Diego's POV
Sa sinabi sa amin ni Jerome tungkol dun sa babaeng yon. Hindi na kami nagulat. Dahil matagal namin alam na may gusto sa kanya yung babaeng yun. Sila palang ni Janella may gusto na sa kanya yun. Hindi lang kami makapaniwala na umabot na siya sa ganito. Napaka desperada.
Napadaan lang ako kila Jerome dahil pinatawag niya kami. Ang totoo niyan ay inutusan talaga ako mamili eh dahil pasko na bukas.
Nilabas ko na yung listahan ni mommy at nagsimula na akong maghanap ng mga ito. Kung di lang para kay mommy hindi ko to gagawin. Nakakapagod kaya tong ginagawa ko.
Konti nalang at malapit na rin akong matapos....
*Bogsh*
"Aray ko" reklamo nung babaeng nakabangga ko. Maganda siya pero mukhang maarte.
"Sorry" sabi ko. Aalis na dapat ako ng tawagin siya ni Sofia. Sofia?!
"Sofia?!" "Diego?!" sabay na tawag namin sa isa't isa. Meant to be talaga kami hahaha.
"Kilala mo siya?" Tanong nung babaeng nakabangga ko.
"Oo. Kaklase ko nga pala. Danica si Diego. Diego si Danica pinsan ko" pagpapakilala niya.
"Nice meeting you, Danica" sabi ko at nilahad ko yung kamay ko.
Nakipagshake hands naman siya sa akin. Nakita kong masama yung tingin ni Sofia sa mga kamay namin kaya hinila niya yung kamay ni Danica. Selos lang yan. Hahaha. Ayaw pa kasing aminin crush din naman niya ako.
"Danica let's go" aya sa kanya ni Sofia.
"Bye Danica" pang aasar ko pa.
Tinext ko agad si Sofia.
To: Sofia ko
Selos :p
Hindi siya nagreply. Busy pa siguro siya ngayon. Haha. Hindi ko naman talaga type yung Danica eh. Pinagseselos ko lang si Sofia. Ayaw pa kasing umamin.
Jerome's POV
Pinuntahan ko nga pala yung babaeng yun pero matalino talaga siya dahil hindi daw siya umuuwi pa. Bukas na ang pasko pero hindi ko pa siya nahahanap. Makikita rin kitang babae ka. Ilang araw na rin walang paramdam si Jane sa akin. Kahit text o chat wala. Anong nangyari? Pati yung mga kaibigan niya wala din balita sa kanya. Kaya naisipan ko na puntahan nalang siya sa bahay nila.
"Jane!!" sigaw ko pero wala pa rin lumalabas. Kumatok lang ako ng kumatok. Hanggang sa binuksan ito ni nanay.
"Nay andyan po ba si Jane?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
All You Need Is LOVE
Fiksi RemajaSabi nga nila hindi ka mabubuhay kung hindi ka sanay magmahal. Love your Family, friends and specially God! At gaya nga nung sa lyrics nung kanta 'Parang hangin at tubig lang' kasi ito ang kailangan mo para mabuhay. Ganun din yung LOVE! SO JUST LO...