Julia's POV
Alam niyo yung feeling na hindi kayo crush ng crush niyo? Nakakakilig lang no? Ang saya saya diba? Lalo na kung may gf pa siya. Tch walang forever. Magbebreak din kayo. At pag nagkataon magpapaparty pa ako.
Pero mas masaklap yung alam mo na ngang Wala kang pag asa, asa ka pa rin ng asa. Nice nice!
Saka crush lang naman diba? Pero bakit ka nasasaktan?
Oo na kilala niyo naman na diba kung sino tinutuloy ko. Si Inigo. Inigo Inigo Inigo puro ka nalang Inigo. Nakakainis na ah. Bakit ba kasi ang ganda ng name niya. Chos.
Binuksan ko yung GC namin magbabarkada. Syempre kasama yung mga team sikat. Bakit ba nasama pa yung mga yon? Simple lang kasi chukchuk sila ng mga kaibigan ko. (Chuchuk means crush o gusto) Hindi ko nga alam kung bakit kasali ako dito eh. Alam kasi nila na crush ko si Inigo. Ang problema kasama don yung gf ni Inigo. Saklaugh nakikisama pa eh. Di hamak naman na mas maganda ko sa kanya. Labo talaga!
At kung sinuwerte ka nga naman oh. Isend ba naman ni Diego yung picture ni Inigo kasama yung gf na grabe sa kasweetan. Pwede naman PM nalang diba? Bakit kailangan sa GC pa?! Humanda saken tong Diego na to page nakita ko siya. Pasalamat siya bakasyon.
Arghhhhh
Janella's POV
Bakit di na pumupunta dito si Marlo? Napagod na ba siya? Kainis nagpapamiss pa eh. Pero mas miss ko pa rin si Jerome. At dahil don, binuksan ko yung fb ko at nag stalk uli ako sa kanya. Hanggang sa may naisip ako. Hahaha! What a bright idea, Janella.
Binago ko yung status ko at pinalitan ko ng In a relationship with Jerome Ponce. Magwala na mga fans niya. Wala akong pake. Hahahaha! Lalo na yung mga fans niya saka nung ka love team niya. Hahaha eh mas bagay kami eh. Sorry siya.
Ang daming nagreact sa status ko. Magreact sila Wala akong pake. Mwahahaha. Haters gonna hate hate hate. Kung hate nila ko, mas hate ko sila. Bwahaha.
Ang dami rin nag chat sa akin. Wow ganun lang ginawa ko sumikat pa ako. Hahaha. Saya! Hindi ko na pala kailangan magpasikat sa kanila eh. Nakakatouch naman guys.
Ex ka na gurl
Wag ng umasa
Kawawa ka naman te!And blahblahblah Wala akong pake sa mga sinasabi nila. Sayang lang effort nila sa pagtatype. Hohoho.
Jane's POV
Ano ba yan walang magawa sa bahay. Kung makapag shopping nalang kaya? Kaya lang kakashopping ko lang kahapon eh.
Kinuha ko yung phone ko at nag online muna ko.
Pero nagkamali ako... Sana hindi nalang ako nag online.... Sana nagshopping nalang ako...
So sila na uli? Si Janella at Jerome na uli? Nakita ko yung status ni Janella. Ang sakit sakit. Umasa lang pala ako. Napakapa fall mo Jerome! Congrats kasi nagtagumpay ka eh. Nafall na ko...
Nag out agad ako at naisipan ko na magpunta nalang ng mall. Gusto ko muna mapag isa. Magpakasaya... Kahit ang hirap hirap maging masaya..
Malapit na ang pasko pero hanggang ngayon hindi pa rin umuuwi yung mga magulang ko. Sobrang miss ko na sila eh. Pero ang tanong sila ba naaalala nila ako? Kapag kailangan ko ng makakausap Wala sila. Kapag may problema ako wala rin sila. Mahirap bang dalawin yung anak nila? O baka naman nakalimutan na nilang may anak sila?
Ang sakit lang eh. Gusto ko lang naman ay maranasan yung pagmamahal ng magulang sa mga anak nila. Hindi ko naman hiniling sa kanila na bigyan ako ng gantong buhay. Para saan pa tong yaman namin kung wala naman sila sa tabi ko. Palagi silang busy. Sana minsan magkaron sila ng time sa akin.

BINABASA MO ANG
All You Need Is LOVE
Fiksi RemajaSabi nga nila hindi ka mabubuhay kung hindi ka sanay magmahal. Love your Family, friends and specially God! At gaya nga nung sa lyrics nung kanta 'Parang hangin at tubig lang' kasi ito ang kailangan mo para mabuhay. Ganun din yung LOVE! SO JUST LO...