Janella's POV
Ilang araw na pero ayoko pa rin pumasok. Kahit miss na miss ko na yung mga kaibigan ko. Masisisi niyo ba ako kung nasaktan talaga ako? Lalo na nung nalaman kong gusto ni Jerome si Jane. Oo, hindi niya sinabing may gusto siya kay Jane pero ako nararamdaman ko kasi ganun din siya sa akin nung una. Lagi nya akong inaasar.
Ilang araw na rin akong tambay dito sa bahay... Isa pang pinoproblema ko ay itong si Marlo. Sa araw araw na nandito ako ay di niya ako iniwan. Pero di rin kami nagpapansinan. Haysss ano ba tong nagawa ko...
Inaamin ko, namimiss ko na rin tong si Marlo. Kung di ko pa siya kakausapin di niya talaga ako papansinin. Pero anong magagawa ko kung si Jerome pa rin ang laman ng puso ko?
"Kumain ka na" walang ganang sabi sa akin ni Marlo at umalis na
"Hey!" tawag ko sa kanya
Lumingon siya. Tumayo ako at lumapit sa kanya
"Wala ka ba talagang balak na kausapin ako?" ako
Hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya
"Sabay na tayong kumain" ako
Pero hinila niya yung kamay niya at umupo nalang. Alam kong mali yung ginagawa ko... Kasi alam kong mas lalo siyang mahuhulog sa akin... Hindi naman siya mahirap mahalin eh...
"Kumain nalang tayo" sabi niya
Wala dito ang parents ko. San pa nga ba sila? Wala silang alam na nasasaktan na ang anak nila. Busy sila sa mga business nila. Kung san san bansa sila pumupunta. Last year lang sila umuwi dito pero di din sila nagtagal. Syempre kasama dun yung ate ko. Okay lang saken. Wala akong pake kung magkakasama sila dun. Kasi ang tingin naman nila eh mas makakatulong sa kanila yung ate ko kesa sa akin. Okay... Masyado pa akong bata para isipin sila ng bongga. Sila ba iniisip ako? Naalala ba nila ako? Kung okay ba ako? Ni 5 seconds ba ay nilalaan nila sa akin? Masyadong ginto ang oras nila.
"Alam mo umuwi ka nalang kung wala ka din balak na kausapin ako" ako
"Ayoko nga. Baka kung ano pang gawin mong di maganda" sabi niya sabay inom ng juice
"Wow ha! Ano baliw lang? No! Saka bakit gatas to? Gusto ko rin ng juice no!" ako
"Hindi! Inumin mo yan! Para lumaki ka naman!" pang aasar niya sa akin. Binabawi ko na yung sinabi ko. HINDI KO NA SIYA NAMIMISS! Asar lang. Hmp!
BINABASA MO ANG
All You Need Is LOVE
JugendliteraturSabi nga nila hindi ka mabubuhay kung hindi ka sanay magmahal. Love your Family, friends and specially God! At gaya nga nung sa lyrics nung kanta 'Parang hangin at tubig lang' kasi ito ang kailangan mo para mabuhay. Ganun din yung LOVE! SO JUST LO...