Chapter 20

117 8 3
                                    

Jane's POV

Lumipas na ang mga araw. Nagdaan ang pasko at bagong taon na hindi ko man lang nafeel.

"Jane uuwi ka na bukas" kumakain kami ngayon ng almusal ng magsalita si dad. Seryoso?

"Talaga po?" masiglang tanong ko sa kanya. Pero seryoso pa rin siya.

"Yes, your vacation is over" sabi niya na ikinalungkot ko naman. Hindi ko man lang na-enjoy yung christmas vacation ko.

"Pero sa bakasyon babalik ka uli dito" seryosong sabi ni mom.

"Pero bakit kailangan ko pa pong bumalik dito? Masaya naman po ako sa pilipinas" sagot ko sa kanila.

"Bakit? Dahil sa Jerome na yun? Anak, marami pang iba dyan. You dont deserve him" sabi sa akin ni mom.

"Mom! I like him" nagulat din ako sa nasagot ko sa kanila. Seryoso na nga tong nararamdaman ko.

"Bata ka pa Jane. Marami ka pang makikilala dyan na mas better" sabi ni mom habang si dad nakikinig lang sa usapan namin.

"Sana bago niyo husgahan si Jerome kilalanin nyo po muna siya. Excuse me" sabi ko at umalis na. Nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa pinag uusapan namin.

Nag ayos nalang ako ng gamit ko. Napangiti naman ako ng maalala ko na uuwi na kami bukas!

"Eto na yung phone mo" sabi sa akin ni mom na nasa may pinto. Kinuha ko agad yun at umalis na rin siya.

Grabe namiss ko din tong phone ko! Tawagan ko kaya sila? Wag na surprise nalang! Haha.

Pero nagulat ako ng magvibrate yung phone ko.

[Hi Jane] bati agad sa akin nung nasa kabilang linya. Babae siya pero hindi ko kilala yung boses niya.

"Sino to?" tanong ko sa kanya

[No need to know me. I'll introduce myself in the right time] sabi niya ng tumatawa. Sino ba to?

"Kung sino ka man, hindi ako nakikipagbiruan" sabi ko sa kanya

[Chill, gusto lang naman kitang kamustahin dyan sa dubai] sabi niya at tumatawa uli.

"Paano mong nalaman na nasa dubai ako?"

[Dahil ako ang dahilan kung bakit napunta ka dyan. Oh let's say si Jerome ang dahilan]

"Bakit nasali si Jerome dito? Sino ka ba talaga?"

[Kinalimutan mo na agad ako? Parang kailan lang nung nagkita tayo ah?]

All You Need Is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon