Chapter 21

124 9 3
                                    



Sofia's POV

"Good morning Philippines" masayang bati ko.

"Oh nakain mo?" pang aasar sa akin nung magaling kong kambal. Epal talaga as always.

"Wala pa kaya paghanda mo na ako ng almusal dali" utos ko sa kanya ng may magawa naman. Gustong gustong inaasar ako eh. Umupo na ako sa table at hinintay ko yung inutos ko sa kanya.

"Ayan na po madam!" sabi niya at nilapag na sa table yung pagkain ko.

"Thank youuu kambal labyu" sabi ko sa kanya at kinain ko na yung hinanda niya. "Pfft ang anghang!!!" sigaw ko at tumawa naman yung magaling kong kambal.


"Justin!!!! Bumalik ka lang dito! Ang anghang waah" sigaw ko sa kambal ko.

"Oh cous" inabutan ako ni Danica ng gatas. Mamaya talaga saken yung Justin na yun.

"Teka bakit ang aga mo gumising? Wala ka naman pasok ah?" tanong ko sa kanya.

"Sama ko sayo" sabi niya sakin sabay kindat.

"Ano gagawin mo dun?" tanong ko.

"Dont worry cous mamamasyal lang ako sa school nyo. Ang boring dito no" sabi niya at ininom rin yung gatas niya. Wooh kung alam ko lang gusto lang niya makita si Diego. Amp.

"Bahala ka" tumayo na ako at baka malate pa ako.

"Wait hintayin mo ako! May kukunin lang ako" sabi niya at tumakbo na papunta sa kwarto niya.

"Bahala ka aalis na ako!" sigaw ko sa kanya.

Bakit ba kasi sasama pa siya? Inaamin ko medyo nagseselos ako sa kanya. Hindi naman siya mahirap gustuhin eh. Paano kung lapitan niya si Diego at mafall sa kanya yun? Hays. Kasalanan mo to Sofia eh. Aaminin mo lang naman na gusto mo siya. Bahala ka nga.

"Oy"

"Ay Diego!" nagulat ako sa nasabi ko. Eto naman kasing matino kong pinsan ang hilig manggulat eh. Napatakip tuloy ako sa bibig ko at iniwan ko na siya dun mag isa.

Diego! Diego! Diego! Puro nalang Diego! Nababaliw na ako neto eh! Waaah.

Jane's POV

Dahil sa sobrang excited na makita ko sila nasobrahan rin ata sa aga yung pagpasok ko. Ako palang yung andito sa room. Ang tagal naman nila! 6:00 na kaya. Ooops ang aga nga. Anong oras ba ako pumasok? Hahaha.

Nagulat ako ng may nagbukas nung pinto. Si Janella pala. Aawayin nanaman ba niya ako? Pero nagulat ako nung nginitian niya ako. Alam kong hindi fake yun. Umupo siya at parang may sinusulat siya. Hindi rin nagtagal tumayo uli siya at lumakad palapit sa akin.


May inabot siyang papel sa akin at lumabas na uli siya. Binasa ko naman agad yung nakasulat sa papel na binigay niya.

Sorry... Bestie :)))

Napangiti naman ako sa sinulat niya. Bumalik na nga siya. Bumalik na ang dati kong bestie. Namiss ko siya. Ang saya saya ko talaga.

Nagulat naman ako ng may nagbukas uli ng pinto. Nginitian ko siya pero hindi niya ako pinansin. Totoo ba? Hindi ako pinansin ni Jerome.

Dumiretso siya sa likod at dun niya nilagay yung bag niya. Bakit hindi siya tumabi sa akin? Nakakapanibago.

Lalabas na dapat siya ng hawakan ko yung kamay niya. Mukha naman nagulat siya sa ginawa ko kaya binitawan ko yun agad.

"Jerome may problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi mo yan tanong sa sarili  mo?" cold na sabi niya sa akin at lumabas na. Ako pa ngayon? Siya nga yung hindi nagpaparamdam nung bakasyon eh. Tinext ko siya pero hindi siya nagreply. Bahala nga siya.

Umupo nalang uli ako at yumuko.

"Jane?!" masiglang tawag sa akin ni Liza. Namiss ko to. Hahaha. Lumapit agad siya sa akin at niyakap niya ako.

"Namiss mo nanaman ako" sabi ko sa kanya at yinakap din siya.

"Oy pahug" sabi ni Julia na kadadating dating lang.

Grabe namiss ko talaga tong mga baliw kong kaibigan.

"Jane! Waaah ikaw ah! Umaalis ka ng walang pasabi samen" sabi ni Sofia at lumapit samen kasama si Janella.

"Sorry na guys" sabi ko sa kanila at nag group hug uli kami. Sa wakas buo na kami.

"Ah sge Jane labas lang ako" sabi ni Liza at lumabas na.

"Oy Sofia hindi pa rin ba kayo nagkakaayos ha?" sabi sa kanya ni Julia.

"Nag away kayo?" tanong ko kay Sofia at tumango naman siya.

"Hay nako! Tara na nga mag ayos na kayo" sabi ni Julia at hinila na si Sofia palabas. So ang naiwan ay kami nalang ni Janella.


"Sorry" sabi niya habang naka peace sign.

"Sus matitiis ko ba yung best friend ko? Wag ka ng umiyak" sabi ko sa kanya at yinakap ko agad siya. "Namiss kita... Sobra" dagdag ko pa.

"Namiss din kita... Bestie" sagot niya.

Akala ko hindi na kami magkakaayos. Pero making akala lang pala yun. Haha.

Jerome's POV

Nagtatampo lang naman ako sa kanya kaya hindi ko siya pinapansin. Pero hindi niya ako sinundan! Bahala talaga siya! Grabe ka magpamiss Jane ah! Nakakainis.

"Oh bat ganyan mukha mo? Umagang umaga eh" Quen


"May problema siguro sila ni Jane hahaha" Diego

"Tigilan nyo nga ako. Wala ako sa mood" sabi ko sa kanila.

"Bahala ka nga dyan! Tara na nga Quen andun na yung girls natin sa loob" sabi ni Diego at pumasok na sumunod na rin naman si Quen sa kanya.

Ok lang sanay naman akong iniiwan eh. Ay mali sanay din pala ako mang iwan. Naalala ko nanaman yung nakaraan. Mas lalo na akong nawala sa mood.



--------------

Pasukan na uli. Jane is back!!

Love love 💛

Vote!
Comment!
Enjoy reading!

All You Need Is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon