Dinulungan niya si Aidan nang maabutan itong lumampaso sa sahig.Kaharap nito ay ang binatang nanlilisik ang mga mata na tangan ng isang babae.Nakapalibot sakanila ang mga estudyanteng nakiki-usyoso sa tila action movie na nagaganap.
"Stop it! Ano ba!" ang babaeng pumipigil sa lalaking namumula sa galit ang mukha.
"Tama na! Ano ba'ng problema mo? bakit bigla ka nalang nanununtok!" aniya.Hindi niya alam ang dahilan ngunit parang gusto niyang bugbugin ang lalaking iyon dahil sa ginawa nito kay Aidan.
"I'm sorry Miss." Anang bababe na mukha namang sincere sa paghingi ng paumanhin. "Let's go.Umalis na tayo!" Mabuti at nagpatianod ang marahil galit na nobyo nito.
__
"Dahan-dahan lang." hiling ni Aidan ng lagyan niya ng band aid ang gasgas sa mukha nito.Tumanggi ito na magpunta sa clinic kaya siya na lamang ang gumamot dito.
"Ano ba kasing nangyari?Bakit ka sinuntok ng lalaking 'yon?"
"Wala iyon napagdiskitahan niya lang ako."
"Napagdiskitahan?" nagkaroon ng gatla ang kanyang noo. "Eh, parang gusto ka na niyang patayin!" paghihisterya niya.
"Naiinggit siguro sa kagwapuhan ko." Gusto niyang dagdagan ang pinsala nito.Nagngingitngit na siya ngunit nakuha pa nitong magbiro.
She frowned at him. "Hindi ka nakakatawa.Masakit ba?" aniya sa bahagi ng mukha nitong tinapalan niya. "Umuwi na tayo.Para magamot ko ng maayos ang sugat mo."
"Hindi ako mamatay sa bulilit na sugat kong ito." hawak nito sa mukha. "Kaya mo ba 'to ginagawa ay dahil iniisp mong ako si Ethan?"
Nabigla siya sa tinanong nito.Sa ikalawang pagkakataon ay muli nitong inungkat ang topic na iyon.Una ay noong tinulungan siya nitong magreview.
"Parang gano'n na nga." she lied.Ang totoo wala si Ethan sa isip niya ng mga oras na iyon at talagang nag-aalala siya para dito.Hindi niya lang gusto na mag-isip ito ng kung ano.
"Kaya ko na ang sarili ko." Tumayo ito.Humabol siya dito.
"Gagamutin kita." daing niya.Tumigil ito.He twisted to faced her.
"Binabawi ko na.Ayoko ng isiping mong ako si Ethan.Mas lalo ka lang mahihirapang makalimot kung ganyan ang gagawin mo."
"Ang totoo hindi ako nagsabi sa'yo ng totoo.Nag-aalala talaga ako sa'yo at wala sa isip ko si Ethan." pag-amin niya dahil sa nakitang pagkabahala sa mukha nito.
Na-amuse ito sa ipinahayag niya. "Bakit ka nagsinungaling."
"Ayokong mag-isip ka ng kung ano."
"At ano naman sa tingin mo ang iisipin ko?"
Pinilig niya ang ulo. "Wala naman.Hindi lang ako sana'y na ipinapakita ang pag-aalala ko.Except to Ethan."
Naglaho ang kislap sa mga mata nito.
"Sasabay ka ba sa'kin umuwi?"
"Oo.Kukunin ko lang 'yung bag ko sa room." naiwan niya iyon kanina dahil sa pagmamadaling mapuntahan ito.
"Make it fast.Gusto ko ng magpahinga." he said in nuisance.Pinagmasdan niya ito ng magsimula itong maglakad.Ayaw na niyang muling bumalik ang malamig na Aidan na nakilala niya noon.
"Magpapakasal?" hindi makapaniwalang tanong ni Aidan kay Ethan sa kabilang linya.Nalaman na ng mga magulang ni Hannah ang sitwasyon ng mga ito nang surpresang bumisita ang mga ito sa apartment na tinutuluyan ng dalaga.Isa lang ang gustong mangyari ng mga ito.Iyon ay ang pakasalan ni Ethan si Hannah.
