"Paige, bilisan mo diyan at kanina pa naiinip si Ethan kahihintay sa'yo sa baba." Ani Monica ang mommy ni Paige mula sa labas ng kanyang silid.
"Okay mom.Baba na po ako pakisabi sakanya."
Hindi na ito nagkomento.Kahit hindi niya ito nakikita alam niyang nakunsumi niya na naman ito ng umagang iyon.Matagal siyang mag-ayos dahil pirmi niyang sinisigurado na magiging kahanga-hanga siya sa tuwing susunduin ng kanyang future boyfriend na si Ethan.At galit ang ina sa ganoong sistema niya.Ayaw kasi nitong nakakakita sakanya si Ethan ng negative side niya.Sa makatuwid ay gusto nitong maging perpekto siya sa harap ng binata.
Hindi niya mapangalanan kung anong klaseng relasyon mayroon sila ni Ethan.They became best of friends since she was eight and Ethan was ten.Magkumare at kumpare ang kanilang mga magulang.Sila ang pirming pinagtatambal ng mga ito dahil sila ang magsing edad sa anak ng mga ito.Si Ethan na may nag-iisang kapatid, ang kuya Aidan nito na hindi niya gusto ang ugali.Masungit ito at pirmi ay tinatago sakanya si Ethan sa tuwing pupuntahan at hahanapin niya ito sa bahay ng mga ito.Siya nama'y may isa ding nakababatang kapatid sa katauhan ni Lemiry.Dalawang taon lang ang tanda niya dito kaya malapit ang loob niya dito.
Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas nang aminin sakanya ni Ethan ang matagal na nitong tinatagong pagtingin sakanya.Nakakuha naman ito ng parehong sagot sakanya dahil gaya nito ay gusto niya din ito.Nangako ito na kapag dumating ang ikalabing walong kaarawan niya ay pormal na silang magiging magkasintahan.At pinanghahawakan niya ang pangako nitong iyon.
Pinunasan niya ang kahuli-hulihang pulbong namuo sakanyang mukha.Kinuha niya ang bag na nakasabit sa likod ng pinto at lumabas.
"Ethan." tawag niya sa nakatungong binata.Mukha pa yatang nakatulog ito.Kinusot ang mata bago diretso siyang pinasadahan ng tingin.
"Buti naman natapos ka na.Let's go." Tumayo ito.Humabol siya sa likuran nito at pinigilan ang braso nito.
"Eto naman, parang hindi ka na nasanay sa akin.Bakit ba kasi ang aga mong pumunta?Alam mo namang mabagal akong kumilos di’ba?di sana’y hindi ka nainip at hindi ka naiinis sa'kin ngayon."
Nilingon siya nito.Hinawakan ang magkabilang dulo ng kanyang balikat.
"Hindi ako naiinis sa'yo at kailanman hindi ko magagawang mainis sa'yo.You know how much I love you and I promise that I'll wait for you?Hindi ko iyon inaalis sa sistema ko.Kaya kahit ubos na ang pasensya ko sa'yo hindi ko pa rin magagawang mabwisit sa babaeng itinitibok ng puso ko."
Napangiti siya sa mga sinabi nito.Ethan never failed to show how much he love her.At damang dama niya iyon sa kilos at pananalita nito.
"Hahawakan ko yang pangako mo.Pati nga ang mommy gusto nang paliparin ang oras at araw nang dumating na ang eighteenth birthday ko at opisyal na tayong maging mag-on.Sana lang makauwi ang daddy sa debut ko." naging matamlay ang tinig niya sa huli.Tatlong taon ng nasa Dubai ang kanyang ama bilang isang enhinyero.Wala pa itong binibitawang salita sakanya kung makakauwi ito sa kanyang kaarawan.Kaya hindi maiwasan na malungkot siya.
"Paige, kung hindi man makakauwi ang tito, just understand him.Nagtatrabaho siya para sa inyo at mahirap iwanan ang napakalaking obligasyon niya roon.Alam naman nating hindi pa end ng contract niya.Masasayang lang ang pera kung sakaling umuwi siya dito.Iniisip din siyempre ng daddy mo na mas mabuting ipadala nalang sa’yo ang ipapamasahe niya para ipandadagdag sa mga gagastusin sa birthday mo.Sa huli’y ikaw pa din ang iniisip niya.” paliwanag nito.
“Iba kasi ang debut Ethan----Spesyal iyon at----.”
“Naroon na tayo Paige.Pero isipin mo din ang sitwasyon ng tito Ernesto.Siguradong gusto din niya na makapunta sa birthday mo.Pero mas iniisip niya ang masasayang na pera para sa ilang araw lang na pag-uwi niya dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/5021874-288-k298740.jpg)
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)(EDITING)
Storie d'amoreBinilin ni Ethan sa noo'y labing pitong taong gulang na si Paige na siya ang dapat na maging boyfriend nito kapag tumuntong na ito ng eighteen. Wala naman iyong kaso sa dalaga dahil gaya ni Ethan ay may gusto din siya dito. Everything was planned bu...