Chapter 8

128 7 2
                                        

Janella's POV

Kahit ano talaga gawin kong pagmomove on, kapag nakita ko siya Wala rin. Nahihirapan na ako. Tanga na kung tanga pero mahal ko siya. Masama na ba ang magmahal? Na ang gusto ko lang rin naman ay ang mahalin.

Oo best friend ko si Jane. Hindi ako naiinis sa kanya dahil alam kong hindi niya gusto si Jerome. Naiinis ako dahil siya ang mahal ng taong mahal ko.

Alam kong mali to, na mas pinili ko yung taong mahal ko na hindi naman ako mahal kesa sa best friend ko na laging andyan sa tabi ko.

Pero dahil kay Jerome, nawawala yung dating ako. Feel ko rin yun. Dahil napapadalas yung pagiging bitch ko. Yung pagiging bitch ko na matagal ko ng tinatago...

At walang ibang babae ang mamahalin ni Jerome kung hindi ako lang. Only me. Not them, and specially not Jane. Ako lang.

Dahil pag nagkataon na suwayin ako ni Jane sa gusto kong mangyari na iwasan niya si Jerome, makakalimutan ko na talagang best friend ko siya.

And this is the new me. The bitch me. I'm sorry Marlo... I'm sorry Jane...

Jane's POV

Ilang araw na ang lumipas Simula nung huli kaming nagusap ni Janella. Ilang araw na rin hindi nagpaparamdam si Jerome. Ayos lang para hindi na rin ako mahirapan na iwasan siya.

Pero ang hindi ko maiwasan ay ang huwag siyang isipin. Isipin kung anong ginagawa niya.. Kung sino ang kasama niya.. Na laro lang ba to? Na pinapaasa niya lang ako.. "Tch ang pafall mo" bulong ko sa sarili ko. Nababaliw na talaga ako. Ngayon ko lang to ginawa. Ang magsalita mag isa. Nakakabaliw ka talaga Jerome! Hindi na ako magtataka kung bakit ganun nalang si Janella ngayon sayo. Nakakatanga lang.

"May sinasabi ka ba Jane?" -Julia

Nandito nga pala sila sa bahay naming. Sleepover because its fridaaaay! At dapat ay nag eenjoy ako hindi yung iniisip ko yung mga taong Wala naman pake sa nararamdaman ko. Yung best friend ko at si Jerome. Hindi nila alam na nasasaktan na nila ako >.>

"Ahh w-wala" - nauutal kong sagot. Ano bang nangyayari sa akin? Nagdadalaga na talaga ako.

"Jane don't us. Kilala ka namin. At alam namin na may problema ka. Problemang hindi lang kay Janella..." - Liza

"Baka kay Papa Jerome... Hahaha!" -Sofia

Pangalan pa lang ni Jerome ang narinig ko hindi na ako mapakali. Nafefeel ko na mahahotseat ako ngayon dito. Pero kaibigan ko naman sila diba? At may tiwala ako sa kanila. Syempre Wala dito si Janella. Baka pumunta dito yun diba?

"Huwag ka ng magdeny Janey... Uyyy dalaga na siya" -Julia

"Dalaga naman na talaga ko no. Pero guys wag na sanang makarating to kay Janella. Alam niyo naman. Saka iiwasan ko na si Jerome para magkaayos na kami ni Janella" - paliwanag ko sa kanila

All You Need Is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon