Linggo ng ala syete ng gabi.Iyon ang nakatakdang oras para sa ikalabing walong kaarawan ni Paige.Mainit pa ang sikat ng araw nang simulan siyang ayusan ng make up artist na inupahan ng kanyang ina.Wala sa nalalapit niyang selebrasyon ang kanyang isip.Kundi sa huling pag-uusap nila ni Ethan.Bahag ang kanyang buntot sa mga posibleng aminin nito sakanya sa araw na iyon.
Inalalayan siya ng mga tao roon ng suotin niya ang strapless pick up gown.
"You look alluring anak." puri ni Monica sakanya na hinawi ang ilang maliit na hibla ng kanyang buhok na dumampi sakanyang pisngi.Ito ang namili ng kanyang dazzling large curl ponytail hairstyle.Bagay daw kasi iyon sa brilyanteng hugis ng kanyang mukha.
Alanganin siyang ngumiti dito.Sa kabila ng sinabi nito ay hindi niya magawang magsaya.
"Thank you mom."
"Tumawag sa'kin ang tita Cecillia mo.Kanina pa daw sila naroon sa forbes.Sila na ang bahala sa mga gagawin at kakailanganin roon.Tingnan mo naman kung gaano ka nila sinusuportahan.They love you so much anak.Siguradong naaatat na si Ethan na makita ka." ligalig na sabi nito na ngitian ang baklang nag-aayos sakanya.
Matapos niyon ay sinuot nito sakanya ang ruby neklace na siyang ipinamana sakanya ng mga magulang ni Ethan.Hinawakan niya ang batong palawit.Waring doon siya humuhugot ng lakas.
_________
Madilim ang buong venue.Sinadya iyon habang hindi pa lumalabas ang birthday celebrant.Nang magsalita ang MC ay bumukas ang ilang ilaw ngunit hindi naman iyon nagpaliwang sa kabuuan ng bukas na tanghalan.Nagpalakpakan ang mga tao ng tawagin ang pangalan ni Paige.Bumukas ang ilaw kung saan ito lalabas.Lahat ay excited nang makita siya.
Nagniningning ang kagandahan ni Paige ng sumentro sakanya ang puting liwanag.Lahat ng kanyang mga panauhin ay napagmasdan ang nakakasilaw niyang karikitan.Nagpalakpakan ang mga ito.
Pinilit niyang maglabas ng banat na ngiti.Naupo siya sa tila karwahe ni Cinderella na naghihintay sa gitna ng entablado sa salin ng kantang One song ni Joshua Kadison.Hinagilap ng kanyang mata si Ethan mula sa malabong liwanag ngunit bigo siyang makita ito.Susuko na sana siya kung hindi lang napukaw ng lakaking tumakbo palabas ang kanyang atensyon.Maging ang ilang taong naroon ay hinabol ito ng tingin.
Sinundan niya ang papalayong bulto ng lalaki.Hindi siya maaaring magkamali.Hindi pa siya nagmintis sa pagkilala sa lalaking gusto.Si Ethan iyon! Ano'ng dahilan bakit ito tumakbo palabas?Ayaw ba siya nitong makita kaya sa mismong paglabas niya pa ito umalis?Napuno ng pangamba ang kanyang dibdib.Hindi niya kayang umupo na lang roon at pagmasdan ito na papalayo sakanya.Paano kung hindi na ito bumalik?Paano na ang pangako nito sakanya?Binitbit niya ang mayabong na bestida at hinabol ito.Nagulat ang lahat sa ginawa niya.
Inikot niya ang paningin ng makalabas.Nakita niya itong nakatalikod sa direksyon niya ilang hakbang ang layo sakanya.Nakabaluktot ang katawan nito at hibla na lamang ay dadampi na ang puwitan nito sa lupa.Umiiyak ba ito? Tila grabe ang paghihingpis nito.Hindi nga siya nagkamali.Nang tuluyang makalapit ay malakas niyang narinig ang hagulgol nito.
"E-ethan?" Nanginig ang boses niya.
Nabigla siya nang umikot ito at kinabig siya sa bandang hita.Sa itsura'y dadampi na ang labi nito sakanyang tuhod.
"I'm sorry Paige.Ayokong saktan ka pero---pero hindi ko na matutupad ang mga pinangako ko sa'yo.Patawad Paige." mas lalong humigpit ang yakap nito sakanyang paa.
Nalilitong binabaan niya ito.Hindi niya gustong paniwalaan ang mga narinig.Ano ba'ng kalokohan ang sinsabi nito?
"Ano bang biro yan?Hindi nakakatuwa Ethan."
![](https://img.wattpad.com/cover/5021874-288-k298740.jpg)
BINABASA MO ANG
The Promise (COMPLETED)(EDITING)
RomanceBinilin ni Ethan sa noo'y labing pitong taong gulang na si Paige na siya ang dapat na maging boyfriend nito kapag tumuntong na ito ng eighteen. Wala naman iyong kaso sa dalaga dahil gaya ni Ethan ay may gusto din siya dito. Everything was planned bu...