Yung mga tanong nila sa bonfire
👆Jane's POV
Nakauwi na kami sa wakas! Dahil may pasok na uli bukas! Malapit na rin ang exam namin kaya kailangan na namin magseryoso.
Humiga na ako sa kama ko ng may biglang tumawag sa phone ko. Unknown number.
{Hello Jane} bati niya sa akin. Teka sino to? Paano niya nalaman number ko?
"Sino ka? San mo nakuha number ko?" tanong ko sa kanya pero narinig kong tumawa siya.
{Importante pa ba yan? Dont worry. Siguro nga nakalimutan mo na ako? Ako nga pala yung tumawag sayo nung nasa Dubai ka pa} sabi niya at bigla ko naman naalala yun. Sikreto ni Jerome? (Balikan niyo po yung chapter 20! Andun po yan, kung nakalimutan niyo lang naman po)
"Sino ka ba talaga?" tanong ko sa kanya
{Bakit hindi mo tanong sa boyfriend mo? Oops sorry updated ako kay Jerome eh. Hahaha} sabi niya at pinatay ko na yung tawag niya. Sino ba talaga siya? Bakit alam niya yung tungkol sa amin ni Jerome? Saka sikreto? Ano bang sikreto yun na hindi pa sinasabi sa akin ni Jerome? Di kaya iisa lang yun saka yung tanong sa akin ni Marlo kahapon? Gusto niyo ba malaman yung tanong sa akin ni Marlo? Matatanggap ko pa rin daw ba si Jerome kung may nagawa man yun hindi maganda? Gulong gulo na ako! Wala naman sinasabi sa akin si Jerome! Ano bang dapat kong gawin? Ano bang nagawa mo Jerome?
Tumayo na ako at naglakad lakad muna ako. Gusto kong magpahangin at mapag isa. Stress na stress na ako. Kanina pa nagtetext si Jerome pero ayoko muna siyang kausapin. Hindi ako galit naiinis lang ako dahil bakit kailangan niya pang magsikreto sa akin? Kami na, wala ba siyang tiwala sa akin? Argh kalimutan mo muna kaya yan Jane? Para sa ikasasaya ng samahan niyo ni Je? Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ko yun. Aish! Napapadyak nalang ako sa sahig hindi ko na talaga alam kung ano gagawin ko.
"Ano full name niya?" narinig kong tanong ni Sofia. Teka asan yung babaeng yun? Hinanap ko siya at nakita ko naman nag uusap sila ni Diego. Isang seryosong usapan. Dapat ba akong makinig?
Hays hindi na dapat ako makinig sa kanila! Ang dapat kong problemahin ay yung problema ko! Aish makauwi na nga lang!
Sofia's POV
Tinanong ko sa kanya kung ano full name nung Danica na first love niya.
"Danica Kath Bernardo" matipid na sagot niya na ikinagulat ko. Pero naguguluhan rin ako? Bakit hindi siya nakilala ni Danica nung una silang nagkita?
"Yung pinsan k--ko? Teka naguguluhan ako" sabi ko sa kanya at hinawakan niya naman yung kamay ko.
"Kami ni Danica noon, sobrang saya namin na halos hindi na kami mapaghiwalay. Alam ng parents niya yung tungkol sa amin ganun din sa parents ko. Tanggap nila kami kaya sobrang saya namin. Pero isang araw pupuntahan dapat ako ni Danica nun dahil birthday ko pero di siya nakarating dahil naaksidente siya. Nagka amnesia siya at naisipan ng parents niya na wag itong ipaalam sa iba kaya sa Canada sila tumira" paliwanag niya at bigla naman tumulo yung mga luha ko.
"Teka bakit kilala niya kami?" tanong ko sa kanya
"Siguro nakakaalala na siya pero hindi lahat. Sana nga hindi na niya maalala yung tungkol sa aming dalawa. Sofia tapos na yun, ikaw na ang mahal ko ngayon" sabi niya sa akin pero inalis ko yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
"Diego gusto kita pero please hayaan mo muna ako? Kailangan ko munang makapag isip isip" sabi ko at iniwan ko na siya dun mag isa.
Kaya naman pala na crush at first sight yung pinsan ko sa kanya kasi alam ng puso niya kung sino si Diego. Sana talaga hindi na niya maalala si Diego, paano nalang ako pag nangyari yun? Paano kung mahalin uli ni Diego yung pinsan ko? Ayoko munang umuwi dahil makikita ko lang yung pinsan ko dun kaya dumiretso nalang muna ako sa bahay nila Jane. Ang sakit sakit sobra.
"Oh Sofie" tawag sa akin ni Jane at hindi na ako kumibo niyakap ko nalang siya at niyakap niya naman ako pabalik. "Alam kong may problema ka. Pero kayang kaya mong lagpasan yan. Challenge lang yan sa atin ni God. Malalagpasan rin natin to" dagdag pa niya at tuluyan ng tumulo ang aking mga luha.
Jerome's POV
Magkakasama kaming lima ngayon dahil may project na binigay sa amin. Hindi lang kami basta basta artista. Dancer at singer pa kami. Mala gimme 5 lang ang dating? Pero kanina ko pa tinetext si Jane hanggang ngayon hindi pa siya nag rereply. May nafifeel akong hindi maganda eh. Hindi naman ako makaalis dito dahil may practice pa kami.
"Oy pre ano ba kasi tinanong mo kay Julia?!" kanina pa tanong sa akin ni Inigo.
"Wag mo ng alamin masasaktan ka lang" sagot ko sa kanya
"Ayos lang sanay naman ako!" sagot niya
"Kasi nung una andyan na pinakawalan pa" parinig naman ni Marlo
"Manahimik ka nga dyan Marlo!" sabi ni Inigo at saka umalis.
"Teka asan nga pala si Diego?" tanong ko sa kanila
"Kailangan daw nilang mag usap ni Sofia eh" sabi ni Quen
"Nangangamoy war" sabi ni Marlo
Hindi na ako kumibo. Dahil nangangamoy war naman talaga sa kanila feeling ko pati sa amin ni Jane? Feeling ko lang naman yun.
"Hi Je" bati sa akin ni Kate
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya
"Kinakamusta ka" sagot niya. Hinding hindi ko makakalimutan yung pinaggagawa niya para lang masira kami ni Jane.
"Hindi ko kailangan ng kamusta mo" walang ganang sagot ko sa kanya
"Jerome and Kate may dance prod kayo mamaya" sigaw nung taga ayos sa amin. Bigla naman akong nainis dun. Eh makita ko nga lang tong babaeng to naiinis na ako makasayaw pa kaya?!
"Narinig mo yun?" tanong niya at saka siya ngumisi.
"Ano ba talagang gusto mo ha?" tanong ko sa kanya
"Tinatanong pa ba yan? Edi ang masira kayo ni Jane. Tandaan mo Jerome marami akong alam sayo" bulong niya at saka niya ako iniwan dun.
Sino ka ba talaga Kate? Gaano mo ba ako kakilala?
-----------------------------------------------
Okay bumalik na si Ms. K! Siya lang naman yung hater ng JaneRome! Akin ka nalang Jerome? Hahaha!
vote!
comment!
enjoy reading!!! :)))))))
BINABASA MO ANG
All You Need Is LOVE
Teen FictionSabi nga nila hindi ka mabubuhay kung hindi ka sanay magmahal. Love your Family, friends and specially God! At gaya nga nung sa lyrics nung kanta 'Parang hangin at tubig lang' kasi ito ang kailangan mo para mabuhay. Ganun din yung LOVE! SO JUST LO...