Chapter 1 (PROLOGUE)

480 8 2
                                    

Jane's POV

--CAFETERIA--

"Ano ba yan nakakatamad ng pumasok!" Janella


Janella Salvador. Siya ang Best Friend ko. Madaldal yan at maarte kung magsalita. Kalog at mabait. May ari sila ng ilang malls dito sa pilipinas.


"Eh bakit pumasok ka pa? Uwi na!" Liza


Liza Soberano. Kaibigan ko. Siya ang pinakamaganda, matangkad at sexy sa amin lahat. Maraming manliligaw pero walang sinasagot di daw kasi niya type. Ang type daw kasi nya ay yung artistahin ang peys. Haha. May ari sila ng ilang resort dito.



"Baka kasi pwede yan umabsent. Alam mo naman strict sila tita hahaha!" Julia


Julia Barreto. Bongga kung pumorma. Marami rin nakapila dyan pero wala pa raw sa isip nya ang pumasok sa isang relasyon. Pero maraming crush yan. May ari naman sila ng ilang sikat na hotel dito sa pilipinas hanggang sa ibang bansa. Siya ang pinakamayaman sa amin lahat.



"At saka malapit na rin naman magbakasyon eh. Christmas vacation nga lang. Haha" ako


Syempre kakalimutan ko ba ang sarili ko? No way! Ako si Jane Oineza. Simple lang naman ako. Hindi ako palaayos ng sarili. Ayoko rin magsuot ng mga dress o ng iba pang damit na pang girl na girl. Pants at t-shirt lang ayos na. Mahilig din ako magbasa ng mga libro. Kaya sa kwarto ko punong puno ng libro. May ari naman kami ng mga ilang restaurant dito pati na rin sa ibang bansa. Kaya ang mga parents ko busy sa pagpapakayaman sa ibang bansa. Minsan pag bakasyon pinapupunta nila ako dun. Lumaki akong kasama ang mga katulong lang namin. Mabait naman sila eh.



"Kahit na no! Tss! Omggg itago niyo ko!" Janella



"Huh?" sabay sabay namin tanong kay Janella.



"Itago niyo ko!" sigaw niya habang natataranta kung san pupunta.



Nakita ko naman na papasok na dito sa cafeteria si Jerome and the gang! Jerome Ponce. Sikat. Artista/Modelo/CRUSH NG BAYAN! Kasama rin sila Marlo, Enrique, Inigo at Diego. Lahat sila mga sikat dahil sa artista nga sila.



"Aish! Ang sakit ah!" narinig namin sigaw ni Sofia. Nabunggo pala siya nung isa sa mga sikat. Diego.



"Sorry ms?" Diego



"Ms mong mukha mo! Tabi nga!" Sofia


Sofia Andres. Matapang, palaban hindi ka uurungan niya. HOT! Pero syempre mabait. Lahat naman kami mababait hahaha! Allergic daw sya sa boys kasi nga sasaktan lang daw sya nun. Wehhh! May ari naman sila ng ilang airlines dito. Kaya kahit san niya gusto pumunta nakakapunta sya. Minsan nga kasama kami eh.

All You Need Is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon