Jane's POV
Ang dami na rin araw ang nagdaan. Maraming mga bagay ang nangyari na di nalang dapat nangyari. Naging close kami ni Jerome ng di ko inaasahan. Pero masaya ako na sumasama na sa amin si Janella. Kahit na iniiwasan nya pa rin ako. I really missed her! Sana maging okay na kami :(
"Guys gala daw later? Aya nung mga team sikat hahaha" Liza
"Kunwari ka pa dyan babae ka! Gusto mo rin eh. Andun kasi si 'baby'.... HAHAHA" Sofia
Nahuli kasi namin si Liza at Quen sa text. Baby pa tawagan ah? Hahaha pero ang alam namin MU palang sila at wala pang sila.
"Di nakapagsalita eh. Kinilig!" Julia
"Hi baby... Hahaha" pang aasar ko pa.
"Sige pagbutihan nyo lang yan guys. Pero seryoso kinikilig ako enebe HAHAHAHA" Liza
Aba at kilig na kilig pa sya. Hahaha. Buti pa sya ang saya saya nya. Para kasing may kulang saken eh. Hindi ko pa sya nakikita at nakakausap. Sino pa nga ba? Edi si Jerome! Bakit ganito? Alam kong mali to eh. Mali tong nararamdaman ko. Ex pa rin sya ng bestfriend ko. At mahal pa sya ng bestfriend ko. Bakit kasi sya pa? Sa dinami rami ng lalaki dito sa mundo bakit siya pa yung minahal ko? Oo ayoko ng lokohin pa yung sarili ko. Because the first time I saw him I know to myself that I like him. But I denied it because I'm not ready to get hurt. Kaya iniwasan ko siya kahit masakit. Kasi para sa akin mas importante yung best friend ko.
"Oy Jea sama ka ah" aya nila kay Janella.
"Sure :)" sagot nya. Buti pa sila kinakausap nya. Ako para lang akong hangin sa kanya.
"Ah sge guys mauna na ako. Just text me nalang if tuloy" sabi ni Janella at umalis na.
"Hayyy iwas pa rin sya sa atin. Feel ko." Sabi ni Julia. Tama naman siya eh.
Namimiss ko na yung madaldal na Janella. Makulit at sweet kong best friend. Hindi ko na kaya to. Tumayo ako at sinundan ko agad si Janella. Kailangan namin mag usap.
"Janella!" Sigaw ko at huminto naman sya. Sa wakas hinarap nya ko.
"Why? Problem?" Cold na tanong nya. Mas cold pa sa yelo.
"Please Janella mag usap naman tayo oh..." Mygosh mukhang magdadrama ko ngayon ah. Naiiyak na ko. Ayan na tutulo na.
"Nag uusap na tayo ah"
"Pero hindi ganto. Miss ko na yung dati. Miss ko na yung dating ikaw. Ano bang nangyari sayo?" At ayan na tumulo na sya. Naiyak na nga ako.
BINABASA MO ANG
All You Need Is LOVE
Novela JuvenilSabi nga nila hindi ka mabubuhay kung hindi ka sanay magmahal. Love your Family, friends and specially God! At gaya nga nung sa lyrics nung kanta 'Parang hangin at tubig lang' kasi ito ang kailangan mo para mabuhay. Ganun din yung LOVE! SO JUST LO...