"ANG lamig!" Reklamo ni Kathryn habang idinidikit ang sarili sa akin. Kung ganito ka ginawin kahit sa ref na tayo tumira.
Niyakap ko siya, kunwari nilalamig din ako kahit yung totoo lumalandi lang ako, "Punta na tayo sa apartment?" Nagbiro ako kahit yun talaga ang gusto ko.
Sinapak niya ako habang tumatawa, "You stop!" daw. Eh siya nga yung non-stop kagabi? Natawa nalang ako sa naisip ko, pag nalaman ni Kathryn ang laman ng utak ko uuwi ako sa Pilipinas na lumpo lumpo.
"Bali!! Ice cream!!" Bigla niyang sabi sa akin nang makakita kami nang bilihan ng ice cream. Parang kanina lang naninigas to sa lamig ah? Napakamot nalang ako ng ulo ko at naglabas ng pera. Para naman kasing makaka-hindi ako eh isang bali lang neto tiklop nanaman ako.
NAKANGITI siyang dinidilaan ang ice cream niya, walang kamalay malay na pinapanuod ko siya. Hindi yata lamig ang magiging dahilan ng paninigas ko ah.
Napansin niya yatang panay ang titig ko sakanya kaya inalok niya sa akin ang ice cream na hawak niya. "You want?" Hihindi sana ako nang sakupin ng dila niya ang ice cream na hawak niya. Aarte pa?
Tumango ako, senyales na gusto ko siyang tikman— yung ice cream ang gusto kong tikman! Dinikit ko ang labi ko sa ice cream kaya nag-iwan ito ng puting marka sa akin. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kathryn kasabay nang pag-kuha niya sa cellphone niya.
"You're so cute!" Tawa niyang muli. "Parang yung DP mo sa instagram." Dagdag niya sabay kuha ng picture ko.
Natatawang tinignan akong muli ni Kathryn, hindi ko pa kasi inaalis ang ice cream sa labi ko. Nagtaka ako nang inilapit niya ang labi niya sa labi ko at halos matawagan ko si Mama nang dilaan niya ang labi ko bilang pag-alis sa ice cream na natira dito.
Nginitian ko siya ng pilyo, "Iba yun mehn, iba yun!" Sabi ko sakanya sabay tawa. Nirolyohan naman niya ako ng mata kasabay ng pagtawa niya.
Wag mo akong ginaganyan kung ayaw mong gawan kita ng ibang ice cream mamaya.
------
"@bernardokath: *dj's picture with ice cream on his lips* My kind of ice cream 🍦".-----
Yayaman ka sa Japan! 😂 Well in exchange of PSY's kagaguhan, here's an update! Not proofread. 😅