatuloy nito.

"Aidan?" kunwa'y hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.

Hindi ito kumibo.He maintain his derisive aspect.

Huminto ito sakanyang harapan.Unti-unting lumapit ang mukha.Ipinikit niya ang mga mata.Alam niyang hahalikan siya nito.She was shaking.Hindi dahil natatakot siya.Kundi dahil naaatat na siyang muling matikman ang mainam na halik nito.Idinilat niya ang isang mata dahil sa tagal ng pagdampi ng labi nito sakanya.Nakita niya itong nakalapag sa kama na hawak ang sikmura sa walang tunog na pagtawa.

Argh! Talaga naman!     

"Nahuhumaling ka na ba sa halik ko Paige? Aminin mo na kasi." he released the sound of his laughed. "Gusto mo na din ako hindi ba?"

Pinagpapalo niya ito. "Nakakainis ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka!” napapahiyang kastigo niya dito.

Hinila nito ang braso niya dahilan upang lumanding siya sa dibdib nito.Nagtagpo ang kanilang mga mata.

Kapwa sila naging pormal.

"You like me right?" anito.

Nacorner na siya.Handa na din naman siyang aminin dito ang tunay na nararamdaman.

Nahihiyang napatango siya.

His face was wrapped in surpise.Halatang hindi ito handa.

He grinned in listless.Kinabig siya nito. "That only proves that you're totally over with my brother.Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya, Paige. Sa wakas ako na ang gusto mo."

Napakaromantic ng mga oras na iyon.Animo'y may mga paru-parong nagliliparan sa paligid nila.

"S-sandali lang.Hindi ako makahinga." reklamo niya sa igting ng yapos nito.Natatawang bumaklas ito sakanya.

"I-I'm sorry." kinulong nito sa mga palad ang pares ng kanyang pisngi.Ramdam niya ang pagmamahal sa init ng kamay nito. "So? Tabi tayo matutulog?Wala namang masama.Mahal kita at ngayon sure ng mahal mo din ako.We’re officially on." may ilang bituin sa mga mata nito.

It was very nice to hear that they were officially lovers.

"Hmmm-----Basta ba, hindi mo ako yayakapin." mungkahi niya.

"Hindi ko masisigurado ang bagay na 'yan."

"Pwes....sa baba ka matutulog." Turo niya sa manipis na kutson na nakalatag.

"Sige na nga.Hindi na kita yayakapin.Sigurado naman akong ikaw ang yayakap sa'kin."

Tinampal niya ang braso nito.

"Ang Kapal ha!" nanggigil ang labi niya. "Hindi kita yayakapin no!"

"Ewan ko lang kung makatiis ka.Kung si Ha------." alertong sinara nito ang bibig.

"Ha? Sinong ha?"

Listong napaupo ito.

"Aidan?"

"Ayoko sanang banggitin pa sa'yo.But she's my------ex-girlfriend." bumuga ito ng hangin. "Her name was H-Hanikka."

Parang naumpog ang mukha niya sa pader.Sweet moment nila iyon pero nasa isip nito ang dating nobya.Masyadong unique ang pangalan nito.Parang pilit.

"Akala ko ba nakalimutan mo na siya?Bakit pinagkukumpara mo pa kami?Mahal mo pa din ba siya?" di maiwasang masaktan siya.Kakaamin niya pa lang dito na gusto niya din ito tapos ay bigla ang dagok na iyon.

"Nagkakamali ka Paige.There’s no reason for you to get jealous.It was an accident when I said her name.Hindi ko sinasadya.Naisip ko lang siya dahil malaki ang pinagkaiba ninyo.At iyon ang dahilan kung bakit minahal kita.You’re very different from her.”

“Sa dami ng pangalan ba’t kailangang sakanya pa?” maemosyon na reklamo niya.Binalya ang bed cover at tumayo.Sumunod ito.

"Narinig mo ba akong binanggit ko sa harap mo ang pangalan niya?” he was in blue. “Hanggat maaari iniiwasan ko naman dahil ayokong maghinala ka.Ito ang kinatatakutan ko.Kaya ayokong ibigay mo sa’kin ang buong tiwala mo.Napakababaw Paige para magalit ka.She was just part of my past.Can you just trust me?”

Bakit ba kasi napaka over acting niya? Binigyan niya agad ng masamang interpretasyon ang pagbanggit nito sa pangalan ng dating kasintahan.Naging parte ang Hanikka na iyon ng buhay nito.Hindi na malayong kung minsan ay maalala nito iyon sa ilang pagkakataon.Mahal niya ito kaya dapat lang na tanggapin niya ang nakaraan nito.Kung talagang malaki ang tiwala niya dito hindi dapat siya basta nagpapadala sakanyang emosyon.

"Okay kasalanan ko na." She enfolded him from the back. "Natatakot lang naman kasi ako.Lalo na ngayon, sigurado ko na sa sarili ko na gusto kita.”

Hinawakan nito ang mga kamay niya at pumihit paharap.

"Huwag mo akong pagkatiwalaan ng sobra.Magtira ka para sa sarili mo.We both like each other at sa ngayon iyon lang ang mahalaga para sa’kin.”

"Love is also about trusting.Siguro naman gaya ko nagtitiwala ka din sa’kin,”

“Ayokong masaktan ka.” daing nito.

“I won’t be hurt dahil hindi mo ‘yon gagawin.”

Maigi itong nakatitig sakanyang mukha.Waring gustong ibuka ang bibig ngunit hindi nito magawa.

“Just let me trust you.Pangako ito na ang huling beses ng pagiging mababaw ko.”

Nanatili itong pipi.Pinalubutan ng mga bisig nito ang kanyang likod.

The Promise (COMPLETED)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon