***
Scarlette's POV
Nandito kaming dalawa ngayon ni Sehun sa guidance office. Nakaupo lang kami at hindi nagiimikan. It was awkward lalo na nang malaman ko na sila pala yung dati kong friends sa Korea. Amazing right? Puro lalaki friends ko dati.
Hindi naman kasi ako yung type na friendly kaya walang nakikipagkaibigan sakin. Then one day, nagkita kami sa isang playground. Nung una nahihirapan silang iapproach ako dahil ang taray ko daw tignan.
No one's POV
Flashback
"Uyy, Suho hyung tignan mo yung batang babae oh, nakakatakot siya." Sumbong ng batang Chanyeol sa kanyang hyung.
"Sinong babae?" Tanong naman ng chismosong bata na si Baekhyun.
"Ayun oh." Turo naman ng batang Chanyeol. "Oo nga, nakakatakot siya, parang mangangain!" Takot na sabi ng chismosong bata.
"Chanyeol, alam kong friendly ka pero wag mo na ako idamay diyan." Sabi ni Leader Suho Hyung at nag walkout na.
Kasalukuyang naglalaro ang isang dosenang mga batang kalalakihan sa isang playground malapit sa kanilang subdivision.
Si Chen, Baekhyun at Chanyeol ay busy sa paguusap tungkol sa batang babae.
Habang si Suho naman ay umalis na sa pwesto niya kanina dahil nandoon na ang makukulit sa kanilang barkada at wala siyang balak makipag tsismisan sa tatlo.
Si Xiumin at Luhan naman ay tuwang tuwa sa slide sa plauground.
Si Lay at Kris naman ay natutulog lamang sa kanilang nilatag na sapin.
Si Kai naman ay nakikipaglandian.. este.. nakikipagusap sa mga batang babae na kakakita lamang niya kanina.
Si Tao at Sehun ay nakapirmi lamang sa isang gilid dahil hindi maganda ang timpla nila ngayon.
Si Dyo naman ay busy sa paggawa ng sandwich para sa kanyang mga kasama.
"Hyung, lapitan kaya natin yung babae, baka may problema siya." Sabi ng batang Chanyeol.
"Ayoko nga! Ikaw na lang lumapit kung gusto mo! Diba Chen?" Sagot naman ng Chismosong bata na si Baekhyun.
"Dinadamay mo pa ako sa kabaklaan mo hyung! Lalapitan mo lang naman, natatakot ka pa! Hahaha!" Sagot naman ng mapangasar na si Chen. Nakitawa din naman si Yeol at si Baek na hindi na maipinta ang mukha.
Nakarinig ang batang babae ng malalakas na tawa. Tinignan niya ang buong paligid. Nakita niya ang tatlong lalaki na tumatawa ng malakas malapit sa pwesto niya.
Walang takot na nilapitan niya ito.
"OMO~ Palapit na siya satin!" Sabay sabay na sabi ng tatlo. Nagpapanic na sila dahil mukhang nangangain talaga ang batang babae na lumalapit sa kanila. "Eotteokhae?! Eotteokhae?!"
"You!" Turo ng batang babae sa tatlo. Napaturo naman sila sa kanilang sarili. "Yes the three of you! Who told you to laugh?! Alam niyo bang nakakainis yang tawa niyo?! God! How can you laugh like that?! Hindi kayo pwede tumawa dahil malungkot ako! Ugh, these idio-" Naputol naman sa pagsasalita ang babae dahil may humawak sa kanyang balikat.
"Bago mo sabihin na idiot ang mga kaibigan ko, ayusin mo muna yang ugali mo. Alam mo nakakapikon ka. Hindi ba porket di ka masaya hindi na rin sila pwede maging masaya? Ang selfish mo po." Mahabang sabi ng bata na si...
"Wow! Ang galing ng maknae natin!"
"Daebak! Pano mo nagawa yun?"
" Ang astig mo maknae! Natatakot na talaga ako kanina eh. Hahaha!"
Tila hindi nakasagot ang batang babae at napatulala kay batang Sehun. Ngayon lang niya naranasan na hindi makaganti ng sagot sa kausap. Dati rati, palagi siyang may baon na pangasar pero ngayon ay para bang naubusan siya.
"Guys, kain na!! Tawagin niyo na yung iba." Tawag ni batang Dyo sa kanyang mga kasama.
Nagunahan naman ang beagle line sa kanilang pwesto at naiwan sina Scar at Sehun.
"Tho, wala ka bang thathabihin?" Nagulat naman ang batang babae sa pananalita ng kanyang kausap.
'Huh? Bulol pala to?' Isip ng batang babae.
"Uhm...... Sorry?" Di pa siguradong sagot ng batang babae.
"Di ka pa thigurado tha thagot mo! Pero thige, bati na tayo bathta magthorry ka kila hyung. Thehun nga pala pangalan ko." Pakilala ni Thehun ay este! Sehun pala sa batang babae. Inilahad ni Sehun ang kanyang kamay.
Kinuha naman ito ng kanyang kausap.
"Scarlette. Nice meeting you Thehun." Pagpapakilala rin ni Scarlette.
"Thehun not Thehun." Inis na sabi ni Sehun.
"Uhh Thehun right?"
"Tthk!(Tsk)!"
Lumapit naman si Tao kila Sehun at Scar. "Sehun! Tara na, kakain na daw sabi Dyo!" Tawag ni Tao kay Sehun. "Sama mo na rin yang new friend mo." Dugtong pa niya.
'Ahh. So Sehun pala name niya kala ko Thehun =_=' Isip ni Scar.
Nahiya naman si Scarlette dahil hindi pa nga raw siya kilala ng mga kaibigan ni Sehun. Ngayon lang niya naranasan mahiya. Kung dati ay tatarayan lamang niya ang mga kumakausap sa kanya ngayon ay pumapayag na siya makipagusap sa iba.
Nakisalo na lang siya sa iba para mabawasan naman ang pagkainis niya sa kanyang mga pinsan.
END OF FLASHBACK
Scarlette's POV
"Huy!" Nagulat ako nang biglang magsalita si Sehun. Pinalo ko siya sa braso.
"Ano ba? Wala ka bang magawa sa buhay mo?" Mataray na sagot ko sa kaniya.
"Bat ka kathi tulala? Kanina pa ako nagthathalita dito di ka naman pala nakikinig." Napairap na lang ako sa sinabi niya.
"Hanggang ngayon bulol ka pa rin? Wow. Hahaha" Nag sad face naman siya.
"Grabe ka pa rin mangathar! Di ka na nagbago!" Natawa naman ako lalo nung narinig ko na naman yung 's' niya.
"I hate you!" Hanggang ngayon pikon pa rin siya. Haaaaay.
***
Please Vote and Comment!
Kamsa~
BINABASA MO ANG
My Queen (REVISING)
Hayran KurguS E H U N F A N F I C T I O N E X O C O L L E C T I O N S T O R I E S A L L R I G H T S R E S E R V E D