Chapter 34

127 5 2
                                    

Julia's POV

Exam na namin bukas kaya wala akong ginagawa ngayon kung di ang magreview. At dahil kanina pa ako nagrereview naisipan ko na mag phone muna 'Breaktime' muna. Lahat kasi ng bagay kapag sobra na kailangan muna ng break.

Nagulat naman ako ng biglang magchat sa akin si Miles. Teka yung sagot ni Inigo... Yung huling taong nasaktan niya ay si Miles? May problema ba sila?

Me: May problema ba kayo ni Inigo?

Miles: Haha! Ano ba! Wala na kami nun.

Nagulat naman ako sa sinagot ni Miles sa akin. Wala na sila? Eh nagbalikan na nga sila nun?

Me: Bakit? Anong dahilan?

Miles: Mabuti pa siya nalang tanungin mo dyan :) Wag kang mag alala tanggap ko na. Masaya na ako dito ngayon sa Japan :)

Me: Seryoso ka ba dyan? Wag kang mag alala puntahan kita dyan minsan.

Miles: Sige ba! RK ka naman eh. Haha!

Naging close na kami ni Miles dahil hindi naman siya mahirap kaibiganin. Mabait at totoo si Miles and yun yung nagustuhan ko sa kanya. Matanda siya sa amin ng 2 years kaya parang ate ko na rin siya.

Pero ano nga kaya ang dahilan kung bakit wala na uli sila? Saka ako? tatanong ko kay Inigo?! No wag nalang. Tss! Hanggang ngayon kasi gusto ko pa rin yun. Mahirap kayang mag move on diba lalo na pag walang kayo? So bago pa ako mag isip ng kung ano ano bumalik nalang ako sa pagrereview ko. Baka wala pa akong masagot bukas niyan kung iisipin ko lang si Inigo.

-----

Jane's POV

"Review tayo girls habang di pa nag start! Mamaya pa dating ni maam niyan" sabi ni Liza

"Tara" sagot ni Janella.

"Okay lang yan Sofie" bulong ko kay Sofia. Alam ko na yung problema niya at sobra din akong nagulat nung kinwento niya sa akin yun. Sobrang close pa naman nilang magpinsan.

"Thank you Jane" sagot niya at saka ngumiti. Ngiting fake.

"Oy Sofia and Jane nakikinig ba kayo?" tanong sa amin ni Julia

"Yes lola" sabay na sagot namin kaya napukol kami ng notebook. Haha!

Hanggang ngayon hindi ko pa rin pinapansin si Jerome. Ayoko lang siguro na palakihin pa yung iniisip ko. Mas mabuti ng ganito muna kami. Pero shete! Miss ko na siya. Miss ko na si babe.

"Oy Jane! Lutang ka naman eh!" sabi ni Liza sa akin

"Jane magkwento ka nga! Anong problema niyo ni Je?" tanong sa akin ni Janella.

"Wala" matipid na sagot ko saka ko tinignan si Jerome.

"Meron eh! Hindi mo pinapansin si Jerome no! Akala mo ba di namin nahahalata yun? Saka kwento din sa akin ni Marlo na hindi ka rin nagrereply o sumasagot sa mga texts/calls ni Je" Janella

"Wala lang talaga to bestie! Yan Marlo talaga na yan eh! Humanda sa akin yan!" sabi ko sa kanya at sinamaan ko ng tingin si Marlo

"Mag usap kaya kayo ni Marlo?" tanong sa akin ni Janella.

"Mag uusap talaga kami. Hindi ngayon! Pagkatapos na ng exam!" sabi ko

"Halaaa pagtas ng exam, JS na!!" excited na sabi ni Liza

Hays. Nawala tuloy pagkaexcite ko sa JS namin. Parang ayoko na tuloy umattend.

Marlo's POV

Bakit kaya di pinapansin ni Jane si Jerome? May alam na kaya siya? Pero malabo dahil kami lang yung nakakaalam nun dahil kinwento sa amin ni Jerome yun bago kami mabuo. Yes, tinaggap namin siya dahil naiintindihan namin siya. Lahat naman tayo nagkakamali diba?

Kailangan ko talagang makausap si Jane. Sasabihin ko nalang na wag niya nalang seryosohin yung tanong ko. Para maayos na to! Ngayon pa ba sila magkakaganyan kung kailan malapit na JS? Haha lol

Bigla ko naman naalala si Janella. Parehong hindi namin alam kung kailan siya kukunin ng dad niya. Pero sana naman pagtapos na ng school year na to. Ready na ang lahat eh yung tawag nalang ng dad niya yung hinihintay namin. Sobra ko siyang mamimiss pag umalis na siya. Hindi dahil sa gusto ko siya, dahil girl best friend ko rin siya. Wala talagang forever. Bibigwasan ko talaga yang si kupido pag may nakitang iba dun si Janella! Tsk!

"Mga pre magiging ayos din ang lahat" sabi ko kila Jerome at Diego pareho kasi silang namomroblema ngayon.

"Sana nga" sabi ni Jerome

"Sa tingin ko hindi na" walang ganang sagot ni Diego

"Wag kang nega dyan!" sabi ni Jerome sa kanya at hinampas yung braso niya.

Sana talaga maging ayos na ang lahat. Kahit papaano magkakabarkada na rin naman kami kasama yung Mean Girls. Yeah Mean Girls tawag namin sa kanila kasi ang aano nila eh. Basta yun maano sila. Haha!

Sana hindi masira yung pagkakaibigan namin. Sana kahit anong problema ang dumating malagpasan namin yun. Hindi man kami para sa isa't isa, siguro nga hanggang magkaibigan lang kami.

----------------------------------------

SHORT UPDATE MEHEHEHE

Squad goals ba? Hays nakakalungkot naman... Naniniwala ba kayo na malalagpasan nila yang mga problema nila? Abangan...

Love u guys! :*

Vote!

Comment!

Enjoy Reading!

All You Need Is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon