Chapter 17

109 10 4
                                    

Jane's POV

Hindi ko alam kung bakit gustong gusto agad nila ako iuwi. May problema ba? Bakit ba kasi wala ako maalala sa nangyari...

Saka si Jerome. Babalikan niya kaya ako? Sabi naman ni Julia babalik yun diba? Nagtatampo pa rin ako sa parents ko bakit ba umuwi pa sila? Ang alam ko eh busy sila don. Nakakahiya naman diba?

"Sige na Jane mag ayos ka na" sabi sa akin ni mom.

"Bakit po ba kasi naghahadali kayo?" Tanong ko sa kanila "Saka kailangan ko pa magpa x ray" dagdag ko pa.

"Sumunod ka nalang Jane. Kukuha ako ng private nurse mo at sa bahay ka na mag stay" sabi sa akin ni dad. Okay naman ako dito ah?

Hindi din ako nakapalag. Anak lang naman nila ako diba? Sino ba ako para magkaroon ng kalayaan sa kanila. Pumayag na rin yung doctor na ilabas ako. Pero babalik ako pa ako para sa x ray ko. Malapit na rin pala ang pasko. Magpapasalamat na ba ako dahil makakasama ko sila sa pasko? Kung hindi pa mangyayari sa akin to hindi pa sila uuwi eh.

Pagkauwi sinalubong agad ako ni nanay. Mas gusto ko pang kasama si nanay kesa sa kanila.

"Kamusta naman ang alaga ko?" Tanong niya sa akin.

"Hindi po okay. Nay akyat na po ako" sabi ko sa kanya at umakyat na.


Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko. Wala akong magawa. Kinuha ko nalang yung cellphone ko at nagbukas ako ng Facebook ko. May isang nakatag sa akin kasama si Jerome. Picture namin dalawang magkasama dun sa party. At may caption na "Jerome pinahamak ang buhay ng taong mahal niya" hindi ko alam kung sino ang nagpost nito dahil halatang bagong gawa yung account niya.

Si Jerome ba talaga ang nagpahamak sa akin? Hindi ko na talaga maalala. Basta ang naaalala ko lang si Janella yung kausap ko. Inaaway pa nga niya ako eh. Yun lang tapos nawalan na ako ng malay. Kailangan makausap ko si Jerome.




To: Mr. Yabang :p



Jerome we need to talk.




Text ko sa kanya. Pero ilang hours na yung nakalipas wala pa rin siyang reply. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Umuwi kaya siya sa tatay niya at sa kambal?




Jerome's POV


Umuwi muna ako para makapag ayos ng sarili. Umalis ako ng hindi pa rin nagigising si Jane. Narinig ko rin na nandito na yung parents niya. Sana kung ano man yung problema nila eh magkaayos na sila. Sobrang sakit ng ulo ko siguro dahil sa puyat. Pero kailangan ko pang bumalik kay Jane. Kailangan niya ako ngayon.






All You Need Is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon