MAGDA'S SECRETS

1K 29 0
                                    


So on this part, I'm gonna tell you guys the secrets of this story. So kung ikaw nag-skip agad sa part na ito, bahala ka sa buhay mo. May oras ka pa para bumalik sa prologue at simulang basahin ang story. Go!

Alright. Eto na.

Secret #1

TITLE.

Kung mapapansin niyo, capitalized ang lahat ng letter sa TITLE. Hindi 'yan trip lang na basta ko na lang ginawang ganyan. I have a reason for doing so. 'Yon ay dahil ang bawat letter sa 'MAGDA' ay initials ng pangalan ng mga bida.

M-aureen.

A-ndrea.

G-race.

D-ebbielyn.

A-lena.

Kaya kung napansin niyo sa story ay hindi ko binubuo ang pangalan ng ilan sa mga characters tulad ni Maureen-ginawa kong Reen para maitago ang initial niyang 'M'. At ni Andrea-ginawa kong Drea.

Actually, isa 'yan sa pinakamalaking sikreto ng story. 'Yan talaga ang pinagbasehan ko ng plot, so kung nadiskubre mo agad 'yon, CONGRATULATIONS!!! Isa kang keen observer. lol.

Secret #2

TWINS.

Yup! Kambal si Magda at Alena. So kung pagsasamahin, magiging MAGDALENA. Ayun, parang tanga lang. Sorry na po. -.-

And yes, it's just a story about JELOUSY between the two. And obviously, si Alena ang selosa.

Ngayon alam niyo na? Hindi por que siya ang nasimulan niyong character, siya na ang bida at mabait. Kaya kung magba-backread kayo sa first chapter, inis na inis si Debbie kay Alena kasi hindi nito matanggap na mas demonya sa kanya si Alena. Totoo. Demonyita talaga siya. Si Magda po ang bida dito. Si Magda. Ayun. lol.

Secret #3

PICTURE.

About dun sa picture. Ang nakalagay sa likod ay '-MAGDA' 'di ba? So ang iisipin niyo na ang nagpadala niyon at ang nasa likod ng pagpatay ay si Magda. But wrong. Very wrong. Si Rita. Siya ang nagpadala ng lahat ng iyon at siya ang pumatay sa mga kaibigan ni Alena. Ginamit niya ang Secret #1. Matalinong babae ano po? At sino nga naman ang mag-aakala na ang mga initials nila ay nakabuo ng pangalang MAGDA na siyang pinagtangkaan din nila ang buhay noon? BWAHAHAHA!!!

Anyway, si Rita nga ang nasa likod ng mga pagpatay. Siya iyong misteryosong tao na nakabunggo ni Reen sa cafeteria, naalala niyo? Siya rin ang laging nakakausap ni Alena sa telepono. Buhay siya okay? Buhay na buhay. Kahit pa sa ending ng prologue ay iisipin mong patay na siya. Pero nangyayari talaga ang milagro. She's the proof. NEEEXT!

Secret #4

PICTURE (again)

Kung ano ang hitsura mo sa litrato, yun ang magiging pagkamatay mo.

Ito rin ang isa pa sa pinaka importanteng bagay sa story. Naiisip ko lang kasi, gasgas na yung nakakatanggap ng chain message na nagsasabi ng paraan ng pagkamatay ng isang tauhan na makakatanggap niyon, pati yung letter mula sa killer. So naisip ko, litrato naman para maiba. So anong masasabi niyo? Oks ba? *taas baba kilay*

Secret #5

ABOUT Magda

Obviously, hindi siya patay, taliwas sa iniisip ni Rita na bestfriend niya at si Alena na kakambal niya.

Marahil iniisip niyo na ngayon, siguro kung nagpakita si Magda kay Rita noong maaga pa, baka hindi na umabot sa puntong papatay pa si Rita.

But no.

Hindi rin.

Kahit siguro nagpakita si Magda kay Rita at pigilan niya ito sa pagpatay sa kakambal niya, baka hindi rin ito tumigil. Remember, pinagtangkaan din nila Alena ang buhay niya kaya may karapatan siyang gumanti.

Again, mabuting tao po si ate Magda niyo. Lol. Pero totoo. Hindi niya nga kayang patayin ang kakambal niya 'di ba? Oo pinahirapan niya noong una pero, sa huli pinatay niya pa rin. De joke lang. Haha! (Sabi ko sa inyo hindi ako mysterry/thriller writer e. Balik na lang ako sa humor. XD) Iniligtas niya ang kakambal niya. Ang kaso itong si Ate Alena mo ay very bad talaga, ayun, tigok. Imbes na ligtas na siya eh. Haha! Anyway, sorry pala kung gano'n lang yung pagkamatay ni Alena ha? Alam ko in-expect niyo na magiging madugo, brutal, nakakadiri pero hindi ganoon ang nangyari. Kasi nga hindi naman iyon kayang gawin ni Magda dahil nga good girl si Ate. Ewan ko ba diyan kay Magda masyadong mabait! XP

Secret #6

ABOUT Magda (ulit. XD)

Hindi ko rin alam kung saan siya nagpunta noong mga oras na wala siya. Kung tutuusin nga pwede naman siyang magsumbong sa pulis o sa nanay niya pero hindi niya ginawa. Siguro dahil gusto niya rin gumanti sa kakambal. Si ba naman kasi ang hindi mag-iisip ng paghihiganti kung sobra sobrang pahirap ang ginawa sa'yo ng sarili mong kakambal 'di ba? But then again, mabait siya. Mabait. Mabait. Mabait.

Saan siya pumunta? Sabihin na lang natin na pinagamot niya ang sarili niya.

Sabi ko sa inyo, may mga butas ang story na ito. Sorry na. First time ko po kasi magsulat ng mystery/thriller story eh. Mapapatawad mo pa ba ako? Lmfao.

SO AYUUUN!!!

Hanggang dito na lang! Kung may mga katanungan kayo about story, wala ako. Tulog. Umalis. Naglalaba. Haha! Joke lang po. Don't hesitate to ask. Sa comment box na lang po okay?

NOTE: May susunod pa dito. Ihanda ang sarili. Bwahahaha!

-----***-----


MAGDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon