Jane's POV
Umagang umaga usapang lovelife sila. Pumasok na rin si Janella pero iniiwasan niya kami. May nagawa ba kami sa kanya? Bakit kailangan niya kaming iwasan?
Pumasok na rin si Jerome kasama si Marlo. May movie ata silang shinoshoot eh.
"Diba ngayon yung audition ni Liza?" Julia
"Oo nga no. Kaya pala wala din si Enrique" Sofia
"Hmm baka magulat nalang tayo sila na" ako
"Yup. Bagay naman sila diba?" Sofia
"Mas bagay tayo" sagot ni Diego na kadadating dating lang.
"Ang lakas talaga ng hangin! Wooo di ko kinaya!" Sofia
Okay, nagsimula nanaman sila. Baka magulat nalang din ako sila na pala? Hahahaha! Diba nga, the more you hate the more you love.
"Hi Jane" bati sa akin ni Jerome
Nakita ko naman na masama ang tingin sa amin ni Janella.
"Ano bang ginagawa mo dito?! Wag ka na dito..." sabi ko sa kanya. Alam ko yung storya nila ni Janella. At ayokong malayo sa bestfriend ko.
Inaamin ko, crush ko si Jerome. Siya ang kauna unahang lalaki dito sa mundo ang naging crush ko. Paghanga lang.... Tama! Sino ba naman ang di hahanga sa isang Jerome Ponce diba? Gwapo, mabuting tao, gentleman... Halos lahat na ata nasa kanya. Pero anong magagawa ko? Kung mahal pa sya ng bestfriend ko.
Gusto ko man syang makatabi wala akong magagawa.
"Bakit ba ang sungit sungit mo sa akin ha" Jerome
"Wala kang pake" sagot ko at naglabas nalang ng libro. Kahit wala ako sa mood magbasa.
"Okay" sabi nya at yumuko nalang
Hindi nagtagal dumating na yung teacher namin. Ang kulit talaga ng isang to! Sabi ko wag siya dito sa tabi ko eh. Pero hindi pala sya umalis. Teka, nakatulog ba siya? Bilis naman.
Pinagmasdan ko yung gwapo niyang mukha... Ang ganda ng mga pilikmata niya lalong lalo na yung mga mata niya na wagas kung titigan ka.. Yung matangos niyang ilong.. At yung kissable lips niya... Teka kissable talaga Jane?
"Kung gusto mo kong titigan dapat sinabi mo agad. Para naman nainform ako" sabi niya sabay kindat
BINABASA MO ANG
All You Need Is LOVE
TeenfikceSabi nga nila hindi ka mabubuhay kung hindi ka sanay magmahal. Love your Family, friends and specially God! At gaya nga nung sa lyrics nung kanta 'Parang hangin at tubig lang' kasi ito ang kailangan mo para mabuhay. Ganun din yung LOVE! SO JUST LO...