Noong bata ako, alalang alala ko kung paano ko pinipigilang umiyak tuwing nakikita kong nage-empake nanaman ang Nanay ko. Ibig sabihin kasi 'nun eh aalis nanaman kami, pupunta ulit ako sa isang lugar kung saan wala akong kilala.
Hinding hindi ko nakita ang sarili kong kinikilig at ngiting ngiti habang may pinapanuod na nageempake hanggang sa nakilala ko si Kathryn.
Nakaupo ako sa kama ni Kathryn ng alas otso ng umaga, hindi ko alam pero nakakalimutan ko ang buong konsepto ng antok at tulog pag kasama ko si Kathryn. Nakangiti lang ako habang pinapanuod si Kathryn na maglagay ng kung ano anong damit sa maleta niya habang umiikot ikot ang mata tuwing bumubulong bulong ako ng "rashguard" sa tuwing magpapasok siya ng pantyng pan-swimming sa maleta niya.
Ang laki talaga ng ngiti ko, hindi mo aakalain na noong isang linggo eh tumawag ako kay Kathryn ng alas tres ng madaling araw, lasing at umiiyak dahil pinagp-pyestahan na ako ng buong mundo.
Basta pagsapit ng alas kwatro, nasa kwarto ko na si Kathryn. Tahimik na hinahaplos ang pisngi ko habang pinapakinggan ang mga salitang di ko na naalala nang magising ako sa tabi niya, magkabuhol ang mga binti naming dalawa.
Nasira ang pagr-reminisce ko nang mahulog ang paper bag na inaabot ni Kathryn sa closet niya na mga rashguard pala ang laman.
"Regalo mo yan kay Lelay?" tanong ko sakanya nang bumalandra sa harapan ko ang isang rashguard na kung si Kathryn ang magsusuot eh hanggang dibdib lang niya ang matatakpan.
Hindi naman ako nagj-joke pero ang lakas ng tawa niya 'nung tinanong ko 'yun. Kumunot ang noo ko at sinabi kong seryoso ako pero mas lumakas lang ang tawa niya dahil nga seryoso talaga ako.
"Baliw! This is mine!" nakatawa niyang sagot kaya kumunot talaga ang noo ko. Ikaw ba naman ang bilinan ng mag-behave ka ng nanay at tatay ni Kathryn tapos papaugaan niya pala ako ng pusod at hita niya pagdating namin sa Boracay.
"Seryoso ka?" lumaki ang mata ko 'nung sinabi ko 'yun kasi tang ina naman, naka-pajama na nga lang siya ngayon at hindi pa nakakaligo eh naramdaman ko nang nag-iba nanaman ang lokasyon ng langit.
"Yup. Why ba?" tanong niya bago ipagpatuloy ang pagaayos ng maleta niya.
Why ba? Umulit pa ng isang beses yang tanong ni Kathryn sa utak ko. Kasi sexy ka? Kasi ayokong makita ng mga kapatid kong minamanyak kita? Kasi masyado kong gusto baka makalimot ako? Sa dami ng sagot ko, nagkibit balikat nalang ako at nag-handa dahil alam kong pagdating namin sa Boracay, kailangan kong magpakasanto.
Nakangisi na si Kathryn dahil mukha nga daw akong statwa. Hindi ko naman namalayang nanigas na pala ako dito.
"Excited na ako." Bulalas nanaman niya. Pang-limang beses na yata niyang sinabi yan habang inaayos niya ang maleta niya.
"Ako din." amin ko kahit na kabado talaga ako kasi nararamdaman kong papakitaan niya ako ng masyado kong gusto.
Pumalakpak siya nang kumpleto na ang mga susuotin niya. Lumiwanag bigla yung kwarto ko eh. Ang ganda ganda kasi ng ngiti ni Kathryn. Wala siyang kahit anong suot sa mukha kaya muntik ko nang hilingin na sana hindi lang sa mukha. Ang ganda talaga niya.
"Anong oras flight natin?" tumabi siya sakin pagkatapos niyang isara ang zipper ng maleta niya. Yumakap siya sa akin at ibinaon ang ulo niya sa leeg ko kaya nakiliti ako nang magsalita siyang muli. "Bango."
Noong sinabi ko sakanya na sa Boracay kami magc-celebrate ng anniversary namin, daig ko pa ang isang hero na niligtas ang buong Pilipinas kung tignan at yapusin niya ako. Basta ang alam ko lang, kuntento na ako nang lumabas ang mga salitang best boyfriend ever mula sa bibig niya at nasalo ko naman ang titulo kong 'yon na halikan ko siya sa kalagitnaan ng pagsasalita niya.