"Congrats Ethan." pang-uuyam niya.Wala siyang mahugot na salita kung kaya't iyon lang ang nasabi niya.
"Hindi ako tumawag para batiin mo.Alam mong wala akong gusto sakanya.Gusto kong humingi sa'yo ng tulong kuya.Ano ang dapat kong gawin para hindi matuloy ang kasal?"
Malupit niyang nakagat ang labi.Kung nasa harap niya lamang ito ay malamang na nabigyan niya na ito ng isang malakas na punch sa mukha.
"Wala ng ibang paraan Ethan.Mas mabuting harapin mo ang responsibilidad mo!" nagpupuyos sa galit na singhal niya.
"Hindi pwede.Babalikan ko si Paige.Hihintayin kong lang na maisilang ni Hannah ang anak namin.T-tapos----ipapaliwanag ko ang lahat kay Paige.Mahal niya ako kaya alam kong matatanggap niya muli ako.Nararamdaman ko iyon."
"Hindi kita mapapayagang iwanan si Hannah kaya huwag ka nang magtangka pa." mabanganib ang tono niya.
"Patawad kuya.Pero hindi mo ako mapipigilan sa gusto kong mangyari.Mahirap kalabanin ang sarili mong damdamin.Balikan mo si Hannah nararamdaman kong mahal mo pa din siya.Ibalik natin ang dati.Hindi naman siguro makakasagabal ang isang sanggol para mabalik natin sa ayos ang lahat."
"Pagkatapos may mangyari sa inyo may lakas ng loob ka pang magsalita ng ganyan?" He dispatched the clog on his gorge. "Papabayaan mo siya dahil ano? Dahil nakuha mo na sakanya ang gusto mo?Hindi na ako magtataka kung gaya ng ginawa mo kay Hannah ay gano'n din ang gawin mo kay Paige.I won't let you hurt two women at the same time." Pinakaayaw niya sa lahat ay makakita ng babaeng nasasaktan.Kahit napopoot siya noon kay Paige ay kadalasang hindi niya pa din ito natitiis sa pagpupumilit nitong ilabas niya si Ethan.Lalo na noong mga panahong magsimulang maging malayo ang loob dito ni Ethan.Tipong magmamakaawa ito makausap lamang si Ethan.
Isa pang halimbawa ay nang mabugbog siya kahapon.Naabutan niyang hindi maganda ang pag-uusap ng dalawang bultong kanyang nadaanan.Hindi siya nakapagpigil nang makitang akmang sasampalin ng lalaki ang babaeng kaharap.Pumagitna siya sa mga ito.May ilan pa siyang sinabi na siyang ikinainit ng ulo ng lalaki kaya siya nito napagbuhatan ng kamay.Ngunit hangal ang babaeng iyon dahil mas pinili pa din nito ang manatili sa tabi ng sadistang nobyo.
"Akala mo ba hindi mo nasasaktan si Hannah sa mga ginagawa mo?Hindi ako ang nananakit sakanya kundi ikaw Aidan!" hiyaw nito.
Napantig siya sa kawalang galang nito.
"Oh, you omitted your manner on how you called me Ethan." nasuya siya. "Ganyan ka ba ka determinado na iwanan si Hannah at bumalik kay Paige? Let me tell you this.Hindi mangyayari ang gusto mo.Itatak mo 'yan sa kukote mo!"
Mabilis niyang binaba ang linya.Kailangan niyang makaisip ng paraaan upang hindi ito magtagumpay sa balak.Kilala niya ito.Kapag ginusto nito ang isang bagay gagawa at gagawa ito ng paraan para umayon dito ang nais.Kailangang magtagumpay siya na makalimutan na itong tuluyan ni Paige.
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)(EDITING)
RomantikBinilin ni Ethan sa noo'y labing pitong taong gulang na si Paige na siya ang dapat na maging boyfriend nito kapag tumuntong na ito ng eighteen. Wala naman iyong kaso sa dalaga dahil gaya ni Ethan ay may gusto din siya dito. Everything was planned bu...