CHAPTER 16

2.5K 56 2
                                    

Napako ang tingin ni Paige sa maming isinalin sa mangkok.Hindi niya akalain na matutupad ang hinihiling kanina bago pa man dumating si Aidan.Nang tawagan siya nito at sabihing dadaan sakanilang bahay ay dinasal niyang sana ang paborito niyang mami ang ipasalubong nito sakanya.Siguro’y may oras na pareho ang nasa isip nila.Ilang minuto pa lang itong wala sakanyang paningin ngunit gusto na niya agad itong makita.Siya din kaya ang iniisip nito ng mga oras na iyon? Na gaya niya ay namimiss na din siya nito?

“Wow! Mami.Penge ako ate.” pinalo niya ang kamay ni Lemiry na dapat sanang hahawakan ang bowl. “Oh, bakit nagdadamot ka? Lagi mo naman mo naman sa’king shi-neshare ang pagkain na dala ni kuya Aidan, ha.Sakanya galing ‘yan hindi ba?”

“Spesyal ‘to.Favorite ko ‘to kaya hindi na muna kita papartihan.”

“Favorite ko din naman ‘yan.Penge ako.”

“Sagutin mo muna nag itatanong ko sa’yo.”

Hinila nito ang upuan sa tabi niya. “Ano naman ‘yon?”

“Hindi ba’t normal lang na kapag mahal o gusto mo ang isang tao mabilis mo siyang mamiss?”

“Oo naman!” singhal nito. “Pang’tangang tanong ‘yan ate.Bakit hindi mo ba nararamdaman ‘yan sa kuya Aidan?Boyfriend mo siya.Mahal mo siya.Kaya siguradong nararamdaman mo ‘yan.”

Binatukan niya ito. “Makapagsabi ka ng tanga.Eh, mas matalino pa nga ako sa’yo.”

Hinimas nito ang ulo. “E, napakanonsense naman kasi ng tanong mo.Kahit sino alam ang sagot diyan.”

“Kumuha ka ng lalagyan.Hahatian kita.”

Nagliwanag ang mukha nito. “Sandali lang!” dali dali itong kumuha ng mangkok.Naipilig niya na lamang ang ulo.Siguro nga’y tumatalab na sakanya ang charm ni Aidan.

Matarik ang daan na tinatahak nila.Niyaya siya ni Aidan na magtungo sa Sagada.Gusto daw siya nitong ipakilala sa lola at lolo nito at sa ibang pang kamag-anak sa side ng ama nito.Dalawang araw lang ang pahinga nito sa graduation rehearsal.Gusto nitong idaos iyon kasama siya.

Huminto ang kanilang sinasakyan sa mabundok na parte na iyon ng probinsya.Pulos mga matatayog na puno ang makikita na tinatabunan ang ilang malilit na kabahayan.

Inalayayan siya nitong bumaba sa sasakyan na hiniram nito sa mga magulang.

"Aidan?" kumpirma ng matandang babae na papalapit sakanila.Sa tantsa niya'y nasa sitenta'y singko o sais na ang edad nito.

"Ako nga po." Masuyong sagot ng binatang katabi.Nananabik na niyapos nito ang marahil lola nito.

"Iyan na ba ang apo natin?" ang matandang lalaki na nakasunod dito.

"Lo." sunod itong niyakap ni Aidan.Nang matapos ang mahabag damdamin na pagkikita ng mga  ito ay bumalik sakanyang tabi si Aidan.Pinatong nito ang braso sakanyang balikat.

"She’s Pamella Ivy Generosa.Girlfriend ko po."

"Hello po." masayang bati niya sa mga ito.

Nasorpresa siya ng dakmain ng matandang babae ang pares ng kanyang pisngi. "Napakaganda mo ija.Alam mo bang Ikaw ang unang babaeng ipinakilala sa amin ni Aidan.Kaya nararamdaman kong napakaespesyal mo sa apo ko."

Lingid sa kaalaman niya na kapag ikaw ang unang babaeng ipinakilala ng isang lalaki sa mga taong mahalaga sa buhay nito ay seryoso ito sa pag-ibig nito para sa'yo.That means Aidan was serious regarding her.Ayi ! Kinikilig siya.

"Mahal mo ba talaga ang apo ko? Mamaya lokohin mo lang siya." ang lolo nito nang bitawan ng matandang babae ang kanyang pisngi.Kung gisahin siya nito ay parang babae si Aidan at siya ang lalaki.

The Promise (COMPLETED)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon