Sofia's POV
Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay galing kila Jane may natanggap akong invitation. May magbibirthday ba? Ah just for fun lang pala to. Christmas party ng mga artista?! Bakit ako nakasama rito?!
Agad kong tinawagan yung iba ko pang mga kaibigan. At tama kayo, hindi lang ako ang mayroon nito. Pati sila. Sino kaya ang nakaisip na bigyan kami ng ganito?
Diego's POV
"Oh" sabi ni Quen sabay bigay ng 2 invitation "Christmas party yan. Ikaw na bahala kung sino gusto mo isama. Nabigyan ko na rin sila nyan kahapon." Sabi niya sabay turo pa dun sa apat na mokong.
"Sino naman ang isasama ko tsk. Hindi nalang ako pupunta" sabi ko sabay hagis nung invitation sa tabi ko.
"Ako sasama ko si Jane" sabi ni Jerome na nakangiti abot tenga.
"Ako si....." Enrique
"Liza!!!" Sabay Sabay na sigaw nila. Ang ingay nila. Buti wala dito sila mom and dad sa bahay.
"Teka Jerome paano si Janella?" Tanong ni Marlo
"Ha? Isama mo nalang tol chance mo na yon!" Sagot ni Jerome
"Alam mo naman na hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal nun" Marlo
"Eh bahala ka pre. Hirap talaga maging pogi" walang kwentang sagot ni Jerome
"Ang tino mo talaga kausap! Bahala na nga" sagot ni Marlo
"Oh ang tahimik mo ata Inigo? Ipapakilala mo na ba sa amin yung gf mo? Siya ba isasama mo?" Quen
"Wala na kami" malungkot na sagot ni Inigo
"Paano?!" Oo nagulat talaga ko. Ang sweet kaya nilang dalawa.
"Basta" walang ganang sagot niya
"Eh pano na yan? Sino isasama mo sa party? Next week na yun" Jerome
"Trust me guys" sabi niya sabay kindat.
Kahit ganyan yan ramdam pa rin namin na nasasaktan siya. Mahirap naman talaga mag move on eh. Buti pa ako pachill chill lang. Ganto ang tunay na gwapo hindi naghahabol kasi ako dapat ang hinahabol. Ewan ko ba kay Sofia kung bakit hanggang ngayon hindi ako mapansin pansin. Gwapo naman ako diba? Teka..... Sofia? Mapansin? Aha!
BINABASA MO ANG
All You Need Is LOVE
Teen FictionSabi nga nila hindi ka mabubuhay kung hindi ka sanay magmahal. Love your Family, friends and specially God! At gaya nga nung sa lyrics nung kanta 'Parang hangin at tubig lang' kasi ito ang kailangan mo para mabuhay. Ganun din yung LOVE! SO JUST LO...